top of page
Search

ni Lolet Abania | December 28, 2021


Libre ang sakay sa Metro Rail Transit 3 (MRT3) at Light Rail Transit 2 (LRT2) sa Huwebes, Disyembre 30, kasabay ng paggunita ng ika-125th anibersaryo ng kamatayan ng Pambansang Bayani na Dr. Jose Rizal.


Ayon sa pamunuan ng MRT3, maaaring ma-avail ng mga pasahero ang free rides mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.


Hinihimok naman ang mga commuters na patuloy na sumunod sa mga health protocols upang maiwasan ang transmission ng COVID-19.


Gayundin, inanunsiyo ng LRT2 na magkakaroon ng libreng sakay mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga sa Huwebes. Ang Disyembre 30, Rizal Day ay isang regular holiday sa Pilipinas.


 
 

ni Lolet Abania | November 21, 2021



Isang pasaherong lalaki ang nasugatan sa ulo matapos na tamaan ito nang batuhin ang salamin ng isang bagon ng tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) sa Pasay City, ngayong Linggo ng umaga.


Sa inilabas na statement ng pamunuan ng MRT3, ang insidente ay naganap sa pagitan ng Taft Avenue at Magallanes Stations, bandang alas-6:51 ng umaga.


“The stone struck a window of the third car of the MRT-3 train, causing it to be damaged. The incident also left a 51-year old male passenger injured,” batay sa pahayag ng MRT3.


Ayon sa MRT3 management, ang naturang pasahero ay agad na binigyan ng first aid sa Magallanes Station saka dinala sa San Juan De Dios Hospital para gamutin.


Nahuli naman ng mga awtoridad, ang isa umanong basurero na nambato sa salamin ng bagon ng MRT3, sa isang construction site sa may Taft Avenue, habang patuloy ang kanilang imbestigasyon sa nangyari.


Nai-post naman ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade ang insidente sa kanyang Facebook page, at iminungkahing dapat ikulong ang nasabing suspek.


Tiniyak din ng pamunuan ng MRT-3 sa publiko na magsasagawa sila ng legal na aksyon laban sa suspek at kaukulang hakbang para maiwasan na ang magkaroon pa ng kaparehong insidente sa susunod na panahon.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 11, 2021



Panandaliang itinigil ang operasyon ng Metro Rail Transit-Line 3 (MRT3) nitong Miyerkules matapos may makitang hindi pa matukoy na indibidwal sa riles ng Guadalupe at Buendia station southbound.


Sa isang pahayag, sinabi ng pamunuan ng MRT3 na 11:35 a.m. nang makita ang tao sa riles.


“This refers to the incident today at 11:35am where an unidentified individual was seen along the tracks at the interstation of Guadalupe and Buendia (Southbound),” ayon sa tweet ng DOTr-MRT-3.


Agad namang naiulat sa Safety and Security personnel ang insidente, kaya 11:53 a.m. nang hulihin ang indibidwal ng mga security personnel at dinala sa Buendia Station platform.


Patuloy ang imbestigasyon at maglalabas ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng MRT3.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page