top of page
SPECIAL - SERIES NINA IAN AT HARVEY TUNGKOL SA DRUG WAR, IPINA-STOP SA YOUTUBE_FB Rhein En
Search

ni Maeng Santos @News | September 10, 2026



Wanted sa statutory Acts of Lasciviousness ang timbog sa Malabon City - PNP Malabon City Police

Photo: PNP Malabon City Police



Isang 20-anyos na construction worker na akusado sa tatlong bilang ng Statutory Acts of Lasciviousness ang timbog sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.


Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, ang akusado ay nakatala bilang No. 1 sa Top Ten Most Wanted Persons ng Malabon City Police Station dahil sa tatlong bilang ng Statutory Acts of Lasciviousness at paglabag sa Section 10(a) ng R.A 7610.


Ayon kay Malabon Police Chief P/Col. Kenneth Mission, nang maglabas ang Regional Trial Court Branch 73, Malabon City, noong August 25, 2026 ng arrest warrant laban sa akusado ay agad nilang sinimulan ang pagtugis.


Nang makatanggap ng tip mula sa isang impormante ang pulisya na nakitang nakatambay ang akusado sa Brgy. Catmon ay agad silang nagkasa ng operation hanggang sa makorner ito alas-2:30 ng hapon.


Ang nasabing warrant ay may inirekomendang piyansang P404,000.


 
 

ni Zel Fernandez | April 30, 2022



Matagumpay na naaresto ng Malabon City Police ang Top 9 Most Wanted sa lungsod kasunod ng ikinasang operasyon sa Gov. Pascual, Brgy. Catmon, Malabon.


Sa bisa ng isang arrest warrant, nadakip ang most wanted na sindikato sa katauhan ni Renato Lapedario, Jr., 29-anyos na residente ng nasabing barangay.


Kaugnay nito, ang arrest warrant laban kay Lapedario ay may kasong attempted murder, malicious mischief, at alarms and scandal na ihinain ni Presiding Judge Catherine Tagle-Salvador ng Malabon City RTC Branch.


Mapayapa naman ang pagkakaaresto sa suspek na kasalukuyan nang nakapiit sa NPD Custodial Facility.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 4, 2021




Arestado ang itinuturing na pangalawang ‘most wanted’ ng Ormoc City na si Nestor Peñalosa, 50-anyos, nitong Sabado nang gabi, Abril 3, dahil sa pagpatay sa isang negosyante, ayon kay Police Major Salvador Po.


Batay sa ulat, hinuli si Peñalosa sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng Ormoc City Regional Trial Court Branch 35 nu’ng ika-17 ng Marso, kung saan dawit umano siya sa pagpatay sa isang fishpond owner noong nakaraang taon.


Sa ngayon ay kasong Murder ang kinakaharap ni Peñalosa at wala ring inirekomendang piyansa ang korte para sa kanya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page