top of page
Search

ni Jenny Rose Albason @News | July 10, 2023



ree

Alam umano ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang ilan sa mga katotohanan hinggil sa kontrobersyal na conference ng National Bureau of Investigation (NBI), kabilang ang pagkakakilanlan ng opisyal na nag-imbita sa mga entertainer sa event.


Sa isang media briefing, sinabi ni Remulla na alam niya kung paano nangyari ang kaganapan at kung sino ang naroroon.


“I have the identity of the person already. The one who was spoken to offered the entertainment services because there were other services given. Besides the dancing, I think there was some singing also done. Some talented singers also sang,” saad ni Remulla.


 
 

ni Mylene Alfonso @News | July 8, 2023



ree

Humingi ng paumanhin si National Bureau of Investigation (NBI) Director Medardo De Lemos kaugnay sa nag-viral na sexy dancing sa ginanap na command conference ng ahensya noong Hunyo 30.


"Una sa lahat humihingi kami ng paumanhin dahil hindi namin intensyon makasakit ng damdamin ng ating kababaihan. Kung naging offensive man ang pagsasayaw na ito noong June 30 after ng command conference sa sensibilities ng ating mga mamamayan lalo na ating kababaihan, humihingi po kami ng paumanhin," pahayag ni De Lemos.


Ipinaliwanag ni De Lemos na noong araw na 'yun ay tapos na umano ang command conference at mayroong fellowship para magkaroon ng bonding ang kanilang mga regional officers at mga national officers dito sa Manila.


Sinabi ni De Lemos na wala siya noong nangyari ‘yung sayawan at dumating siya alas-5:30 ng hapon noong magsisimula na ang fellowship at maaga umano siyang umalis.


Kaugnay nito, tiniyak ni De Lemos na pinaiimbestigahan na niya ang sexy dancing para malaman kung sino ang nag-imbita, nagdala ng dancer at kung sino ang nagpahintulot na mag-perform sila sa NBI socials.


Aalamin din niya kung sino ang dapat managot sa naturang pagkakamali.


"Nais namin i-emphasize, we would like to stress we will never tolerate indecency in the agency. Kung nandoon ako malamang napahinto natin ‘yung sumayaw na ito,” dagdag pa ng opisyal.


Alinsunod sa Civil Service rules at ng opisina papatawan umano ng parusa ang may pakana nito.


Tiniyak din ni De Lemos na hindi na ito mauulit kung saan nadamay ang buong ahensya sa pagkakamali.


 
 

ni Mai Ancheta | July 7, 2023



ree

Paiimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) ang viral video kung saan may babaeng nagsasayaw ng "sexy dance" bilang intermission number sa command conference ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang hotel.


Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, hindi magandang tingnan sa mata ng publiko ang mga ganitong aksyon kaya dapat lamang na maimbestigahan ito.


“Definitely, we do not like this to happen, no. We will investigate it also,” ani Remulla.


Walang puwang aniya sa bansa ang mga ganitong asal at aksyon kaya walang sasantuhin kung sino man ang may pakana nito.


"These are the forms of misbehavior that we don’t need in the country,” dagdag ni Remulla.


Batay sa viral video, makikita ang isang babae na nakasuot umano ng panty at crop top habang sinasayawan ang mga naroon sa event.


Sa ngayon, wala pang pahayag ang NBI hinggil sa naturang isyu.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page