top of page
Search
  • BULGAR
  • Feb 2, 2023

ni BRT | February 2, 2023




Naghain ang Metro Manila Transit Line 3 (MRT3) ng petisyon ng taas-pasahe sa Rail Regulatory Unit ng Department of Transportation (DOTr).


Nakasaad sa petisyon ang dagdag na mula P4 hanggang P6. Sakaling maaprubahan, ang maximum na singil mula North Avenue station patungong Taft Avenue magiging P34 na mula sa dating P28.


Itinuturing na dahilan ng MRT-3 sa petisyon nila ng taas-pasahe ay dahil sa kakulangan ng kita nila.


Kaugnay nito, magsasagawa ng public consultation ang DOTr sa Pebrero 17.


 
 

ni Lolet Abania | June 3, 2022



Mas mahigpit at pinaigting pa ang seguridad ngayon sa buong istasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).


Ayon sa pamunuan ng MRT-3, alinsunod ito sa inilabas na anunsiyo ng Office for Transportation Security na tiyakin na istriktong naipapatupad ang security plan ng mga transport operators sa bansa matapos mai-report ang ilang bombing incident sa Mindanao.


Bago pa makapasok sa loob ng istasyon, ang lahat ng mga pasahero at kawani ay dumaraan sa masusing baggage checking at screening, habang sumasailalim sa inspection at control ang lahat ng kanilang dalang mga kagamitan.


Rumoronda rin ang mga K-9 units na galing sa Philippine Coast Guard (PCG) mula North Avenue Station hanggang sa Taft Avenue Station o sa lahat ng istasyon ng MRT-3.


Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng anumang uri ng armas o ammunition sa loob ng istasyon, mga patalim o matutulis at nakakahiwang bagay; explosives at incendiary substances; flammable o madaling magliyab at nakalalason na mga gas at kemikal; mapanganib na mga kagamitan at kemikal tulad ng pesticides, muriatic acid, liquid hydrogen, at iba pa.


Hiniling naman ng pamunuan sa lahat ng pasahero na sakaling may mapansin silang indibidwal na may kakaibang kilos at kahina-hinalang bagay sa loob ng istasyon o tren, agad na ipaalam ito sa mga security personnel at marshal ng MRT-3.


Ayon pa sa pamunuan ng MRT-3, ang mga security marshal ay may awtoridad na hindi pasakayin at pababain ang mga pasaherong lalabag sa kanilang umiiral na patakaran.


Samantala, patuloy ang isinasagawa ng MRT-3 na libreng sakay para sa mga pasahero na tatagal hanggang Hunyo 30.


 
 

ni Lolet Abania | May 25, 2022



Inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapalawig ng isa pang buwan ng libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ngayong Miyerkules.


Sa isang virtual press briefing, sinabi ni MRT3 general manager Mike Capati na ang mga pasahero ng railway line ay patuloy na masisiyahan dahil sa serbisyong free rides na hanggang Hunyo 30, anumang oras ng kanilang operating hours mula alas-4:40 ng umaga hanggang alas-10:10 ng gabi.


Matatandaang unang ipinatupad ang libreng sakay noong Marso 28 hanggang Abril 30 kasabay ng selebrasyon ng pagkumpleto ng rehabilitasyon ng MRT3. Na-extend pa ito hanggang katapusan naman ng Mayo upang makatulong na mabawasan ang financial burden ng mga commuters sa gitna ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.


Ang pagpapalawig ng free rides ng MRT3 ayon kay Capati, “aims to continue helping commuters ease their financial burden amid inflation and rising fuel prices.” “This will allow the MRT3 to further test its capacity and performance in accommodating up to or more than 350,000 passengers,” saad pa niya.


Binanggit naman ni Capati na nakapag-record ang railway line ng 15,730,872 total ridership mula Marso 28 hanggang Mayo 24, na may average weekly ridership na 315,334. Nai-record din ng MRT3, ang kanilang pinakamataas na ridership na umabot sa 351,592 noong Mayo 20.


Ayon pa kay Capati, naka-set na ang four-car CKD trains na kayang mag-accommodate ng hanggang 1,576 pasahero na kanilang ide-deploy para madagdagan ang kapasidad nito, kumpara sa karaniwang three-car train sets lamang.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page