top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 6, 2025



Photo: Liza Soberano - IG


Nag-post sa social media si Liza Soberano tungkol sa kanyang ceremonial first pitch mula sa game ng Los Angeles Dodgers at New York Mets kasabay ng Filipino Heritage Night.


May caption ito na: “So honored to be amongst all my kababayans throwing the first pitch at the Dodgers vs. Mets game for Filipino Heritage Night! I was so nervous, but I think I did okay?”


Mapapansing “Liza” ang ginamit niyang pangalan, hindi na ang “Hope” na una niyang ginamit nang tumapak siya sa Hollywood.



UMALMA ang Viva Artist Agency sa kumakalat sa social media tungkol sa isang Facebook (FB) page na gumagamit ng ‘deepfake video’ tampok si Anne Curtis sa panloloko ng mga tao.


Naglabas ng pahayag ang VAA upang magsilbing paalala at babala na gumagamit ng panlolokong ito.


Ito ang pahayag ng Viva Artist Agency:


“It has come to our attention that a certain Facebook page is using the image of one of our artists, ANNE CURTIS-SMITH, illegally without any authority whatsoever.


“Please be informed that Anne is NOT connected in any way to the said Facebook page. The video is DEEPFAKE, a product of AI (Artificial Intelligence), and was made without the consent of Anne nor of Viva.


“We do not condone such acts, and those found responsible shall be dealt with severely and held civilly and criminally liable to the maximum extent possible under the law.


“We urge the public to be vigilant and discerning of online scams and illegal uses of AI to mislead and spread fake information.”


Talo sa pagka-gov., lucky sa showbiz…

LUIS, MAY 3 BAGONG SHOWS AT 3 DING ENDORSEMENTS


BONGGANG-BONGGA ang pagbabalik-showbiz ni Luis Manzano. Kahit hindi nanalo sa 2025 elections bilang vice-governor ng Batangas, winner naman siya sa biyayang natanggap.


Tatlo ang game shows na gagawin ni Luis: ang Rainbow Rumble (RR), Minute to Win It (MTWI), at ang Deal or No Deal (DOND).


Bukod d'yan, may tatlo ring pumasok na product endorsements para sa kanya.

Totoo ang kasabihan na, ‘Sa bawat pintong nagsasara, may bintanang nagbubukas.’

Good luck, Luis. Lucky ka talaga!



INILABAS na ng ABS-CBN ang trailer para sa napapanahong teleserye nito, ang inaabangang crime thriller mystery drama na Sins Of The Father (SOTF) na sesentro sa buhay ng mga naging biktima ng iba’t ibang scams.


Pangungunahan ni Gerald Anderson ang SOTF bilang si Samuel na guguho ang mundo dahil sa isang scam kung saan kasangkot ang kanyang ama. Mapapanood ito simula Hunyo 23 (Lunes) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWant, at TFC simula Hunyo 23 (Lunes).


Sina Shaina Magdayao, JC De Vera, RK Bagatsing, Francine Diaz, Seth Fedelin, Lotlot de Leon, Joko Diaz, Soliman Cruz, Jerald Napoles, Nico Antonio, Alex Medina, Aubrey Miles, Jeremiah Lisbo, LA Santos, JV Kapunan, Elyson De Dios, at Tirso Cruz III ang kasama sa cast. May special participation din dito si John Arcilla bilang ama ni Samuel (Gerald).


Mula ang SOTF sa JRB Creative Productions sa pangunguna ng business unit head nito na si Julie Anne R. Benitez. 


Isinulat ito ni Dindo Perez at sumasailalim sa direksiyon nina FM Reyes at Bjoy Balagtas.


Alagad ng sining at boses daw ng masa…

SEN. ROBIN, ISINUSULONG NA MAGING NATIONAL ARTIST SI KA FREDDIE


IPINAPANUKALA ni Senator Robin Padilla na kilalanin si Freddie Aguilar bilang isa sa mga Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas.


Saad ni Senator Robin, “Hindi lang s’ya mang-aawit. Si Ka Freddie ay simbolo ng musika na may saysay. Panahon na para kilalanin natin s’ya bilang Pambansang Alagad ng Sining dahil siya ay tunay na alagad ng bayan.


“Hindi lang ito tungkol sa musika. Si Ka Freddie ay naging boses ng masa. Ang kanyang sining ay salamin ng kalagayan ng Pilipino—masakit, totoo, at makabuluhan.”


Sa Senate Resolution No. 1364 na inihain nitong Hunyo 3, iginiit ni Senator Robin na ang mga likha ni Ka Freddie ay nagsilbing tinig ng mamamayang Pilipino, lalo na sa mga isyung panlipunan at pampulitika na kinaharap ng bansa sa loob ng maraming taon.



