top of page
Search

ni Zel Fernandez | April 25, 2022


ree

Usapan ngayon ang sinasabing malaking tulong umano na magagawa ng endorsement mula sa United Bangsamoro Justice Party, ang political party ng Moro Islamic Liberation Front, sa presidential bid ni VP Leni Robredo ngayong 2022 elections.


Ayon kay Basilan Rep. at Deputy Speaker Mujiv Hataman, tanging si Robredo lamang ang kasalukuyang kandidato sa pagka-pangulo na kumikilala sa pinagdaanan ng mga Moro sa nagdaang kasaysayan.


Aniya, bilang isang kilusang nagsusulong ng karapatan ng Bangsamoro, naniniwala rin umano ang deputy speaker na tama ang desisyon ng MILF sa pagpili ng kandidatong sumusuporta at naniniwala rin sa karapatan ng mga Moro sa self-governance at self-determination.


Giit nito, ang suporta ng United Bangsamoro Justice Party at MILF ay makatutulong nang malaki hindi lamang sa pangangampanya ni Robredo sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kundi maging sa buong Mindanao.


Pahayag ni Hataman, “The UBJP and MILF’s support is indeed a big boost to VP Leni’s campaign not only in BARMM but in the whole of Mindanao. But we must not be complacent, there is more to be done. We must double our efforts if we wish to elect a leader who will ensure there is good governance in public service.”


 
 

ni Lolet Abania | February 23, 2021


ree


Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga Cabinet na pabilisin ang distribusyon ng mga lupa para sa mga rebeldeng nagbalik-loob sa gobyerno, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.


Sa isang virtual press briefing, sinabi ni Nograles na nakatakdang magpamahagi ang pamahalaan ng 6,406.6 hectares ng lupa sa mga dating rebelde.


“Gusto nating mapabilis ang pag-distribute nito. Alam nating napakalaki ng role nito para sa ating peace efforts,” pahayag ni Nograles ngayong Martes.


Naganap ang Cabinet meeting kay Pangulong Duterte nu'ng Lunes ng gabi.


Matatandaang noong nakaraang linggo, nagkaloob si P-Duterte ng amnesty para sa mga dating communist rebels na nakagawa ng krimen na may kaukulang kaparusahan sa ilalim ng Revised Penal Code at Special Penal Laws dahil sa pakikipaglaban ng mga ito sa pulitikal na pinaniniwalaan.


Ang mga krimen na bibigyan ng amnestiya ay ang mga sumusunod: • rebellion/insurrection • conspiracy and proposal to commit rebellion or insurrection • disloyalty to public officers or employees • inciting to rebellion or insurrection • sedition • conspiracy to commit sedition • inciting to sedition • illegal assembly • illegal association • direct assault • indirect assault, at iba pa


Sa ipinagkaloob na amnestiya na nakasaad sa Presidential Proclamations 1090, 1091, 1092 at 1093 ay mabebenepisyuhan din ang ilan sa mga dating miyembro ng Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade, Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

 
 
RECOMMENDED
bottom of page