top of page
Search

ni Lolet Abania | July 21, 2021



Lalo pang lumakas ang Bagyong Fabian habang ito ay dahan-dahang kumikilos patungong kanluran, ayon sa PAGASA ngayong Miyerkules. Sa alas-11:00 ng umagang forecast ng PAGASA, si ‘Fabian’ ay magdudulot ng malalakas na pagbuhos ng ulan sa buong bansa, habang wala namang inisyung Tropical Cyclone Wind Signal ang ahensiya.


Gayunman, ang Southwest Monsoon na pinalakas ng Bagyong Fabian at ng Tropical Storm Cempaka ay inaasahang magdadala ng mga pag-ulan sa buong Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, Babuyan Islands, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at ang hilagang bahagi ng Palawan, kabilang ang Calamian at Kalayaan Islands sa susunod na 24 oras.


Ilang lugar sa Metro Manila ang binaha ngayong Miyerkules nang umaga kasabay ng walang tigil na pagbuhos ng ulan dulot ng Southwest Monsoon. Ayon sa PAGASA, posibleng itaas sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang buong Batanes at Babuyan Islands depende sa magiging galaw ng Bagyong Fabian sa maghapon.


Base naman sa alas-10:00 ng umagang update ng PAGASA, ang sentro ng Typhoon Fabian ay nasa layong 705 km silangan-hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.


Mayroon itong maximum sustained winds na 150 km/h malapit sa sentro, may pabugsu-bugsong hangin na aabot sa 185 km/h, at central pressure na 960 hPa. Kumikilos ito nang dahan-dahan pa-kanluran na may kasamang malakas na hangin o matinding pagbayo ng hangin na aabot sa 650 km mula sa sentro.


Inaasahang maalon hanggang sa malakas na alon ang mararanasan sa karagatan ng Batanes at Babuyan Islands, at ang western seaboard ng Palawan kabilang dito ang Kalayaan at Calamian Islands, at Occidental Mindoro kabilang dito ang Lubang Islands. Samantala, katamtaman hanggang sa maalon ang karagatan sa bahaging silangan at ang natitirang bahagi ng northern at western seaboards ng Luzon.


Ayon sa state weather bureau, kumikilos sa ngayon ang Bagyong Fabian pa-kanluran hanggang Huwebes nang gabi, kanluran hilagang-kanluran ng Biyernes nang umaga, habang patungo naman ng hilagang-kanluran ng Biyernes nang gabi. Lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility sa Sabado nang umaga. Iniulat pa ng PAGASA na ang pag-landfall sa buong mainland China ng Bagyong Fabian ay tuluyang pag-alis nito sa bansa sa Linggo.



 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 20, 2021



Nais ng mga mayors ng Metro Manila at Metro Manila Development Authority (MMDA) na pagbawalan pa rin ang mga menor-de-edad na lumabas ng bahay dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant.


Pahayag ni MMDA Chairman Benhur Abalos sa taped briefing noong Lunes, “Kami po ay nagbotohan kanina. Kami po… mga mayors, nag-usap-usap po kami at hinihiling po sana namin sa IATF [Inter-Agency Task Force] na baka maaari na iyong polisiya sa five-year-old pataas ay baka puwedeng isuspinde muna sa Metro Manila."


Matatandaang pinayagan na ang mga bata sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine at modified GCQ na lumabas ng bahay at magpunta sa mga open spaces na lugar katulad ng parke, playgrounds, outdoor tourist sites, outdoor non-contact sports courts, at al fresco dining basta kasama ang mga magulang o guardian.


Ayon kay Abalos, maaaring maging superspreader ng virus ang mga bata.


Saad naman ni Metro Manila Council (MMC) Chairman Parañaque Mayor Edwin Olivarez sa isang teleradyo interview, "Alam naman nating ito pong mga bata ang mga superspreaders, asymptomatic ‘yan. Pag-uwi sa bahay, yayakap sa kanilang lolo, nanay nila, napakahirap po noon.


"Tinitingnan pa ho natin ang ating preparedness para sa variant na ito, preparedness ng ating healthcare facilities.”


Samantala, sa ngayon ay mayroon nang naitalang 35 kaso ng Delta variant sa bansa kung saan 3 ang namatay.


 
 

ni Lolet Abania | July 12, 2021


Inianunsiyo ng Maynilad Water Services, Inc. ngayong Lunes na mawawalan ng serbisyo ng tubig sa mga piling lugar sa Metro Manila, kung saan posibleng tumagal nang hanggang 15 oras.


Sa ilang advisories na kanilang nai-post sa social media, ayon sa Maynilad, mahina hanggang sa walang supply ng tubig ang dapat asahan ng mga kostumer dahil sa mataas na pangangailangan ng tubig sa Bagbag reservoir.


Makakaranas ng emergency service interruptions ang mga sumusunod na lugar:

Caloocan City - July 12 (10 a.m. - 8 p.m.)

Barangays 6, 8, 10, 11, 12, 99, 101, 102, 105, 159 to 163, at Balingasa

Makati City - July 12 (10 a.m. - 8 p.m.)

Barangay Magallanes

Malabon City - July 12 (10 a.m. - 8 p.m.)

Barangays 161, Dampalit, at Potrero

Parañaque City- July 12 (10 a.m.) - July 13 (1 a.m.)

Barangays BF Homes, BF international/CAA, at San Isidro


July 12 (2 p.m.) - July 13 (1 a.m.)

Barangays BF Homes, Don Bosco, Marcelo Green, San Antonio, San Martin De Porres, at Sucat.

Quezon City - July 12 (10 a.m. - 8 p.m.)

Barangays 163, 164, A. Samson, Baesa, Bahay Toro, Sangandaan, Sauyo, Talipapa, at Tandang Sora


July 12 (12 noon - 10 p.m.)

Barangays 163, A. Samson, Apolonio Samson, Baesa, Bahay Toro, Balong Bato, Bungad, Damayan, Del Monte, Katipunan, Maharlika, Mariblo, N.S. Amoranto, Paltok, Paraiso, Saint Peter, San Antonio, Sauyo, Talipapa, Unang Sigaw, and Veteran’s Village.


Kasalukuyang sineserbisyuhan ng Maynilad ang west zone, kabilang dito ang mga lungsod ng Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Manila, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Quezon at Valenzuela.


Gayundin, nagseserbisyo ang kumpanya sa ilang lugar sa Cavite gaya ng siyudad ng Bacoor, Cavite, at Imus; at mga bayan ng Kawit, Noveleta, at Rosario.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page