top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | December 3, 2021



Inanunsiyo ng Puteri Indonesia Foundation na hindi sila magpapadala ng representative sa Miss Universe ngayong taon.


Sa statement na inilabas nito sa kanilang Instagram account, sinabi ng foundation na ang desisyon ay dahil sa kakulangan sa preparasyon at local COVID-19 restrictions.


Gayunman, kasalukuyan pa rin silang nagsasagawa ng selection process sa ilang probinsiya sa Indonesia.


“We look forward to participating again in next year’s edition of the Miss Universe Pageant," pahayag nila.


“The Puteri Indonesia Foundation wishes the 70th Miss Universe Competition and all the delegates great success. May the best candidate win the coveted title, and continue to inspire all women in their communities," dagdag pa nito.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 1, 2021



Nagpositibo sa COVID-19 si Miss Universe France 2021 Clemence Botino.


Halos dalawang linggo bago ang coronation night, nag-post ang beauty queen sa kanyang Instagram upang ipaalam ang nakalulungkot na balita.


"This morning they called to say that I was positive," Botino wrote. "I was shocked and sad, it is truly hard."


"I've been crying all day," pahayag ni Botino.


Ang unang bagay daw na kanyang ginawa matapos malaman ang pagpopositibo sa COVID-19 ay ang tawagan ang kanyang pamilya at ipaalam ang kanyang sitwasyon.


"It is not easy to deal with all of that while being far from home...But MUO [Miss Universe Organization] is here to help and to take care of me. I'm really tired, so I will take care of myself. I will stay lockdown during 10 days ten I will be tested again,” dagdag niya.


Siniguro naman ng pambato ng France na patuloy siyang magbabahagi ng updates hinggil sa kanyang sitwasyon, at nagpaalala na mag-ingat ang lahat dahil nananatiling nariyan ang virus.


Sinabi naman ng Miss Universe Organization nan aka-isolate na ang mga nakasama ni Botino.


Matatandaang nauna nang lumabas ang balita na mayroong nagpositibo sa mga kandidata pagdating ng Israel ngunit hindi ito pinangalanan.


Ang grand coronation night ay gaganapin sa December 12 sa Red Sea resort of Eilat sa Israel.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 30, 2021



Nagpositibo sa COVID-19 ang isang kandidata ng Miss Universe pagdating nito sa Israel, ayon sa Miss Universe Organization.


Hindi pinangalanan ng organizers ang nasabing kandidata at hindi pa rin tukoy kung ito ay may kinalaman sa Omicron variant.


Agad naman itong dinala sa government-run isolation hotel ng Israel.


Ayon pa sa Miss U organization, fully vaccinated ang kandidata at sumailalim sa COVID test bago pa man ito bumiyahe patungo sa host country.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page