 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 29, 2025



Photo: Julia, Gerald at Bea - IG


Marami sa 11.9 million followers sa Instagram (IG) ni Julia Barreto ang naguguluhan kung totoo ba ang balita na nagkahiwalay na raw sila ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson dahil may mga nakapansin na burado na nga ang mga pictures na magkasama sila. 


Subali’t nu’ng tingnan ni yours truly ang IG ni Julia ay nakita naman namin na may 3 pang larawan na naiwan sa IG ni Julia na ibinahagi pa niya noong March 6, 2023 at may caption na: “Happy birthday, my love. I thank God for you everyday.” 


Naka-follow pa rin naman sila sa isa’t isa sa IG.


Napapabalita pa lang at hindi pa kumpirmado kung hiwalay na nga sina Gerald at Julia ay marami nang reaksiyon ang mga netizens.


May mga nanghihinayang sa relasyong pinagsamahan ng dalawa kung sakaling mapupunta lang sa hiwalayan dahil six years din silang naging magdyowa, samantalang sina Gerald at Bea Alonzo nga ay 3 yrs. lang tumagal ang relasyon.  


Meron pang sinisisi si Gerald dahil ang bagal daw nitong mag-propose at may mga netizens ding nagsabing walang forever. 


May mga nagsasabi namang baka bahagi lang ito ng paparating na proyekto ng sinuman sa kanila o promo strategy at may mga nagsabi ring fake news lang.


Well, sana naman, kung may konting tampuhan ang dalawa ay maayos din. Kasi kung hindi sila magkakaayos ay sure si yours truly na marami ang nag-aabang na kalalakihan para magkaroon ng tsansa na maligawan si Julia Barretto, ‘di ba? 



MAGIGING masaya ang mga pet lovers tulad nina Heart Evangelista at Carla Abellana sa sinimulan ng UNLEASH HQ na UNLEASH Pawscars Short Film Festival mediacon & jury signing noong Mayo 27, 2025.


Ang mga hurado sa festival ay sina Direk Joseph Abello, Direk Arvin Belarmino at Direk Jose Javier Reyes.


Ipinagdiriwang ng UNLEASH ang makapangyarihang ugnayan ng mga alagang hayop at ng kanilang mga amo sa pamamagitan ng mahika ng pelikula.


Ang chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Direk Joey Reyes ang tatayong head of jury ng UNLEASH Pawscars Short Film Festival 2025.

Una nang nakilala si Direk Joey sa mahigit 40 pelikula at napakaraming TV scripts na kanyang nagawa.  


Ngayon, ibinabahagi niya ang kanyang husay sa pagkukuwento upang mahanap ang pinakakakaibang pelikula na naglalarawan ng kuwento ng tao at alaga.

May kuwento ka ba na kayang magpatawa, magpaiyak o magpakilig (sa mabuting paraan)? Maging ito man ay nakakatuwa, makabuluhan o nakaka-inspire — ito na ang chance mo para magningning!


Sumali sa UNLEASH Pawscar Short Film Festival 2025!

Bukas ito sa lahat ng filmmakers, storytellers, at mga pet lovers sa buong bansa.


I-submit ang iyong short film at magkaroon ng pagkakataong manalo ng premyo, pagkilala, at mahusgahan ng ilan sa pinakarespetadong creative minds (at pet lovers) sa bansa!


Ang tema ng filmfest ay “Unleash the Love” at naghahanap sila ng short films (10–20 minuto) na nagpapakita ng puso, gulo, at saya na dala ng mga alaga sa ating buhay.

Submission period is May 16 to Aug. 31, 2025. Ang awards Night ay sa Disyembre 14, 2025.


Mahigit P300,000 thousand na halaga ng premyo at pagkakataong ma-feature sa UNLEASH app at social media ang mapapanalunan.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 26, 2025



Photo: Ako si Lolit Solis - IG


Kamakailan lang ay nagdaos ng kaarawan si Donya Lolit Solis. Na-sad lang siya dahil sa mismong birthday niya ay nasa dialysis center siya.


Sabi ni Donya Lolit sa kanyang Instagram (IG), “Imagine mo na aabot pala ako sa ganitong kalagayan, na mismong araw ng kaarawan mo, meron kang sakit. Talagang hindi lang sad kundi parang reckoning na rin para isipin mo kung bakit.


“Siguro nga, ito ‘yung way para isipin ko ang mga abuso na ginawa ko sa katawan ko. ‘Yung mga bagay na ginawa ko nu’ng nasa murang edad pa ako kaya heto, pinagbabayaran ko.


