top of page
Search

ni Lolet Abania | September 30, 2021



Nasa mahigit 1.2 milyon pang doses ng Moderna COVID-19 vaccine ang dumating sa bansa ngayong Huwebes nang umaga.


Alas-9:19 ng umaga lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 (NAIA 1), sakay ng China Airlines flight ang 1,233,300 doses ng Moderna vaccine.


Sa kabuuang bilang, ang 863,800 doses ng bakuna ay procured ng pamahalaan habang ang 369,500 doses naman ay para sa International Container Terminal Services, Inc.


Sinalubong ang bagong suplay ng COVID-19 vaccine nina National Task Force (NTF) chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. at United States Embassy’s economic officer na si Saptarshi Basu.


Naroon din sa airport sina Zuellig Pharma senior vice president Raymond Azurin at Department of Health (DOH) division chief Dr. Joel Buenaventura.


Ayon kay Galvez, ang mga doses na binili ng national government ay ide-deliver sa mga prayoridad na rehiyon gaya ng Calabarzon, Central Luzon, Davao, Soccsksargen, at Central Visayas.


Sinabi pa ni Galvez, makakatanggap din ng suplay ng doses ng Moderna vaccine ang mga lungsod na dati nang nakapagtala ng pagtaas ng COVID-19 cases.


Binanggit naman ni Galvez na nasa 71.3 milyon COVID-19 vaccine doses na ang dumating sa bansa habang tinatayang nasa 45.2 milyon mula sa mga naturang doses ang na-administer ng gobyerno.


Nasa tinatayang 21 milyong indibidwal naman ang fully vaccinated habang 24 milyon ang nakatanggap ng unang dose ng COVID-19 vaccine.

 
 

ni Lolet Abania | September 18, 2021



Nasa kabuuang 961,000 doses ng Moderna COVID-19 vaccine ang dumating sa bansa ngayong Sabado nang hapon.


Batay sa National Task Force Against COVID-19, ang mga bakuna ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, bandang alas-4:00 ng hapon.


Ayon sa NTF, ang 712,800 doses ay binili ng gobyerno habang ang 248,200 doses ay procured naman ng International Container Terminal Services Inc. (ICTSI) mula sa United States.


“We have started to distribute this vaccine to the other regions outside the NCR. So small portions still go to NCR, ‘yung mga second doses ng Moderna nila,” ani NTF special adviser Dr. Ted Herbosa.


“Majority is going to Region III and Region IV-A. This one will also go to Visayas, Cebu, and to Mindanao as well,” dagdag ng opisyal.


Halos 200,000 doses naman ng Sputnik V vaccine ang inaasahang darating sa susunod na araw.

 
 

ni Lolet Abania | July 15, 2021


Mahigit sa 250,000 doses ng Moderna vaccine ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong Huwebes.


Sakay ng Singapore Airlines Flight ang 250,800 doses ng COVID-19 vaccine ng Moderna na lumapag sa NAIA Terminal 3, bandang ala-1:00 ng hapon.


Ang bakuna na kinuha ng gobyerno katuwang ang mga pribadong sektor ay pinangunahan ng International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI).


Ito ang ikalawang batch ng Moderna vaccines na naideliber sa bansa. Ang unang shipment ay nasa 249,600 doses na dumating nitong huling linggo ng June.


Samantala, nakapag-administer sa ngayon ang pamahalaan ng kabuuang 14 milyon doses ng COVID-19 vaccine, kung saan 4 milyong indibidwal ang fully vaccinated na.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page