top of page
Search

Ni Eli San Miguel @Lifestyle | Sep. 24, 2024



Michelle Dee IG

Naipresenta at nai-donate na ni Michelle Dee ang kanyang Miss Universe Voice for Change award sa Autism Society of the Philippines (ASP). Matapos ang mga pagkaantala, iniabot na ni Michelle ang tseke na nagkakahalaga ng P684,000 sa organisasyon.


Sa kanyang Instagram Reel, malalaman na ipinagkaloob ito sa kanilang monthly Artismo event, kung saan tampok ang mga artist na nasa autism spectrum. “A Voice For Change for the voices that matter. #Filipinas! We did it,” ani Michelle sa caption.


“It was my privilege to (finally) present the Voice For Change award to @autismphils after our nationwide upward battle to win this special award. Alam natin yan,” dagdag pa niya.


Ayon pa sa aktres at beauty queen, ang pondo mula sa award ay ilalaan para sa ASP’s #AutismWorks program na naglalayong magbigay ng full-time employment o mga oportunidad para sa mga may autism. Ipinaliwanag niya rin na sumusunod ang programang ito sa 17 Sustainability Development Goals ng United Nations para sa Economic Empowerment ng mga indibidwal na nasa autism spectrum.


“At the time of my VFC presentation, we have employed and provided training to over 300+ individuals and we believe this number can grow exponentially,” ani Michelle. “With the #bayanihan spirit - anything is possible. Maraming salamat!!! LABAN LANG #deepatapos,” pagwawakas niya sa post. Nagbibigay ang Voice for Change award ng $12,000 sa bawat gold medal winner at kanilang charity.


Sa Miss Universe 2023, napanalunan ni Michelle Dee ang naturang award, kasama sina Miss Angola at Miss Puerto Rico. Noong Setyembre, binanggit niya sa Instagram na siya ay naghihintay pa rin para sa award. Matatandaang nakatuon ang Miss Universe advocacy ni Michelle sa autism awareness, at ang kanyang national costume ay nagbibigay-pugay sa kanyang dalawang kapatid na nasa autism spectrum.





 
 

ni Angela Fernando @News | September 17, 2024



SSS

Nakatakdang ipresenta ni Michelle Dee ang kanyang Miss Universe special award, Voice for Change, sa Autism Society of the Philippines ngayong linggo.


Ipinahayag ng Miss Universe Philippines Organization sa Instagram (IG) ang balitang ito, isang araw matapos i-anunsyo ng beauty queen sa kanyang IG broadcast channel na siya ay naghihintay pa sa paglabas ng award.


Ang Voice for Change award ay may kasamang $12,000 na cash prize para sa bawat isa sa tatlong gold medal winners at sa kanilang piniling charity. Matatandaang isa sa mga nanalo si Michelle kasama sina Miss Angola at Miss Puerto Rico.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 23, 2023




Naghayag ng saloobin ang beauty queen na si Michelle Dee kaugnay sa naging rason ng Miss Universe El Salvador sa nangyaring kapalpakan sa kanilang maling pagpapaskil ng listahan ng Top 5 sa kanilang social media ukol sa katatapos lang na Miss Universe 2023.


Sinabi ni Dee sa kanyang broadcast channel sa Instagram na, "There should be no room for error, but the reality is, we live in an imperfect world."


Tanggap na tanggap naman ng kandidata ng 'Pinas ang naging resulta ng sinalihang pageant.


Kasama si Dee sa Top 5 sa sinasabing maling nai-post nila sa kanilang opisyal na page imbes na si Miss Thailand Anntonia Porsild.


Naglabas na ng pahayag ang Miss Universe El Salvador organization matapos ang ilang araw at kanilang inamin ang nagawang pagkakamali.


Saad nila, buhat ito ng pagmamadali na maipaskil ang listahan.


Hiling ng Pinay beauty queen, maging marespeto hindi lang sa mga delegates kundi pati sa mga taga-suporta.


Pasok si Dee sa Top 10 at may tatlong special awards ngunit bigong makasungkit ng puwesto sa Top 5.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page