top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | June 5, 2023


ree

Laro ngayong Lunes - Ball Arena

8:00 a.m. Miami vs. Denver


Manipis na hangin ang isang malaking magdidikta sa takbo ng 2023 NBA Finals. Nakita ito sa Game One noong Biyernes kung saan nagwagi ang Denver Nuggets sa bisitang Miami Heat, 104-93, subalit mahaba pa rin ang seryeng best-seven na magtutuloy ngayong araw sa Ball Arena para sa Game 2 simula 8:00 ng umaga.

Ang lungsod ng Denver ay mahigit 1,600 metro o isang milya ang taas mula sa dagat kaya ito nabansagang “Mile High City”. Bunga ng kakaibang klima, mas kaunti ang oxygen kaya mas mabilis mapagod kahit ang mga beterano ng Nuggets at lalo na sa kanilang mga naging bisita.

Sa huli, malaking suliranin para sa naghahabol na Heat ay kung paano pigilin si Nikola Jokic na sa tangkad na 6’11” ay taglay ang katangian ng isang point guard. Ang trabaho na bantayan siya ay nakasalalay kay 6’9” Bam Adebayo at hindi ginamit ni kabayan Coach Erik Spoelstra ang iba niyang beteranong malaki tulad nina 6’8” Kevin Love at 6’8” Udonis Haslem habang pitong minuto lang si 6’11” Cody Zeller.

Kakalimutan ni Jimmy Butler ang kanyang inilaro sa Game One at kailangan na mahanap muli ang kanyang opensa sabay ang matinding trabaho na bantayan si Jamal Murray at tumulong din kontra kay Jokic. Bumanat si Murray ng 18 ng kanyang 26 puntos sa first half at itulak ang Denver sa 59-42 lamang.

Samantala, kahit nasisante kamakailan ay nakahanap agad ng bagong trabaho ang mga coach na sina Nick Nurse sa Philadelphia 76ers at Monty Williams sa Detroit Pistons.

Ang hamon sa mga bagong coach ay tumagal gaya ng mga coach sa Finals. Si Coach Michael Malone ng Nuggets ay nasa kanyang ika-walong taon habang si Coach Spoelstra ng Heat ay 15 taon na sa koponan.

 
 

ni Anthony E. Servinio / MC @Sports | May 25, 2023


ree

Nagawa pang buhayin ng Boston Celtics ang kanilang kontensiyon sa Eastern Conference finals nang magwagi sa 116-99 laban sa Miami Heat kahapon upang maampat ang series deficit sa 3-1.


Sumigla ang dugo ni Jayson Tatum sa Celtics sa bisa ng nagawa niyang 33 points, 11 rebounds at assists, habang ang ibang 5 players ay nagtala ng dobleng pigura sa tikas ni Joe Mazzulla.


Matapos ang 128-102 win ng Miami Heat noong Linggo, nahaharap na sana ang Celtics sa posibilidad na matigbak na rin sa 4-0 pero dahil nanaig sila kahapon ay pag-iibayuhin pa nila ang susunod na pressure sa Miami sa pagbabalik nila sa Boston.


At dahil wala pang team sa NBA history ang nagawang makabalikwas sa 3-0 na pagkaiwan at ipanalo ang best-of-seven playoff series, nagpatuloy ang Boston sa kanilang tiwala na kaya nilang makabangon at abutin ang Finals habang nakaabang na ang Denver Nuggets.


Samantala, nagbabalak-balak na rin si LeBron James na magretiro sa pagba-basketball matapos na mawalis ang matigpas ang Los Angeles Lakers sa NBA playoffs ng matikas na Denver Nuggets noong Martes.


Iniuliat ng ESPN na nag-iisip-isip na ang 38-anyos na si LBJ na lisanin na ang sport na sinarhan na ng pintuan matapos ang 20th season niya sa liga.


Sa isang hiwalay na tweet ni Chris Haynes, ang reporter ng TNT broadcaster na "under consideration" na aniya ang pagreretiro ni James.


Pero nauna rito, nagpahayag na rin si Carmelo Anthony, isa sa premier scorers sa kasaysayan ng NBA at three-time Olympic gold medalist ng opisyal na pagreretiro sa basketball.


Naging emosyonal ang anunsiyo na ito ni Anthony sa kanyang social media accounts, at aniya, "the time has come for me to say goodbye" sa laro matapos ang 19 seasons sa NBA.


"I'm excited about what the future holds for me," dagdag ng 38-anyos na si Anthony, na siyang third overall pick sa pamosong 2003 NBA Rookie Draft ng Denver Nuggets.


 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | April 23, 2023



ree

Umiwas sa walis ang Atlanta Hawks at binigo ang bisitang Boston Celtics, 130-122, sa NBA Playoffs kahapon sa State Farm Arena. Tinambakan naman ng New York Knicks ang paboritong Cleveland Cavaliers, 99-79, para sa 2-1 lamang sa kanilang serye.


Sa oras ng kagipitan, kumapit ang Hawks sa kanilang bituin Trae Young na nagbagsak ng 32 puntos at siyam na assist at wakasan ang dalawang sunod na panalo ng Boston sa seryeng best-of-seven. Tumulong si Dejounte Murray sa kanyang 25 puntos.


Depensa ang susi ng Knicks na nag-resulta ng 21 puntos para kay Jalen Brunson. Nag-ambag ng 19 si RJ Barrett.


Samantala, sinisante ng Toronto Raptors si Coach Nick Nurse matapos ang limang taon.


Nagtala siya ng kartadang 390-227 at sa kanyang unang sabak sa koponan at ginabayan ang Raptors patungo sa 2019 NBA World Championship.


Kahit wala na sa NBA ay tuloy pa rin ang paghawak ni Coach Nurse sa Team Canada na lalahok sa 2023 FIBA World Cup sa Agosto. Ang Canada ay maaaring mabuo ng 12 manlalaro ng NBA subalit sa Indonesia sila maglalaro ng group stage at tutuloy lang sa Pilipinas kung papasok sila sa knockout playoffs.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page