top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 23, 2021


ree

Kinakailangan pa ring gumamit ng color-coded quarantine passes sa Caloocan City sa pagsasailalim sa National Capital Region (NCR) sa modified enhanced community quarantine (MECQ), ayon sa lokal na pamahalaan.


Ang paggamit ng mga color-coded quarantine passes ay ipagpapatuloy upang malimitahan umano ang bilang ng mga taong lumalabas para bumili ng mga pangunahing pangangailangan, ayon sa LGU.


Saad pa ni Caloocan City Mayor Oscar "Oca" Malapitan, "Nasa desisyon ng LGU ito. Hangga't hindi natin binabawi ang ating kautusan hinggil sa paggamit ng quarantine pass ay patuloy pa rin ang implementasyon nito.”


Ayon pa sa LGU, mahigpit pa ring ipatutupad ang stay-at-home policy sa mga unauthorized persons outside residence.


Saad pa ni Malapitan, "Ang simpleng pagtiyak natin na ang ating mga anak ay nasa loob ng ating mga tahanan ay malaking tulong sa ating kapulisan at maging sa ating pamahalaang lokal. Muli, magtulungan tayo laban sa COVID-19.”

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 21, 2021


ree

Sinuspinde ng Manila Electric Co. (Meralco) ang disconnection activities sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang sa katapusan ng Agosto.


Ayon sa Meralco, wala munang disconnection activites sa National Capital Region (NCR) at Laguna simula ngayong araw, August 21 hanggang sa Agosto 31.


Saad pa ng Meralco, “With the government’s announcement of MECQ in NCR, Bulacan, Cavite, Laguna, Lucena City, and Rizal until August 31, 2021, we are suspending disconnection activities in these areas as we prioritize your safety.”


Samantala, ayon sa Meralco, naka-skeleton workforce ang kanilang mga business centers (BCs) ayon na rin sa IATF guidelines.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 20, 2021


ree

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim ang National Capital Region (NCR) at ang Laguna sa modified enhanced community quarantine (MECQ) simula sa Agosto 21 hanggang August 31, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.


Isasailalim din ang Bataan sa MECQ simula sa Agosto 23 hanggang sa August 31.


Saad pa ni Roque, "These latest classifications are without prejudice to the strict implementation of granular lockdowns.”


Samantala, ayon din kay Roque, bawal pa rin ang mga al fresco dine-in services at personal care services katulad ng mga beauty salons, beauty parlors, barbershops at nail spas sa NCR, Laguna at Bataan.


Mananatili rin umanong virtual ang pagsasagawa ng mga religious gatherings sa mga nabanggit na lugar.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page