top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | September 3, 2020




Isinagawa ng social media company na Facebook ang Messenger Kids sa Pilipinas, isang mobile application para sa mga batang 12 years old pababa.

Maaaring makapag-video chat ang mga bata gamit ang Messenger Kids at mayroon din itong messaging features na “parent-controlled environment.”

Saad ni Facebook Head of Safety for Asia Pacific Amber Hawkes, “Through our work with the Stairway Foundation, the Child Rights Network and other safety partners in the Philippines, we learned that many Filipino parents are looking for ways to help their children stay in touch with friends and family during this challenging time, in a fun and parent-supervised environment.”

Ayon sa Facebook, ang mga magulang ang dapat na mag-set up ng account ng mga bata sa Messenger Kids gamit ang kanilang FB account. Sa paggawa ng Messenger Kids account, hindi ito nangangahulugang magkakaroon na rin ng FB account ang bata dahil ayon sa community standards ng naturang app, hindi maaaring gumawa ng sariling account ang mga edad 13 pababa.


Samantala, maaari nang ma-download ang Messenger Kids gamit ang mga iOS at Android devices.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page