top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 14, 2021


ree

Hindi pa napapanahon para isailalim sa modified general community quarantine (MGCQ) ang NCR Plus na binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.


Sa ngayon ay nasa ilalim ng GCQ “with restrictions” ang NCR Plus hanggang sa June 15 at ayon kay Roque, posibleng luwagan ito sa ordinaryong GCQ simula sa June 16.


Aniya, "Ang problema po natin, mataas pa rin ‘yung actual numbers, hindi pa tayo nakakabalik sa mga numero natin bago pumasok ang new variants.”


Saad pa ni Roque, "So ang nakikita ko po ay ordinaryong GCQ pero sa tingin ko po, mukhang malabo pa ‘yung MGCQ.”


Samantala, nakatakdang magpulong ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ngayong Lunes upang pag-usapan ang magiging quarantine classifications sa NCR Plus atbp. lugar sa bansa.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 11, 2021


ree

Maaari nang magpatuloy ang operasyon ng mga indoor non-contact sports katulad ng gyms, fitness studios, skating rinks, at racket sports courts na mayroong Safety Seal Certification mula sa Department of Trade and Industry (DTI) sa 30% venue capacity sa NCR Plus, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Biyernes.


Pinayagan na rin ng pamahalaan ang pagbubukas ng mga historical sites at museums sa NCR Plus na binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa 20% venue capacity at mahigpit pa ring ipinatutupad ang mga health and safety protocols, ayon kay Roque.


Ang pagbubukas din umano ng mga historical sites at museums ay kailangan pa rin ng approval ng local government units na nakasasakop sa mga ito.


Samantala, ayon din kay Roque, bawal pa ang mga guided tours sa mga historical sites at museums.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 6, 2021


ree

Dumagsa ang mahigit 700 turista mula sa NCR Plus sa Boracay noong Sabado matapos luwagan ng pamahalaan ang quarantine restrictions sa Metro Manila at kalapit na probinsiya.


Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines, 718 ang mga turista mula sa NCR Plus.


Siniguro naman ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang mahigpit na pagpapatupad ng mga safety and health protocols sa mga paliparan.


Kamakailan ay inaprubahan ng pamahalaan ang mga leisure activities sa NCR Plus papunta sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified GCQ simula noong June 1 hanggang 15. Inalis na rin ng pamahalaan ang age restrictions ngunit kailangan ding sundin ang mga health protocols at ang mga ipinatutupad na guidelines ng local government units (LGUs).

 
 
RECOMMENDED
bottom of page