top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | November 29, 2021



Tuloy pa rin ang 70th Miss Universe, na gaganapin sa Eliat, Israel sa Dec. 13 (Philippine time), tulad ng naunang plano.


Ito ay matapos ipahayag ni Israel Prime Minister Naftali Bennett ang pagba-ban sa pagpasok ng mga foreigners upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 Omicron variant.


Sinabi ni Israel Tourism Minister Yoel Razvozov, na lahat ng mga participants na itatalaga sa Red Sea resort sa Ellat ay mabibigyan ng waivers at sila ay sasailalim sa PCR testing tuwing 48 oras.


Matatandaang nitong mga nakaraang araw ay nagtatanong ang fans at pageant enthusiasts kung makakansela ang naturang pageant dahil sa ipinatupad na travel ban ng host country na Israel.


Samantala, nasa Israel na ang pambato ng Pilipinas sa 70th Miss Universe na si Beatrice Luigi Gomez.

 
 

ni Lolet Abania | October 27, 2021



Pinal nang naitakda ang petsa ng koronasyon para sa pinakamagandang babae sa sansinukob.


Inanunsiyo ngayong Miyerkules ng mga organizers ng Miss Universe 2021 pageant na ito ay gaganapin sa Disyembre 12, 2021, 7:00PM ET (Disyembre 13, 7:00AM sa Pilipinas).


Ito ay aired live mula sa Red Sea resort sa Eilat City, Israel, at si Steve Harvey ang napiling host ng event. Si Noa Kirel, ang international pop star, ay isa sa mga nakuhang performers ng pageant.


Ang mga naggagandahang kandidata mula sa tinatayang 100 mga bansa ang inaasahang maglalaban-laban sa korona para sa 70th Miss Universe pageant, kung saan ibo-broadcast ito sa buong mundo.


Kokoronahan naman ang itatanghal na bagong reyna ni reigning Miss Universe 2020 Andrea Meza ng Mexico. Si Beatrice Luigi Gomez ng Cebu City na nagwagi ng titulo nitong Setyembre, ang representative ng Pilipinas sa Miss Universe 2021.




 
 

ni Lolet Abania | September 30, 2021



Si Beatrice Luigi Gomez ng Cebu City ang nagwaging Miss Universe Philippines 2021 sa ginanap na live coronation night sa Panglao, Bohol ngayong Huwebes nang gabi, Setyembre 30.


Ang edisyon ngayong taon ay nagsimula sa 100 delegates, habang isinasagawa ang gradual elimination mula sa mga serye ng challenges.


Hanggang sa umabot na lamang sa top 30 candidates para mag-compete sa live at in-person sa gabi ng koronasyon.


Apat pang naggagandahang kababaihan ang nakoronahang kasama ni Bea.


Ang winners ng iba pang titles ay sina Miss Universe Philippines Tourism: Katrina Dimaranan, Taguig; Miss Universe Philippines Charity: Victoria Velasquez Vincent, Cavite; Miss Universe Philippines 1st runner-up: Maureen Christa Wroblewitz, Pangasinan; Miss Universe Philippines 2nd runner-up: Steffi Rose Aberasturi, Cebu Province.


Si Bea ang magre-represent sa Pilipinas sa Miss Universe 2021 pageant, na gaganapin sa Israel sa December.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page