top of page
Search

ni BRT @News | September 24, 2023




Isang molotov cocktail ang sumabog sa labas ng NAIA Terminal 3, kahapon ng umaga.


Batay sa imbestigasyon, wala namang naitalang nasaktan o nasugatan sa pagsabog.


Gayunman, may tatlong sasakyan ang nagkaroon ng marka ng sunog at gasgas.


Kaugnay nito, ilang sibilyan ang nakakita sa umano'y paghagis ng molotov bagama't, hindi pa malinaw kung sino ang may kagagawan ng pagpapasabog.



 
 

ni Jun Simon | May 2, 2023




Umabot sa mahigit 40 domestic flights ang nakansela o na-delay sanhi ng power outage sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kahapon, May 1.


Mahigit walong oras nawalan ng supply ng kuryente ang terminal na naging dahilan ng pansamantalang paghinto ng operasyon ng flights kung saan libu-libong pasahero rin ang apektado at hindi agad nakalipad.


Dahil sa power outage, maraming pasahero ang nagreklamo sa mainit na sitwasyon sa loob ng terminal sanhi na rin sa kawalan ng airconditioning system.


Pasado ala-1 ng madaling-araw ng Lunes nang mawalan ng kuryente ang T3 kung saan gumamit ng backup generator ang Manila International Airport Authority (MIAA).


Nagsagawa naman ng ocular inspection si Transportation Secretary Jaime Bautista at MIAA General Manager Cesar Chiong sa mga pasilidad ng paliparan upang alamin ang sitwasyon ng mga pasahero.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 1, 2021



Lumapag na sa NAIA Terminal 3 pasado 3:51 nang hapon ngayong Sabado ang eroplano ng Qatar Airways na may dala sa initial na 15,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccines mula sa Gamaleya Research Institute ng Russia.


Nakatakda sana itong dumating nu’ng ika-28 ng Abril subalit nagkaroon ng delay dahil sa logistic concerns.


Nauna nang sinabi ng Department of Health (DOH) na nangangailangan ang Sputnik V ng cold storage facility na negative 18 degree Celsius ang temperatura, kaya may posibilidad na hindi lahat ng local government units (LGU) ay mabibigyan nito.


Sa ngayon ay 4,040,600 doses ng COVID-19 vaccines na ang nakarating sa bansa, kabilang ang 3.5 million doses ng Sinovac, 525,600 doses ng AstraZeneca at ang 15,000 doses ng Sputnik V.


Batay naman sa huling tala, tinatayang 1,809,801 indibidwal na ang mga nabakunahan kontra-COVID-19, kung saan 246,986 ang mga nakakumpleto sa dalawang doses at 1,562,815 naman para sa unang dose.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page