top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 6, 2023



ree

Nagpahayag ang Regional Police Office ng Calabarzon na inihanda na nila ang Committee on Missing Persons upang umusad ang imbestigasyon sa pagkawala ng kandidata ng Miss Grand Phils. 2023 na si Catherine Camilon.


Matatandaang nawala si Camilon nu'ng Oktubre 12 sa Batangas City at kasalukuyang hindi pa rin matukoy ang lagay nito. Humingi na nga rin ng tulong ang pamilya ni Camilon sa mga awtoridad para mahanap ang beauty queen.


Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng komite para magkaisa ang mga awtoridad na mas mapalawak ang imbestigasyon at paghahanap sa beauty queen.


Ayon sa Calabarzon police regional director na si Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, kailangang maging organisado sila sa pagtukoy kung nasaan ang dalaga, at dapat ding may dedikasyon at pagsisikap para sa kasong ito.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 5, 2021


ree

Itinanghal na Miss Grand International 2021 ang pambato ng Vietnam na si Nguyen Thuc Thuy Tien.


Ang event ay ginanap sa Thailand nitong Sabado nang gabi.


Bago itanghal na Miss Grand International, nagkaroon muna sila ng tie-breaker question ni Miss Grand Ecuador.


Nang tanungin kung bakit siya ang dapat tanghaling Miss Grand International, “I’m ready to win. I’m ready to be in Thailand for a year.”


Itinanghal naman bilang first runner up si Miss Grand Ecuador, second runner up ang Brazil, third runner up ang Puerto Rico at fourth runner up ang South Africa.


Wagi si Miss Grand Thailand sa evening gown, habang sina Miss Malaysia, Miss Grand Peru at Miss Grand Angola ang nakasungkit sa national costume at Miss Grand Puerto Rico ang nakakuha ng best in swimsuit at si Miss Cambodia naman ang nakakuha ng most popular vote award.


Samantala, bigo na makapasok sa Top 20 ang pambato ng Pilipinas na si Samantha Panlilio, kasama ang 30 iba pang kandidato sa finals night ng Miss Grand International na ginanap sa Bangkok, Thailand.


Bago pa ito matanggal ay pasok pa ito sa Top 10 best in national costume at Top 5 sa best in swimsuit sa pamamagitan ng popular vote.


Kung nanalo si Samantha, siya sana ang kauna-unahang Pinay na mag-uuwi ng Miss Grand International crown.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 28, 2021




Wagi bilang Miss Grand International 1st runner-up ang pambato ng Pilipinas na si Samantha Bernardo sa ginanap na grand coronation night sa Bangkok, Thailand kahapon, Sabado.


Si Miss USA Abena Appiah ang kinoronahan bilang Miss Grand International 2020, second runner-up naman si Miss Guatemala, 3rd runner-up si Miss Grand Indonesia, at si Miss Grand Brazil ang fourth runner-up.


Hindi man nasungkit ang pinakamataas na korona, marami pa ring manonood ang humanga sa naging sagot ni Samantha sa Q&A portion kung saan tinanong siya kung kanino niya ibibigay ang huling COVID-19 vaccine, kung sa 15-anyos o sa 70-year-old.


Sagot ni Samantha, “My heart goes to the senior citizen because my mom is turning into senior citizen and I experienced the loss of my dad four years ago and I cannot afford to lose my mom. My heart goes to them because they are the most vulnerable during this time.





“A 15-year old has the stamina to fight the COVID-19 pandemic and with proper exercise and healthy living they can live with it. I know as well that every citizen here will choose and never afford to lose their parents and so I will choose senior citizen.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page