top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | October 23, 2021


ree

Nagbukas na ang ilang mga pasyalan sa NCR matapos ibaba sa Alert Level 3 ang quarantine restriction sa rehiyon.


Puwede na hanggang 30 porsiyento ang indoor venue capacity sa mga negosyo pero para lang ito sa mga nakakumpleto na ng kanilang mga bakuna.


Sa outdoor venue capacity naman ay puwede ang 50 porsiyento, bakunado man o hindi.


Narito ang ilan sa mga pasyalang nagbukas at ang ilan sa kanilang mga alituntunin:


National Museum of the Philippines:


Martes hanggang Linggo


* 9:00 a.m. hanggang 12:00 p.m. (AM session) — cut off (11:00 a.m.)

* 1:00 p.m. hanggang 4:00 p.m. (p.m. session) — cut off (3:00 p.m.)


Kinakailangang bakunado at may reservation online sa kanilang website para makapasok sa museum. Hanggang 100 katao lamang kada session ang tatanggapin ng pasyalan.


Manila Ocean Park:


Bukas mula 10:00 a.m. hanggang 6 p.m. para sa mga fully vaccinated individuals edad 18 hanggang 65 anyos.


Quezon Memorial Circle:


Bukas sa mga menor de edad basta kasama ang magulang o guardian.


National Library of the Philippines:


Lunes hanggang Biyernes, maliban sa mga holiday, simula 9:00 a.m. hanggang 4:00 p.m


Timezone:


SM Megamall at Robinsons Place Manila branch


Tom’s World:


Bukas na ang 22 branches nito


Ace Water Spa:


Bukas na rin sa publiko ang Ace Water Spa sa mga fully vaccinated individuals edad 18-65. Kinakailangan naman ng negative RT-PCR test results para sa mga hindi saklaw ng age range.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 19, 2021



ree

Binuksan na muli sa publiko ang National Museum of the Philippines (NMP) bilang paggunita sa 160th birth anniversary ng Pambansang Bayani na si Dr. Jose P. Rizal.


Gayunman, limitado lamang ang bilang ng mga bisitang tatanggapin ng NMP bilang tugon sa health and safety protocols ng pamahalaan.


Maaaring makapasok ang mga edad 15 pataas ngunit kailangang magpakita ng proof of age. Pinapayagan din ang pagpasok ng mga senior citizens ngunit kailangan nilang ipakita ang kanilang full vaccination record.


Ayon pa sa NMP, tuwing Martes at Linggo, alas-9:00 nang umaga hanggang 12 nang tanghali lamang maaaring bumisita ang publiko ngunit ang cut-off time ay 11 AM.


Alas-3:00 naman ang cut-off time tuwing hapon sa oras na 1:00 PM hanggang 4:00 PM. Saad pa ng NMP, limitado lamang sa 100 kada building ang tatanggapin kada session.


Ang mga nais bumisita sa National Museum of Fine Arts, National Museum of Anthropology, at National Museum of Natural History ay kinakailangang mag-advanced online booking sa http://reservation.nationalmuseum.gov.ph. Limitado naman sa 5 katao ang group reservations. Saad pa ng NMP, “Walk-in visitors will NOT be accommodated.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 1, 2021



ree


Muli nang bubuksan sa publiko ang The National Museum of the Philippines simula bukas, March 2, matapos isara dahil sa COVID-19 pandemic.


Anila sa kanilang official Facebook page, “The Naitonal Museum of the Philippines welcomes back the public as it, for the first time in almost one year, moves towards gradually reopening its central museums within the National Museum Complex in Rizal Park, Manila, namely the National Museum of Fine Arts, the National Museum of Anthropology, and the National Museum of Natural History.


Tuwing Martes hanggang Linggo ito bubuksan maliban na lamang tuwing religious holidays, simula 9 AM hanggang 12 NN at 1 PM hanggang 4 PM.


Limitado rin sa 100 katao na edad 15 hanggang 65 per session ang papapasukin sa museum building.


Kailangan ding magpa-pre-book muna online sa website ng National Museum bago magpunta.


Nagpaalala rin ang pamunuan ng National Museum na sundin ang mga health protocols katulad ng pagsusuot ng face mask at face shield at pagsunod sa physical distancing.


Samantala, mananatiling sarado ang National Planetarium.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page