top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 4, 2025



Photo: Carlos Yulo at Chloe San Jose - IG


Sa Instagram (IG) post naman ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo ay nagbahagi siya ng larawan kasama ang girlfriend na si Chloe San Jose habang ipinagdiriwang ang kanilang 5th anniversary bilang magdyowa noong July 3, at may caption na: “Happy 5th anniversary, mahal ko!


“Mula sa palitan ng mga matatamis na salita papunta sa mga matatamis mong labi, sa mga yakap mong hinahanap ko palagi. Sa presensya mong nakakahawa ng saya at pagmamahal mong walang katumbas. 


“Dati sa cellphone lang kita nakakausap at nakikita, ngayon araw-araw na tayong magkasama (teary-eyed emoji). Thank you, G!


“Lord God, marami pong salamat sa regalo N’yong anghel na nagsilbing gabay para matuto, maging mabuti, magmahal, at higit sa lahat mas mapalapit SA ‘YO. Aalagaan, mamahalin at poprotektahan ko po ang lahat ng ito. Grateful and thankful po ako sa mga challenges and blessings na ibinibigay N’yo po para mas patatagin at mas mahalin pa namin ng husto ang isa’t isa.


“Muli, maligayang anibersaryo sa atin mahal ko. Mahal na mahal kita. – DADA.”



Piktyur nila kasama si Vic, ipinost sa socmed… 

CONEY, PROUD NA PROUD SA PAGIGING MAYOR NI VICO





Sa social media post ng veteran actress na si Coney Reyes ay nagbahagi siya ng larawan niya kasama ang anak na mayor ng Pasig na si Vico Sotto at ang ama nito na si Vic Sotto. 


Aniya, “Full support for our son @vicosotto always. Now on his third and last term as Mayor of the City of Pasig.


“God bless you, son, and grant you everything you would need to accomplish that which He has called you to do in the City of Pasig! #ThankYouLord #GlorytoGod #Grateful #GodblessPasigCity #GodblessThePhilippines.”


Samantala, makikita sa mukha ng aktres habang nakatitig sa anak na si Mayor Vico ang pagmamahal at buong suporta at saya sa oath-taking ceremony ng anak bilang re-electionist.


Ginanap ang event sa tent area ng temporary Pasig City Hall sa Bridgetown sa Rosario, Pasig City noong Lunes ng umaga, June 30, 2025.


Congratulations, Coney and Bossing Vic dahil sobra kayong pinagpala na magkaroon ng anak na tulad ni Yorme Vico.



HINARAP ng ‘Big 4’ Duos ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition ang isa sa pinakamalalaking personalidad sa showbiz — ang Asia’s King of Talk, Boy Abunda.


Sinimulan nila ang usapan sa Fast Talk Duo Edition (FTDE), kung saan diretsahang sinagot ng bawat housemate ang mga maaanghang na tanong ni Tito Boy. 


Kasunod nito ay ang Duo Duelos, kung saan bawat duo ay humarap sa mga tanong tungkol sa isa’t isa — mas personal, mas matapang, at mas totoo.


Sa pagpapatuloy ng Duo Duelos, inilahad ng ‘Big 4’ Duos ang kanilang mga opinyon, pero sa pagkakataong ito, sila naman ang makakarinig ng opinyon ng taumbayan tungkol sa kanila.


‘Yun lang and I thank you.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 3, 2025



Photo: Robin Padilla - FB


Sampal sa mga bashers ni Senador Robin Padilla ang mga top priority bills niya para sa 20th Congress. Mga panukalang batas na layuning magbigay-katarungan, pag-asa at respeto para sa lahat.


Para sa mas pantay na lipunan, mas maayos na kabuhayan, at gobyernong may malasakit sa bawat Pilipino, kabilang sa mga pangunahing panukala ni Sen. Robin ang pag-amyenda sa Indigenous Peoples Rights Act, pagkakaroon ng unified halal certification, pagtatayo ng Muslim prayer rooms, P150 dagdag sa daily minimum wage, at ang pagbuwag sa travel tax.


