top of page
Search

ni Lolet Abania | May 13, 2022


ree

Napili bilang susunod na head ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos.


Ito ang inanunsiyo ngayong Biyernes ni Atty. Vic Rodriguez, spokesperson ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.


Si Abalos ang nagsilbing campaign manager ni Marcos sa katatapos lamang na national at local elections.


 
 

ni Lolet Abania | August 30, 2021


ree

Ipinahayag ni Metropolitan Manila Development Authority Chairperson Benhur Abalos na ilan sa mga lokal na gobyerno sa National Capital Region ang tumatanggap na ng mga residente sa kalapit na probinsiya para sa pagbabakuna kontra-COVID-19.


Ayon kay Abalos, ilan sa mga local government units (LGUs) sa Metro Manila ang pumayag na mabigyan ang mga residenteng mula sa Cavite, Bulacan, Rizal at Laguna ng COVID-19 vaccine kapag mayroong sobrang supply ng mga doses ng bakuna.


“Priority is NCR. Kapag may sobra ay for plus areas, Cavite, Bulacan, Rizal, and Laguna,” ani Abalos sa isang message ngayong Lunes.


Sa ngayon, ang Mandaluyong, Pateros, Marikina at San Juan government ang tumatanggap ng mga residenteng galing sa karatig-lalawigan para bakunahan kontra-COVID-19 dahil sa malapit na nilang makumpleto ang kanilang inoculation program.


Sinabi pa ni Abalos na ang natitirang LGUs sa NCR ay malapit na ring magtapos ng kanilang vaccination program at maa-accommodate na rin ang ibang residente na nasa labas ng Metro Manila.


Paalala naman ni Abalos para sa mga indibidwal na nagnanais na magpabakuna kontra-COVID-19 sa NCR, kinakailangang magpa-schedule muna bago pumunta sa vaccination site at magpaturok dahil hindi nila pinapayagan ang mga walk-ins.


Ayon kay Abalos, maaari silang mag-register sa pamamagitan ng pagpapa-scan ng QR code na ibinibigay ng mga NCR-LGUs.


Una nang inianunsiyo ng MMDA chairman na napagkasunduan na ng lahat ng NCR LGUs na maaari nang magsagawa ng pagbabakuna sa mga indibidwal na galing sa kalapit na siyudad para tumaas ang bilang ng vaccination rollout ng bansa.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 20, 2021


ree

Nais ng mga mayors ng Metro Manila at Metro Manila Development Authority (MMDA) na pagbawalan pa rin ang mga menor-de-edad na lumabas ng bahay dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant.


Pahayag ni MMDA Chairman Benhur Abalos sa taped briefing noong Lunes, “Kami po ay nagbotohan kanina. Kami po… mga mayors, nag-usap-usap po kami at hinihiling po sana namin sa IATF [Inter-Agency Task Force] na baka maaari na iyong polisiya sa five-year-old pataas ay baka puwedeng isuspinde muna sa Metro Manila."


Matatandaang pinayagan na ang mga bata sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine at modified GCQ na lumabas ng bahay at magpunta sa mga open spaces na lugar katulad ng parke, playgrounds, outdoor tourist sites, outdoor non-contact sports courts, at al fresco dining basta kasama ang mga magulang o guardian.


Ayon kay Abalos, maaaring maging superspreader ng virus ang mga bata.


Saad naman ni Metro Manila Council (MMC) Chairman Parañaque Mayor Edwin Olivarez sa isang teleradyo interview, "Alam naman nating ito pong mga bata ang mga superspreaders, asymptomatic ‘yan. Pag-uwi sa bahay, yayakap sa kanilang lolo, nanay nila, napakahirap po noon.


"Tinitingnan pa ho natin ang ating preparedness para sa variant na ito, preparedness ng ating healthcare facilities.”


Samantala, sa ngayon ay mayroon nang naitalang 35 kaso ng Delta variant sa bansa kung saan 3 ang namatay.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page