top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 14, 2023




Talagang pinagmamalaki ng Miss Universe 2023 candidate na si Michelle Dee ang 'Pinas at gagamitin nito ang salitang "Pilipinas" sa kanyang pagpapakilala sa contest.


May bagong video nga ang kandidatang viral ngayon dahil sa paraan niya nang pagpapakilala sa sarili, sey niya "Michelle Marquez Dee, Pilipinas!"


Siya ay lumalaban para sa korona ngayong taon at may adhikaing buksan ang kamalayan ng mundo sa autism.


Kamakailan lamang, sinabik nga ni Dee ang mga netizens sa kanyang pag-drop ng hint tungkol sa kanyang susuoting costume.


 
 

ni Lolet Abania | May 1, 2022



Nakamit ni Celeste Cortesi ang korona bilang pinakamagandang Pilipina sa Miss Universe Philippines 2022.


Sa kanyang Instagram ngayong Linggo, labis ang pasasalamat ng Filipina-Italian beauty queen habang binabalikan niya ang coronation night at nai-share din niya ang mga naisip nang mga panahong iyon.


“Yesterday, as I was walking on that beautiful stage, all I was thinking [about was my] mom and dad. The strength I got from them is indescribable,” caption ni Celeste sa kanyang IG post.


“I’ve worked so hard for this, I’ve prepared. And I let God do the rest in knowing that whatever is meant for me will never pass me by,” dagdag niya.


Kung ikukumpara ngayon mula sa unang pagdating niya sa bansa, sinabi ng 24-anyos na si Celeste na pinapangarap niya talagang mag-represent ng bansa para sa prestihiyosong pageant na ito.


“I’ve grown so much since I came [to] the Philippines [five] years ago and I really promised myself that I would only join a pageant if I’m ready to take the responsibility of a crown, and I am now,” sabi ng beauty queen.


“Yesterday, [I] received my second chance and I am beyond honored and grateful to be able to represent my country in the Miss Universe stage,” ani Celeste.


Sa nakamit niyang korona, umaasa naman si Celeste na ang kanyang istorya ay magbibigay ng inspirasyon sa marami aniya, “can inspire so many to never give up on their dreams because [through] hard work, perseverance, and faith, you can achieve anything you want.”


 
 

ni Zel Fernandez | April 20, 2022



Kulang dalawang linggo na lamang bago ang coronation night, ipinasilip na ng Miss Universe Philippines Organization ang bago nitong korona na mala-‘Pearl of the Orient’ ang dating.


Kasama sina Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez at Miss Universe Philippines National Director Shamcey Supsup-Lee, ini-reveal ng international luxury brand Jewelmer executives ang bagong korona sa Miss Universe Philippines Gala Night sa Hilton Manila.


Sa isang post sa Facebook page ng MUPH organization, ibinahagi na ang La Mer en Majesté Crown ay inspired umano mula sa mga karagatan ng Pilipinas at ng national gem nito na golden South Sea pearl na sumisimbolo sa ‘harmonious relationship’ ng mga tao sa kalikasan at sumasalamin sa katangian ng mga Pinoy.


Pahayag pa ng organisasyon, “The Miss Universe Philippines Organization and Jewelmer envision this crown as an homage to her majesty, the sea, for she is the queen of the elements. Generous and powerful, she provided the world with this precious gem and contributed the crowned jewel to this exceptional masterpiece, the illustrious Miss Universe Philippines Crown”.


Ang La Mer en Majesté Crown ang magiging pangalawang korona para sa pageant’s franchise, matapos ang “Filipina” crown na inilabas noong 2020.


Sa April 30 gaganapin ang Miss Universe Philippines 2022 Coronation Night, alas-7 ng gabi sa SM Mall of Asia Arena.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page