top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | August 3, 2023



Nagtapos na ang makasaysayang pagsali ng Philippine Women’s Football Team (PWFT) sa Fifa Women’s World Cup.


Noong Linggo, tinalo ng Norway, na niraranggo bilang ika-12 pinakamagaling na women’s football team sa mundo, ang Filipinas sa iskor na 6-0.


Dahil dito, um-exit sa group stage ang PWFT na may record na 1 win, 2 losses.


☻☻☻


Kailangan nating ipagbunyi ang partisipasyon ng Filipinas sa World Cup.


Sa kabila ng napakaraming hamon na hinaharap ng mga atleta natin, napakalaking tagumpay na ang makapagsabayan tayo sa pinakamagagaling na koponan sa buong mundo.


At naniniwala akong simula lang ito para sa PWFT.


Kaya, keep your head up, Filipinas. Taos-pusong pasalamat sa pagbabandera ng kakayahan ng ating kababaihan.


☻☻☻


Kasalukuyan ding dinaraos ang Palarong Pambansa 2023 sa Marikina ngayong linggo.


Bagama’t ilang araw nang inuulan ang Metro Manila ay patuloy pa rin ang ating mga kabataang atleta sa pagpursige at pagtatagisan ng lakas at galing.


Matapos maantala dahil sa pandemya, natutuwa tayong sa wakas ay nagpapatuloy na ang Palaro.


Mahalaga ang sports sa pagpapalakas at paghulma ng kabataan, na tumutulong naman sa pag- usbong ng bansa. Gaya nga ng sinasabi ng tema ng Palaro ngayon, “Batang Malakas, Bansang Matatag.”


☻☻☻


Nawa’y sa ehemplo ng ating PWFT at mga atletang lumalahok sa Palaro ay lumaganap pa lalo sa kamalayan ng ating mga kababayan ang halaga ng sports.


Mabuhay ang atletang Pilipino!


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | July 28, 2023


Muling gumawa ng kasaysayan ang mga atletang Pinay matapos maitala ng Philippine women’s national football team ang unang goal at unang panalo ng bansa sa Women's World Cup.

Ang makasaysayang unang goal ay mula sa striker na si Sarina Bolden na nagpakawala ng isang matinding header mula sa pasa ng kanyang kakamping si Sarah Eggesvik, sa 24th minute ng laro kontra New Zealand.

Sa parehong laro rin natin nakuha ang ating unang panalo sa iskor na 1-0.

☻☻☻ Kahit na lamang ang New Zealand pagdating sa time of possession, hindi naman nila nakuhang maka-iskor dahil sa mahusay na depensa ng Philippine team lalo na ng goalkeeper na si Olivia McDaniel.

Nangyari ang panalong ito kahit na nasa ika-46 ranggo ang Pilipinas, mas mababa ng 20 pwesto kumpara sa New Zealand.

Bukod sa unang goal at unang panalo, nagtala rin ang Pilipinas sa kasaysayan dahil sila ang unang debutanteng koponan na nakakuha ng panalo sa torneo.

☻☻☻ Malaking bagay ang pagkapanalo ng Pilipinas kontra sa New Zealand dahil nananatiling bukas ang kanilang pagkakataon na makapasok sa knockout stages ng torneo.

Ang top 2 teams lang kasi sa bawat grupo ang makakapasok sa susunod na stage.

Sunod na kakaharapin ng Pilipinas ang koponan ng Norway sa darating na Linggo.

Ipagpatuloy po natin ang suporta sa ating national team at nawa'y patuloy silang magbigay karangalan sa ating bansa. ☻☻☻ Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.

Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | July 23, 2023


Hanggang Hulyo 25 na lang ang SIM registration!


Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT) wala nang mangyayaring extension pagsapit ng July 25 deadline para sa SIM card registration.


Kaya naman, kailangan na talagang magparehistro ng mga hindi pa nakakapagrehistro ng kanilang SIM card.

☻☻☻

Ayon sa datos ng NTC, 61.21 percent o higit sa 102.8 milyon na ang nakarehistro as of July 11 mula sa tinatayang 168.2 milyon na active SIM cards sa bansa.


Nanguna sa dami ang Smart Communications Inc. users na may 48.69 milyon, na sinusundan ng Globe Telecom Inc. na may 46.91 milyon at DITO Telecommunity na may 7.24 milyon.


Nauna nang sinabi ng DICT na hindi naman nila inaasahang mairerehistro lahat ng SIM cards dahil ang ilan nga rito ay ginagamit sa mga text scams.


Babala ng DICT, made-deactivate ang SIM kapag hindi nairehistro sa takdang deadline.


Magkakaroon lamang ng 5 araw na palugit para iparehistro ang deactivated na SIM pero kung hindi ito magagawa ay habambuhay na itong hindi magagamit.

☻☻☻

Sa araw din na ito ay ginugunita natin ang araw ng kapanganakan ng ating bayani na si Apolinario Mabini.


Isang kapwa Batangueño, hindi naging hadlang ang kanyang kapansanan sa kanyang pagmamahal sa bayan.


Happy Apolinario Mabini Day sa lahat!

☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page