top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 26, 2024



ree

Muling pinagtibay ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang desisyon nitong suspendehin ang mga palabas sa telebisyon ng SMNI na “Gikan sa Masa, Para sa Masa” at “Laban Kasama ang Bayan” at ibasura ang mga Motions for Reconsideration (MR) ng naturang network.


Ang unang pasya ng MTRCB na suspendihin ang dalawang programa ay bunsod ng mga reklamo na natanggap ng Ahensiya hinggil sa alegasyong paggamit ng mga death threat at masasamang salita ng isang host sa "Gikan sa Masa, Para sa Masa" noong ika-10 ng Oktubre 2023.


Binalaan din ng MTRCB ang sa SMNI na anumang katulad na paglabag ay mabibigyan ng mas mabigat na parusa--bilalng pagtalima sa dedikasyon ng Board sa patas at makatarungang pagdinig.


Mahigit isang buwan matapos ibasura ng MTRCB ang kaso, nakatanggap muli ang Ahensiya ng mga reklamo laban sa mga nasabing mga palabas.


Noong ika-13 ng Disyembre 2023, matapos ang masusing pagsusuri sa kaso at ng mga position papers na isinabmit ng mga respondents, nagpasya ang MTRCB na ipatupad ang preventive suspension na labing-apat (14) na araw para sa parehong programa.


Ang pasyang ito ay kasunod sa naunang babala ng MTRCB at naglingkod bilang proaktib na hakbang na layuning matugunan ang mga alalahanin at tiyakin ang pagsunod sa itinakdang pamantayan ng P.D. No. 1986.


Matapos ang masusing pagsusuri ng mga argumento at ng position papers mula sa mga respondents ay napag-alaman na ang dalawang programa ay lumabag sa Presidential Decree No. 1986 at ang Implementing Rules and Regulations nito.


“Ang mandato ng MTRCB ay protektahan ang mga manonood mula sa hindi angkop na mga panoorin, lalo na sa Telebisyon kung saan ang lahat ay may malayang access.


Batay sa mga prinsipyo ng tamang proseso at katarungan, matibay ang aming paninindigan na ipatupad ang aming pananagutan sa regulasyon ng content ng media,” sabi ni MTRCB Chairperson Lala Sotto.


Batid ng Board na ang mga katwiran ng mga respondents ay hindi kapani-paniwala at hindi kumbinsing. Dahil diyan, pinalawig ng MTRCB ang suspensiyon sa dalawampu't-walong (28) araw, mula sa orihinal na labing-apat (14) na araw na preventive suspension.


Noong ika-11 ng Enero 2024, nagsumite ang mga respondents ng mga MR. Matapos ang maingat na pagsusuri ng mga isinumiteng mga mosyon, ibinasura ng MTRCB ang mga MR sa dahilang inulit lamang nila ang mga nauna nilang argumento.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 19, 2023



ree

Pinatawan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng Preventive Suspension Order ang dalawang programa ng SMNI matapos ang masusing pagsusuri at imbestigasyon hinggil sa paglabag sa Batas 1986.


Suspendido ang mga palabas na “Gikan Sa Masa, Para Sa Masa” at “Laban Kasama ang Bayan,” mula sa Disyembre 18, 2023.


Unang nakatanggap ang MTRCB ng mga reklamo hinggil sa umano'y death threats mula sa isang panauhin sa episode ng "Gikan Sa Masa, Para Sa Masa" noong ika-10 ng Oktubre.


Matapos ang paunang pag-uusap ng MTRCB noong Nobyembre 8 kung saan binalaan ang SMNI sa mas mabigat na parusa sa susunod na paglabag, nagpahayag ito ng pangako na magkakaroon sila ng pre-recorded shows upang masusing suriin ang bawat episode bago ito ilabas.


Noong Nobyembre 30, nakatanggap muli ng reklamo ang board tungkol sa umano'y death threats at pagmumura mula sa isang panauhin sa "Gikan Sa Masa, Para Sa Masa."

Inilabas ng board ang isa pang Notice para sa SMNI na humarap sa Hearing and Adjudication Committee noong Disyembre 7, na dinaluhan ni Atty. Mark Tolentino ng SMNI.


Noong Nobyembre 30, inireklamo naman sa Board ang "Laban Kasama ang Bayan" tungkol sa hindi-beripikadong balita hinggil sa P1.8 bilyon na travel funds ni House Speaker Martin Romualdez na sinundan ng Hearing and Adjudication Committee meeting noong Disyembre 7.


Itinuturing na isang aktibong hakbang ang preventive suspension na naglalayong solusyonan ang mga alalahanin at siguraduhin ang pagtalima sa pamantayan ng Board.


Epektibo ang suspensiyon sa loob ng 14 na araw, kung kailan inaasahan na tutugon at bibigyang solusyon ng SMNI ang mga natalakay na isyu.

 
 

by Info @Showbiz Update | September 4, 2023



ree

Naglabas na ng desisyon at official statement ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kaugnay ng patung-patong na reklamo laban sa noontime show ng Kapamilya Network na It's Showtime dahil sa paglabag ng ilang hosts nito sa mga rules and guidelines na ipinatutupad ng ahensiya.


Narito ang nilalaman ng official statement ng MTRCB na pinagbasehan ng kanilang naging desisyon sa pagsuspinde sa It's Showtime sa loob ng labingdalawang araw.


ree


 
 
RECOMMENDED
bottom of page