top of page
Search

ni Lolet Abania | December 17, 2020




Dumagsa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon ang mga pasahero kasabay ng paghahabol na makasama ang kanilang pamilya sa holidays.


Sa ulat, nawala na ang ipinatutupad na social distancing, parehong sa loob at labas ng airport, dahil sa dami ng mga pasahero na naghihintay ng kanilang flight.


Gayundin, ang ibang passengers ay hindi nakasuot ng face shield gayung mandato na ito ngayon ng gobyerno.


Para sa ilang travelers, mas excited silang makapiling ang kani-kanilang pamilya kaysa isipin ang panganib na maaaring mahawa sa Coronavirus.


“At least, makakauwi na rin, makakahabol sa Pasko. Ang importante, magkakasama,” sabi ng isang pasaherong si Wilhelm na babalik ng Papua New Guinea.


Sa datos ng Department of Health (DOH), lumabas sa record na tinatayang nasa 430,000 Pinoy na ang nakapag-swab test para sa COVID-19 nitong December lamang kung saan kabilang dito ang mga pasaherong naghahanda ng trip para makauwi sa kanilang pamilya.


Ipinaalala naman ng gobyerno sa publiko na ang family reunions ay itinuturing na mass gatherings na ipinagbabawal dahil posibleng maging sanhi ng pagkalat ng COVID-19.


Ayon din sa DOH, mino-monitor nila ang 12 lungsod sa Metro Manila na nagtatala ng mataas na bilang ng nakamamatay na sakit araw-araw, kung saan mayroong patuloy na transmission ng virus.


 
 

ni Lolet Abania | November 1, 2020




Suspendido ang lahat ng uri ng flight operations sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula alas-10 ng umaga ng November 1 hanggang alas-10 ng umaga ng November 2, ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA).


Itinigil ang operasyon ng mga flights dahil sa banta ng Bagyong Rolly, na inaasahang matinding tatama sa Metro Manila ngayong Linggo hanggang bukas nang umaga ng Lunes.


Inabisuhan na rin ng MIAA ang mga air travelers na isasara ang NAIA Terminals at lahat ng pasahero ay hindi na dapat pang pumunta sa NAIA.


Gayundin, pinapayuhan ang mga pasahero na agad makipag-ugnayan sa kanilang airlines para maisaayos ang kanilang bagong flight schedule. Bibigyang prayoridad ang mga travellers na may scheduled flights subali’t na-postpone kapag nagbukas na ang NAIA sa November 2.


Ang mga apektadong biyahe ng 24-oras na pagsasara nito ang paglalaanan ng slot upang hindi gaanong maantala ang travel plans ng mga pasahero.


Samantala, ang flag carrier na Philippine Airlines (PAL) at ang budget carrier na Cebu Pacific ay nagkansela na rin ng kanilang international at domestic flights dahil sa Bagyong Rolly.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page