top of page
Search

ni Anthony E. Servinio / MC @Sports | July 3, 2023



ree

Nagkasundo ang enigmatic guard at ang Dallas Mavericks nitong Sabado sa $126 milyon, tatlong taong kontrata sa oras ng pagbubukas ng NBA free agency, sinabi ng isang taong may kaalaman sa deal.

Nagsalita ang tao sa kondisyon na hindi magpakilala dahil ang mga kontrata ay hindi maaaring lagdaan hanggang Huwebes.

Sinabi ng taong iyon na may kasunduan din ang Mavericks sa dalawang taong kasunduan sa guard na si Seth Curry, na nakatakda sa kanyang ikatlong stint sa club.

Si Irving, na hindi nagsasalita tungkol sa kanyang hinaharap sa panahon ng kanyang bahagyang season sa Dallas at tumanggi na makipagkita sa mga mamamahayag pagkatapos ng season, ay lumilitaw na tinutukoy ang kanyang desisyon na bumalik sa isang salita sa tweet na may “peace” at “love” emojis.

Ipinares ng Mavericks ang mga All-Star starters sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng prangkisa sa pamamagitan ng pagdagdag kay Irving sa isang blockbuster deal sa Brooklyn noong Pebrero, ngunit natisod sa kahabaan para makaligtaan ang playoffs sa unang pagkakataon mula nang si Doncic ay rookie noong 2018-19.

Nasa kalagitnaan ang Dallas ng postseason chase nang sumali si Irving sa club, ngunit ang eight-time All-Star at Doncic, isang four-time choice, ay 5-11 lamang kasama ang parehong nawawalang maraming laro dahil sa mga pinsala.

Ang Mavericks ay nanalo sa kanilang unang dalawang laro kasama si Irving ngunit umabot sa 7-18 sa natitirang bahagi ng laro at hindi man lang nakapasok sa play-in tournament isang taon matapos maabot ang Western Conference finals. Si Irving ay orihinal na inalok ng Nets ng extension noong nakaraang tag-init, bago ang kanilang relasyon ay nasira at hiniling ni Irving na makipag-ayos.

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | July 2, 2023



ree

Nagkaroon ng ilang pasabog sa unang araw ng NBA Free Agency kahapon. Ibilang na sina Fred VanVleet at dating MVP Derrick Rose sa mga pangalan na nagpalit ng koponan habang nanatiling tapat ang iba at pumirma ng bagong kontrata.


Lumipat si VanVleet sa Houston Rockets galing Toronto Raptors para sa $130M sa tatlong taon. Makakasama niya si kabayan Jalen Green na papasok sa kanyang pangatlong taon sa liga at tiyak maraming matutunan sa beterano at dating All-Star.


Halos pareho ang sitwasyon sa pagkuha ng Memphis Grizzlies kay Rose, ang pinakabatang MVP sa kasaysayan ng liga noong 2011. Suspendido sa unang 25 laro ng parating na NBA ang superstar na si Ja Morant kaya kailangan ng Grizzlies ng matatag na point guard habang naghihintay at isang beterano na gagabay kay Morant oras na makabalik ito.


Abala din ang Los Angeles Lakers at nasa kanila na sina Gabe Vincent ng Miami Heat, Taurean Prince ng Minnesota Timberwolves at Cam Reddish ng Portland Trail Blazers. Sa pagdating ni Vincent, lumipat si point guard Dennis Schroder sa Toronto Raptors para sa $26M sa dalawang taon.


Mananatiling Lakers din si Rui Hachimura matapos magkasundo sa $51M sa tatlong taon. Naunang nagpahayag si Hachimura na hindi siya maglalaro para sa Japan sa 2023 FIBA World Cup upang maasikaso ang kanyang bagong kontrata pero ang kanyang kababayan na si Yuta Watanabe ay lumipat sa Phoenix Suns galing Brooklyn Nets.


Samantala, hindi magbabago ng uniporme ang mga tulad nina Kyrie Irving ng Dallas Maviericks, Draymond Green ng Golden State Warriors, Khris Middleton ng Milwaukee Bucks at Kyle Kuzma ng Washington Wizards. Mananatili din sa World Champion Denver Nuggets ang mga beteranong sina Reggie Jackson at DeAndre Jordan.

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | June 15, 2023



ree

Patuloy pa rin ang selebrasyon ng Denver Nuggets ng kanilang unang kampeonato sa NBA at ngayon pa lang ay laman ng usapan ang pagtatag ng bagong dinastiya sa liga.

Ang kanilang kapalaran ay nakasalalay sa tambalan nina Finals MVP Nikola Jokic at Jamal Murray at mga kakamping wala pang 30-anyos.

Sinong mag-aakala na isang hindi kilalang manlalaro galing Serbia na pinili sa ika-41 puwesto sa 2014 Rookie Draft ay tuluyang magiging isa sa pinakamahusay ng kanyang henerasyon. Hindi naglaro agad sa NBA si Jokic at nagpahinog ng isa pang taon sa Europa bago pumirma ng kontrata noong 2015.

Inspirasyon ang pagbangon ni Murray mula sa malubhang pilay sa tuhod, dahilan ng kanyang pagkawala ng mahigit 18 buwan at bumalik lang noong nakaraang Oktubre. Parang walang nangyari at nagtala siya ng 20.0 puntos bawat laro kumpara sa 21.2 bago mapilay.

Sa edad na 28, lumalabas na kuya si Jokic sa mga kakamping sina Aaron Gordon (27), Bruce Brown (26), Murray (26) at Michael Porter Jr. (24). Sa kabilang banda, ang kampeonato ay nararapat na gantimpala para sa mga beteranong sina Jeff Green (36), Ish Smith (34) at DeAndre Jordan (34) na nasa takip-silim na ng kanilang mga karera.

Nasundan ni Coach Michael Malone ang yapak ng kanyang ama Coach Brendan Malone na assistant coach sa dalawang kampeonato ng Detroit Pistons noong 1989 at 1990.

Magpapahinga saglit ang mga bituin ng NBA bago katawanin ang kanilang mga bansa sa 2023 FIBA World Cup ngayong Agosto sa Pilipinas, Japan at Indonesia. Susubukan nina Jokic ng Serbia, Murray ng Canada, Vlatko Cancar ng Slovenia, Reggie Jackson ng Italya at Jack White ng Australia na dagdagan ng isa pang tropeo ang kanilang koleksiyon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page