“Feeling down talaga ako, dahil I cannot imagine myself celebrating while attached to a dialysis machine, ‘kaloka. But what can I do, ito naging kapalaran ko.


“Kung minsan nga nagse-self pity ako, pero ‘pag naisip ko naman 'yung pagiging naughty ko, tinatanggap ko na itong kapalaran ko. Talagang totoo nga, ‘pag meron kang ginawang mali sa buhay, imposibleng hindi ka magbayad later on in life. Tiyak na kahit paano, you will pay for your crime. Hahaha!


“Now I am paying sa mga naughtiness I have done. So be it, bongga,” pagtatapos ni Donya Lolit. 


Kaya sa mga kabataan ngayon, ingat-ingat din kapag may time.



May gustong iparating ang isang tagahanga ni Star for All Seasons Vilma Santos-Recto sa aktres na nagbabalik-governor sa Batangas.


Ang mensahe niya na ipinost sa kanyang socmed account, “Hi Ate Vilma Santos-Recto, good afternoon to you po.


“I’m beyond grateful to have the opportunity to express my deepest admiration for you. As a fan, I've always been in awe of your incredible talent, dedication, and passion. Your legacy in the entertainment industry is truly iconic, and your impact on Filipino culture is immeasurable.


“From your early days as a child star to your reign as the ‘Star for All Seasons,’ you’ve consistently impressed audiences with your versatility and range. Your performances have brought joy, laughter, and tears to countless fans, including me. Who can forget your unforgettable roles in Dama de Noche, Sinasamba Kita, and Tag-ulan sa Tag-araw? Your talent and charisma on screen have captivated hearts and minds, making you a beloved figure in Philippine entertainment.


“But what's even more remarkable is your transition to public service. Your leadership and vision as Governor of Batangas have made a significant impact on the lives of Batangueños. Your initiatives in education, health, infrastructure, and economic development have improved the quality of life for many. You've shown us that true leadership is not just about power, but about serving others.


“Your selflessness, integrity, and commitment to public service are qualities that inspire us all. You've demonstrated that with hard work, determination, and a genuine desire to serve, we can make a real difference in the lives of others. Your legacy continues to inspire future generations to follow in your footsteps, to pursue their passions, and to serve with purpose.

“As a Vilmanian, I’m not just admiring your achievements; I'm also grateful for the values you've embodied throughout your career. Your humility, kindness, and generosity have touched the hearts of many, and your influence extends far beyond the entertainment industry. You're a true icon, a role model, and a shining example of what it means to live a life of purpose and meaning.


“Maraming salamat, Ate Vilma, for being a constant source of inspiration in my life. Your dedication to our province and our people is a testament to your character and your commitment to serving others. I pray for your continued good health and success in all your endeavors. May your legacy continue to inspire and motivate us to be the best versions of ourselves.


“With heartfelt admiration, respect, and gratitude.”


Ito ay isinulat ng kanyang tagahanga na si Jeric David Soriano.

Hindi naman nakapagtataka na maraming tagahanga at nagmamahal sa Star for All Seasons na si Vilma Santos.


At wish nga nila, makita nang muli si Vilma na ngayon ay nagpapahinga pa raw bago muling sumabak sa buhay-pulitika. 



NAPAKAGANDA ng puso ng mag-asawang Cong. Lani Mercado-Revilla at Senator Bong Revilla, at maging ng buong Team Revilla, makakatulong na naman sila sa mga may sakit na nangangailangan ng maayos na ospital. 


Hindi lang mga Bacooreño ang makikinabang kundi lahat ng kababayan sa Region 4A sa magandang balita ni Cong. Lani sa kanyang social media:


“Magandang balita ang salubong sa atin ng linggong ito! Pinagsikapan ng inyong Ate Lani at ng buong Team Revilla ang pagpasa ng batas na ito para sa pagtaas ng bed capacity ng Southern Tagalog Regional Hospital.


“Kasabay ng increase na ito ay ang pag-upgrade ng mga pasilidad at serbisyong pangkalusugan ng nasabing ospital, pati na rin ang pagdagdag ng staff tulad ng doktor, nurse, at iba pang support personnel. ‘Di lamang mga Bacooreño ang makikinabang dito kundi lahat ng kababayan natin sa Region 4A.”


Salamat sa pagmamahal at malasakit sa ating mga kababayan, sa buong Team Revilla, lalo na kay Cong. Lani Mercado-Revilla at sa mahal naming working senator na si Senator Bong Revilla, Jr..


 
 
RECOMMENDED
bottom of page