top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 11, 2021



Dumating na ang karagdagang 2.2 milyong doses ng Pfizer COVID-19 vaccine mula sa COVAX Facility sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Huwebes nang gabi.


Ilalaan umano ang kalahati ng doses ng bakuna sa National Capital Region (NCR) at ang kalahati pa ay ipamamahagi sa Davao at Cebu.


Si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. at iba pang opisyal ng Department of Health (DOH) ang sumalubong sa pagdating ng naturang bakuna.


Samantala, noong Mayo 10 dumating ang unang 193,050 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine sa bansa kaya ito na ang ikalawang shipment nito sa Pilipinas.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 10, 2021



Dumating na sa bansa ang karagdagang 1 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccine na binili ng pamahalaan mula sa China ngayong Huwebes nang umaga.


Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang Cebu Pacific flight mula sa Beijing na may dalang Sinovac vaccines kaninang alas-7:16 nang umaga.


Sina Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. at Testing Czar Secretary Vince Dizon ang sumalubong sa pagdating ng mga bakuna sa airport.


Samantala, mamayang gabi inaasahang darating sa bansa ang karagdagang 2 million doses ng Pfizer COVID-19 vaccine mula sa COVAX Facility.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 16, 2021




Ipinag-utos ng Civil Aeronautics Board (CAB) na limitahan sa 1,500 kada araw ang bilang ng mga pasahero, Pilipino man o banyaga, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) simula sa Huwebes, March 18 hanggang April 18 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.


Pahayag ng CAB, “Airlines are also further advised to comply with the directives of the Bureau of Immigration on the kind of essential inbound travelers that will be allowed entry into the Philippines.


“Airline operating in NAIA that will exceed the allowed capacity will be meted with the appropriate penalty pursuant to Joint Memorandum Circular No. 2021-01 dated 08 January 2021, issued by the Manila International Airport Authority, Clark International Airport Corporation, Civil Aviation Authority of the Philippines, and the Civil Aeronautics Board.”


Pahayag naman ng Philippine Airlines (PAL), handa silang sumunod sa naturang direktiba ngunit ang mga naka-schedule nang flights sa March 18 ay itutuloy pa rin at sa mga susunod na araw na magsisimula ang limitadong bilang ng mga pasahero.


Saad pa ng PAL, “We will be announcing in due course any flight cancellations on other days for the rest of the period. “To comply with the restriction, airlines will need to cancel a number of international flights to and from Manila during the stated March 18 to April 19 period.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page