top of page
Search

ni Jun Simon | May 2, 2023



ree

Umabot sa mahigit 40 domestic flights ang nakansela o na-delay sanhi ng power outage sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kahapon, May 1.


Mahigit walong oras nawalan ng supply ng kuryente ang terminal na naging dahilan ng pansamantalang paghinto ng operasyon ng flights kung saan libu-libong pasahero rin ang apektado at hindi agad nakalipad.


Dahil sa power outage, maraming pasahero ang nagreklamo sa mainit na sitwasyon sa loob ng terminal sanhi na rin sa kawalan ng airconditioning system.


Pasado ala-1 ng madaling-araw ng Lunes nang mawalan ng kuryente ang T3 kung saan gumamit ng backup generator ang Manila International Airport Authority (MIAA).


Nagsagawa naman ng ocular inspection si Transportation Secretary Jaime Bautista at MIAA General Manager Cesar Chiong sa mga pasilidad ng paliparan upang alamin ang sitwasyon ng mga pasahero.


 
 

ni Madel Moratillo | April 5, 2023



ree

Matapos mapaghinalaang may lamang ilegal na droga, sinira ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport ang isang laruang eroplano.


Sa isang post sa social media, ikinuwento ito ng OFW na si Rachell Anne Ramos, galing sa Hong Kong, at may connecting flight pauwi sa Laoag, Ilocos Norte.


Habang naghihintay umano siya ng biyahe, may lumapit sa kanyang empleyado dahil may nakita umano sa kanyang bagahe.


Dalawang beses umanong dumaan sa x-ray machine ang kanyang bagahe at ipinaamoy din sa K-9 dog.


Kaya para matapos na umano ang hinala sa laruan ay ipinasira na niya ito para magkaalaman.


Pero matapos ito, wala namang nakita na kontrabando sa loob.


Humingi naman ng paumanhin ang BOC sa nasabing OFW dahil sa pangyayari.


Kasabay nito, iginiit naman ni BOC spokesperson at Assistant Commissioner Vincent Maronilla na bago lang ang kanilang scanning machine.


Pinag-aaralan na rin aniya nila kung posibleng mabigyan ng kompensasyon si Ramos para sa nasirang laruan.


 
 

ni Jenny Rose Albason (OJT) | March 23, 2023



ree

Nasabat ang tatlong kilo ng hinihinalang cocaine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Martes.


Ayon sa Bureau of Customs, galing Dubai ang isang Turkish national at papuntang Brazil, nang makitaan sa bagahe ng cocaine na nakasilid sa sabon.


Natagpuan din ang liquid cocaine na tinatayang nasa 1,500 ml.


Aabot sa P28 milyon ang kabuuang halaga ng mga nasabat na ilegal na droga.


Mahaharap ang Turkish sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Customs Modernization And Tariff Act.


Iniimbestigahan na rin ng mga awtoridad kung may grupo bang sangkot dito at kung saan ibabagsak ang mga nakumpiskang cocaine.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page