top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | October 29, 2021



Pasok sa Top 10 Most Improved Airports of Skytrax World Airport Awards 2018 ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).


Ito ay mula sa 550 airports sa buong mundo.


Nakatulong umano nang malaki ang pagpapaigting sa Civil Aviation Authority, karagdagang airconditioned system, installation ng dagdag na airfield lighting, pagsasaayos ng runway at marami pang iba.


Nawala na rin ang tanim bala scheme sa paliparan.


Ang mga ito ay kabilang sa pangako ng administrasyong Duterte na pagbibigay ng mas dekalidad na serbisyo para sa mga Pilipino.

 
 

ni Lolet Abania | October 11, 2021



Pansamantalang itinigil ang operasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City matapos na magbaba ng Lightning Red Alert ngayong Lunes ng tanghali.


Sa isang advisory ng Department of Transportation (DOTr), ayon sa ahensiya nag-isyu ng alert ang PAGASA bandang alas-12:37 ng tanghali ngayong Lunes.


Agad na naglabas ang PAGASA ng red lightning alert nang magkaroon ng isang thunderstorm sabayan pa nito ng lightning o pagkidlat sa loob mismo ng 9 kilometers ng paliparan.


Ang alert scheme ay may mga mandato, kung saan suspendido muna ang operasyon at galaw ng parehong aircraft at ramp personnel para na rin sa kaligtasan at seguridad ng lahat.


“The Red Lighting Alert is a safety measure taken to prevent any untoward incident from happening when lightnings are prevalent in the immediate area and may endanger personnel, passenger, and even flight operations," paliwanag ng DOTr.


Ayon sa DOTr, ang alert scheme ay ipinatupad sa NAIA matapos na isang empleyado ang namatay nang tamaan ito ng kidlat sa Terminal 3 tarmac noong 2014.

 
 

ni Lolet Abania | October 3, 2021



Nakasamsam ang mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of NAIA ng mga hindi rehistradong gamot na nagkakahalaga ng mahigit sa P29 milyon mula sa Hong Kong.


Sa pahayag ng BOC-NAIA ngayong Linggo, walang clearance mula sa Food and Drug Administration (FDA) ang mga gamot na kanilang nakuha sa 146,640 na kahon mula sa 6 na shipment, kung saan tinatayang nasa kabuuang halaga na P29,328,000 ang mga ito.


Nang idaan sa physical examination, tumambad na naglalaman ang mga shipment ng mga kahon ng Lianhua Qingwen Jiaonang, ang traditional Chinese medicines na nire-regulate ng FDA.


Ayon pa sa BOC-NAIA, hindi na nila matagpuan ang consignee ng mga naturang gamot kahit sa nai-record na address na ibinigay nito.


Sinabi ng BOC na ang mga nakumpiskang mga gamot ay dadaan sa seizure and forfeiture proceedings dahil sa paglabag sa Section 1113 (Property Subject to Seizure and Forfeiture) in relation to Section 117 (Regulated Goods) ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), at sa Food and Drugs Act.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page