top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 9, 2026



Detroit Pistons

Photo: Detroit Pistons



Laro ngayong Sabado

7:00 AM NY vs. Philadelphia

9:30 AM SA vs. Minnesota


Parehong 2-0 na rin ang World Champion Oklahoma City Thunder at Detroit Pistons bunga ng hiwalay na panalo sa Conference Semifinals ng 2026 NBA Playoffs kahapon. Tinalo ng OKC ang Los Angeles Lakers, 125-107, matapos ang 107-97 tagumpay ng Pistons sa Cleveland Cavaliers.


Sumakay sa shooting ni Austin Reaves, lamang ng 69-64 ang Lakers sa pangatlong quarter pero naubusan sila agad ng lakas at naagaw ng Thunder ang bentahe papasok sa huling quarter, 93-80. Mula roon ay tuloy-tuloy na ang pagpalo ng OKC patungo sa 125-105 agwat at isang minuto sa orasan.


Tig-22 sina MVP Shai Gilgeous-Alexander at Chet Holmgren para sa mga nagwagi. Nagtapos si Reaves na may 31 habang 23 si LeBron James.


Sinayang ng Pistons ang 52-38 lamang sa pangalawang quarter at humabol ang Cavs hanggang maagaw ang bentahe ng maaga sa huling quarter, 81-79. Nagising and Detroit at bumira ng mahahalagang puntos sina Duncan Robinson, Tobias Harris at Cade Cunningham para sa mas siguradong 101-92 sapin sa huling 2 minuto.


Nanguna sina Cunningham na may 25 at 10 assist at Harris na may 21. Nagpasok ng limang three-points si Robinson para sa 17.


Hindi katiyakan ang pagiging numero uno. Huling nagtapat sa NBA Finals ang numero uno ng East at West noong 2016 kung saan dinaig ng Cavs ang Golden State Warriors, 4-3.

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 8, 2026



Inaasinta ni San Antonio Spurs forward Victor Wembanyama (1) ang bola sa harapan ng depensa ni Minnesota Timberwolves center Rudy Gobert (27) sa first half ng Game 2 second round ng 2026 NBA Playoffs sa Frost Bank Center kahapon. (Daniel Dunn-Imgn Images/Reuters)

Photo: Inaasinta ni San Antonio Spurs forward Victor Wembanyama (1) ang bola sa harapan ng depensa ni Minnesota Timberwolves center Rudy Gobert (27) sa first half ng Game 2 second round ng 2026 NBA Playoffs sa Frost Bank Center kahapon. (Daniel Dunn-Imgn Images/Reuters)



Laro ngayong Biyernes

7:00 AM Cleveland vs. Detroit

9:30 AM LA Lakers vs. OKC


Nagtayo ng nakakasindak na 2-0 bentahe ang New York Knicks nang talunin ang bisitang Philadelphia 76ers, 108-102, sa Eastern Conference Semifinals ng 2026 NBA Playoffs kahapon sa Madison Square Garden. Sa West, pinantay ng San Antonio Spurs ang serye sa 1-1 sa 133-95 tagumpay sa Minnesota Timberwolves.


Kumpara sa 137-98 tambakan sa Game One, dikit ang laro at hawak ng 76ers ang 99-96 bentahe. Bumira ng siyam na sunod-sunod na puntos sina Josh Hart, Jalen Brunson at Mikal Bridges para maagaw ng Knicks ang lamang, 105-99, at kumapit sila sa nalalabing tatlong minuto.


Nanguna sa NY si Brunson na may 26 at OG Anunoby na may 24. Gumawa ng 26 si Tyrese Maxey para sa Philly na naglaro na wala si Joel Embiid na sabay sumakit ang balakang at bukong-bukong.


Matapos mapahiya sa tahanan sa Game One, 102-104, bumawi ng todo ang Spurs sa likod ng malakasang pangalawang quarter. Mula sa 24-17 at pinalaki nila ito sa 59-35 hanggang umabot ng 124-77 sa huling 5 minuto 


Bumida sina Stephon Castle na may 21 at Victor Wembanyama na may 19 at 15 rebound. Parehong 12 sina Jaden McDaniels, Julius Randle, Anthony Edwards at Terrence Shannon Jr. para sa T-Wolves.


Hahanapin ngayong araw ng World Champion Oklahoma City Thunder at Detroit Pistons ang 2-0 lamang sa kabilang mga serye. Gagawin ng mga bisitang Los Angeles Lakers at Cleveland Cavaliers ang lahat para umiwas sa 0-2 butas. 

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 7, 2026



Thunder kinidlatan agad sa West Semis ang Lakers

Photo: Agawan sa loose ball sina Oklahoma City Thunder Chet Holmgren (kaliwa) at Los Angeles Lakers Rui Hachimura (kanan) sa second half ng Game 1 ng second-round NBA basketball playoffs series sa Oklahoma City kahapon. (AP/Kyle Phillips)



Laro ngayong Huwebes

7:00 AM Philadelphia vs. NY

9:30 AM Minnesota vs. SA


Nalimitahan si MVP Shai Gilgeous-Alexander pero wagi pa rin ang World Champion Oklahoma City Thunder sa Los Angeles Lakers, 108-90 sa simula ng kanilang Western Conference Semifinals ng 2026 NBA Playoffs kahapon sa Paycom Center.  Parehong kaunting pahinga lang nanaig ang Detroit Pistons sa Cleveland Cavaliers sa East, 111-101.


Nanguna sa OKC si Chet Holmgren na may 24 puntos at 12 rebounds habang gumawa si SGA ng 18 lang.  Ibinalik siya para sa huling pitong minuto at hindi na naka-shoot pero lalong lumaki ang agwat sa 96-79 agwat sa 108-87.


Nasayang ang 27 ni LeBron James.  Parehong wala pang linaw kung kailan ang balik-laro nina Luka Doncic at Jalen Williams na parehong pilay.


Sa katatapos na 4-0 serye laban sa Phoenix Suns, nagtala si SGA ng 34.8 bawat laro.  Kasalukuyang nasa gitna siya ng 140 sunod na laro na may 20 o higit sa regular season na nagsimula noong Nobyembre 1, 2024.


Kinailangan ng Pistons at Cavs ang kambal na Game 7 noong Linggo para itakda ang kanilang tapatan.  Mas maraming bitbit na enerhiya ang Detroit at umarangkada sa unang quarter, 32-14.


Nagawang pumantay ng Cleveland, 93-93, papalapit sa huling 5 minuto.  Iniligtas ang Detroit ng mga buslo nina Jalen Duren, Daniss Jenkins, Tobias Harris at Cade Cunningham para lumayo muli.


Uminit si Cunningham para sa 23 at 20 si Harris.  Tinapatan ito ng 23 ni Donovan Mitchell at 22 kay James Harden subalit kinapos sila ng tulong. 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page