top of page
Search

ni Lolet Abania | June 21, 2022


ree

Isasara ang southbound portion ng EDSA-Kamuning flyover sa Quezon City sa loob ng 30 araw para sa isasagawang repairs nito simula Sabado, Hunyo 25, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Martes.


Sinabi ng MMDA na epektibo ang pagsasara ng flyover southbound simula alas-6:00 ng umaga ng Hunyo 25. “Ito pong buong southbound ng EDSA-Kamuning flyover ay isasara for 30 days. ‘Yan ang hiniling ng DPWH [Department of Public Works and Highways],” pahayag ni MMDA chair Atty. Romando Artes.


Ayon kay Artes, nasuri na ng DPWH ang bahagi ng flyover na may mga crack at sinabi nilang ang 30-meter stretch ng flyover ay kinakailangang i-repair.


“Nang buksan po nila ang mga may crack na portion nitong tulay ay nakita nila na kailangan pong kumpunihin ‘yung 30-meter stretch nitong buong tulay,” saad ni Artes.


“Mano-mano po ang pagbakbak ng semento dahil hindi po puwedeng gamitan ng heavy equipment dahil baka maapektuhan po ‘yung dalawang lanes pa na nasa tabi,” paliwanag ni Artes kung bakit ang pagsasara nito ay tatagal ng 30 araw.


Gayunman, sinabi ni Artes na ang 30 araw ay sagad na panahon para sa pagre-repair ng flyover, kasama na rito ang 7-araw na curing time para sa semento. Aniya, lahat ng sasakyan na patungong southbound ay kailangang gamitin ang service road na nasa ibaba ng flyover.


Pinapayuhan naman ang mga motorista na dumaan na lamang sa Mabuhay lanes bilang kanilang alternate routes. Gayundin, ani Artes, ang EDSA carousel buses ay kailangan ding dumaan sa service road, subalit matapos ang flyover, maaari na nilang gamitin ulit ang leftmost lane na nakalaan sa kanilang linya.


Ayon pa sa MMDA chief, nasa tinatayang 140,000 sasakyan ang gumagamit ng EDSA-Kamuning flyover araw-araw. Matatandaan na nakitaan ng mga crack at butas ang EDSA-Timog Avenue flyover southbound lane noong nakaraang linggo kaya kanila itong bahagyang isinara.


Mga light vehicles lamang at ang EDSA carousel buses ang pinayagan na gumamit ng flyover ng southbound lane nitong Lunes.



 
 

ni Lolet Abania | May 19, 2022


ree

Target ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tanggalin at kolektahin na ang lahat ng campaign materials sa National Capital Region (NCR) ngayong linggo.


Hanggang Mayo 16, nasa kabuuan ng mahigit 470 tonelada ng campaign materials na ginamit noong May 9 elections ang kanilang nakolekta.


Una nang nagbabala ang environmental groups na ang karagdagang basura na galing sa mga campaign materials ay maaaring magdulot ng mga pagbaha, kung saan nagdeklara na ang PAGASA ng pagsisimula ng rainy season o tag-ulan.


Nitong Martes, nanawagan na rin ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko na i-report ang mga campaign materials na nakapaskil o naka-post pa rin sa kanilang lugar dahil ang deadline para sa pag-aalis ng mga ito ay natapos na.


Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, ang mga local government units (LGUs) na nabigong tanggalin ang lahat ng campaign materials sa kanilang mga lugar ay makatatanggap ng notice mula sa ahensiya.


 
 

ni Lolet Abania | April 1, 2022


ree

Magsasagawa sa ilang lugar sa Metro Manila ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng road reblocking at repairs simula alas-11:00 ng gabi ngayong Biyernes, Abril 1, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).


Batay sa MMDA, ang mga apektadong lugar ay:


EDSA- NORTHBOUND:

• EDSA cor. Panay Ave. hanggang Mother Ignacia (unang kanto mula sa bangketa)

• EDSA malapit sa Quirino Highway Exit

• EDSA - Quezon City, bago at matapos ang Gate 3 (ikatlong kanto mula sa MRT lane)

• Main Avenue hanggang P. Tuazon Flyover (ikalawang lane mula sa bangketa)

• EDSA Main Avenue matapos ang P. Tuazon hanggang Aurora Boulevard

• EDSA Pasay City innermost lane (bus way), sa P. Santos St. patungong EDSA - Evangelista footbridge.


EDSA-SOUTHBOUND:

EDSA Caloocan sa harap ng A. De Jesus St. (ikalimang lane mula sa bangketa)

C5 at ilan pang kalsada:

• Timog Ave. Boy Scout Rotunda (una at ikalawang lane mula sa driveway)

• C5 Road (Ugong Norte Southbound)

• C5 Road (Bagumbayan Southbound)

• C5 Road (Ugong Southbound)

• C5 service road (Bagong Ilog Southbound)

• C.P. Garcia Ave. bago mag-Katipunan Ave. (ikalawang lane mula sa bangketa)

• C5 Northbound (inner lane), Makati City



Gagawin ang pagkukumpuni at pagsasaayos ng mga kalsada na tatagal hanggang alas-5:00 ng madaling-araw ng Lunes, Abril 4.


Pinayuhan naman ng MMDA, ang lahat ng mga motorista na maghanap ng mga alternatibong ruta upang hindi na maabala pa sa matinding trapiko.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page