top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 22, 2021




Umabot na sa critical status ang ilang ospital sa Metro Manila dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa.


Noong Sabado, ayon sa tala ng Department of Health (DOH), 70.32% o 564 sa 802 hospital beds ang puno na.


Sa datos ng DOH noong March 20, umabot na sa "critical status" ang mga sumusunod na ospital na may 100% bed occupancy:

• A Zarate Hospital

• Bernardino General Hospital I

• Commonwealth Hospital and Medical Center

• East Avenue Medical Center

• F.Y. Manalo Medical Foundation, Inc.

• FEU- Dr. Nicanor Reyes Medical Foundation Inc.

• HolyLife Hospital • Makati Medical Center

• Metro North Medical Center and Hospital

• Metropolitan Medical Center

• Rosario Maclang Bautista Hospital

• Sta. Ana Hospital

• Unihealth Parañaque Hospital and Medical Center, Inc.


Ayon sa DOH, ang mga klasipikasyon ng COVID-19 beds sa mga health centers ay critical, high risk, moderate, at safe. Sa ilalim ng critical level, ang ospital ay umabot na sa mahigit 85% bed occupancy ng mga COVID-19 patients.


Itinuturing namang high risk ang mga may 70% o hindi hihigit sa 85% ng COVID-19 beds ang okupado. Moderate naman ang mga ospital na mayroong 60 hanggang 70% occupied beds.


Ang mga safe status naman ay ang mga ospital na mababa sa 60% ang occupancy.


Kritikal na rin ang estado ng mga sumusunod na ospital:

• Diliman Doctors Hospital Inc.

• Las Piñas Doctors Hospital

• Lung Center of the Philippines

• Ospital ng Makati

• Ospital ng Muntinlupa

• Pacific Global Medical Center

• Pasig City Children’s Hospital Child’s Hope

• Quirino Memorial Medical Center

• Research Institute for Tropical Medicine

• San Juan De Dios Educational Foundation

• St. Luke’s Medical Center, Taguig

• The Medical City

• University of Perpetual Help Dalta Medical Center, Inc.

• University of the Philippines Philippine General Hospital

• Valenzuela Citicare Medical Center Timog Hilaga Providence Group, Inc.

• Victoriano Luna Medical Center

• World Citi Medical Center


Samantala, ngayong araw ay nakapagtala ang bansa ng 8,019 bagong kaso ng COVID-19 at sa kabuuan ay pumalo na ito sa 671,792 cases.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 16, 2021




Nagsimula na ang unang gabi ng unified curfew sa Metro Manila nitong Lunes, Marso 15, ganap na alas-10 nang gabi hanggang alas-5 nang madaling-araw kung saan mahigit 2,192 kapulisan ang ipinakalat upang mapigilan ang mabilis na hawahan ng COVID-19.


Ayon sa Southern Police District (SPD), karamihan sa mga pulis ay nakadestino sa bawat presinto na magsasagawa ng foot patrol, habang pangalawang prayoridad naman nila ang pagbabantay sa mga pangunahing kalsada katulad ng Baclaran sa Parañaque at Pasay, Bonifacio Global City sa Taguig, at Ayala sa Makati kung saan madalas maraming tao tuwing gabi.


Batay sa ulat, umabot sa 150 katao ang nahuling lumabag sa Makati kabilang ang mga tricycle driver, masahista at ilang naghahanapbuhay na pauwi pa lamang sa kanilang tahanan.


Wala namang nahuling nakabukas na establisimyento katulad ng bar o nightclub sa oras ng curfew. “Medyo marami lang nag-relax.


Nasa kalsada sila kahit alam nilang may curfew,” saad pa ni Makati City Chief of Police Col. Harold Depositar. Sa huling tala ay umabot na sa 846 ang aktibong kaso sa lungsod, kung saan 24 katao ang nadagdag na nagpositibo sa COVID-19.


Samantala, tinatayang 100 na curfew violators naman ang nahuli sa Sta. Cruz, Maynila kabilang ang mahigit 68 na menor-de-edad na naabutang naglalaro ng mobile games sa kalsada at karamihan sa kanila ay walang suot na face mask at face shield.


Kaagad silang dinala sa covered court ng Barangay 351. Matapos ang curfew hours ay sinundo na sila ng mga magulang at pinayagan na ring umuwi, ngunit katulad sa ibang curfew violators ay nagkaroon muna ng lecture tungkol sa COVID-19 at pinag-exercise rin sila.


Nagkakahalagang P1,000 ang multa ng mga nahuli. Ayon pa kay Linsday Javier, OIC ng Reception and Action Center ng Manila Department of Social Welfare, dadaan sa counseling ang mga nag-violate na kabataan para malaman kung may pagkukulang ang mga magulang at dapat sampahan ng kaso.


Kaugnay nito, kasalukuyang naka-lockdown ang MPD Station 11 sa Binondo, Maynila matapos magpositibo sa COVID-19 ang 46 police personnel.


Inaasahan ng pamahalaan na sa pagpapatuloy ng unified curfew ay unti-unting mababawasan ang mga violators at ang mga nadaragdag na positibo sa COVID-19. Magtatagal naman nang mahigit dalawang linggo ang ipinatupad na curfew.


 
 

ni Lolet Abania | March 15, 2021




Nadagdagan ang pinapayagan na nasa labas sa kabila ng ipinatutupad na unified curfew sa Metro Manila upang mapigilan ang pagtaas ng COVID-19 sa naturang rehiyon.


Ngayong Lunes, sinimulan ang curfew ng alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga, kung saan karamihan ay dapat na nasa loob na ng bahay.


Gayunman, may mga pinayagan na mga empleyado at services na mag-operate kahit pa abutin ng curfew hours.




Ayon sa Philippine National Police, exempted sa unified curfew ang mga sumusunod:

• medical practitioners

• nurses

• ambulance drivers

• workers at medical facilities

• ang mga kasama at katuwang sa medical emergencies

• drivers ng sasakyang nagdadala ng essential goods at mga produkto

• owners, vendors, o delivery personnel ng essential goods

• private employees gaya ng call center agents

• construction workers

• media practitioners

• ang mga papunta o nanggaling sa airport

• drivers ng private transportation gaya ng shuttle services

• miyembro ng law enforcement agencies (militar, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection at iba pang emergency responders)

• security guards

• mga empleyado ng fast food services (take out only) Una nang nai-report na mananatiling bukas kahit may curfew ang mga market delivery, market bagsakan, food take-out at delivery, mga botika, ospital, convenience stores, delivery ng goods, business process outsourcing (BPO) firms at katulad na negosyo.


Ayon naman kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benjamin Abalos Jr., ang kaukulang penalties para sa mga lalabag sa curfew ay depende sa ordinansa ng kani-kanilang local government units (LGUs).


 
 
RECOMMENDED
bottom of page