Kasama rin dito ang pagsasabatas ng medical cannabis, dissolution of marriage, pag-amyenda sa Early Years Act, pagtatayo ng nursing homes para sa mga senior citizens, at ang panukalang anti-political dynasty.

Maisakatuparan kaya? Abangan…


Naging sentimental ang batikang aktor na si Aga Muhlach nang magbahagi ng mensahe para sa nag-iisang anak na babae na si Atasha Muhlach na ngayon ay isa na ring magaling na aktres at TV host ng Eat…Bulaga! (EB!).


Kamakailan lang ay ipinalabas ng Viva One ang official trailer ng Bad Genius: The Series (BGTS). Marami ang humanga sa galing sa pag-arte ni Atasha, at hindi na rin naman nagtaka si yours truly dahil nasa lahi na nito ang mga magagaling na artista tulad ng lola niyang si Amalia Fuentes (RIP), Niño Muhlach na tito niya, at ang mga magulang niya na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.


Sa Instagram (IG) post ni Aga ay nagbahagi siya ng video clips na nagpapakita ng husay sa pag-arte ng kanyang one and only daughter at may caption na: “To my one and only daughter, I can’t believe that you are now in your 1st acting job.


“Can’t help but be a little sentimental. I know all the hard work you have poured in from the day you started in Eat…Bulaga! with all your dance prods and doing a daily show ain’t no joke. But you did it.


“And that’s because you really wanted to. Take a bow. Sa Dabarkads, maraming salamat for the love you’ve shown my daughter.


“Yes, she’s very special to me (I’m sure all the dads out there, moms too, of course, will understand what I’m trying to point out). Ngayon naman here you are on your latest project and let me tell you @atashamuhlach_ how proud I am of you! You know that! Eto lang... Basta just keep giving your all in every project you do.


“Magaling ka man o hindi, magustuhan nila o hindi, okey lang ‘yan as long as you know in your heart you gave it your all. Like what I always say... just do good work and be kind to all the people you work with lalo na to all your supporters! Mahaba pa ang lalakbayin mo at ni Andres @aagupy - but what’s important is you’re both in and working already. Proud of you both.


“Good luck and kapit lang. It can get rough. But God’s got your backs. Have fun! Congratulations!!! Your proud dad here.”


Marami namang netizens ang nag-comment at pinusuan ang mensahe ni Aga at isa na nga rito ang multi-awarded actress na si Sylvia Sanchez.

Sey ni Sylvia, “Nakaka-proud mga anak mo @agamuhlach317.”

Job well done, Atasha, and congratulations!



SAMANTALA, kinilala ang mga programang MathDali Grade 1 (MG1) at Wow Bukidnon (WB) ng Knowledge Channel Foundation, Inc. (KCFI) sa 28th KBP Golden Dove Awards ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).


Itinanghal na Best Children’s Program ang MGI, habang pinangalanang Best Culture and Arts Program naman ang WB.


Nagpasalamat si KCFI President at Executive Director Rina Lopez sa natanggap na pagkilala at muling iginiit ang layunin ng foundation na palakasin ang epektibo at makabuluhang mga programang ginagawa nila para sa kabataang Pilipino.


Hatid ng MG1 ni Kapamilya host Robi Domingo ang mas pinasayang pag-aaral ng Math ng mga chikiting.


Katuwang ang BDO Foundation at Huawei Philippines, naglabas ang Knowledge Channel ng karagdagang 10 episodes na layuning tulungan ang mga mag-aaral sa Grade 1 na mas maintindihan ang mga aralin at konsepto sa Math.

‘Yun lang and I thank you.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 2, 2025



Photo: Kaila Estrada - IG


Dumating na ang araw na kinatatakutan ng isa sa mga cast ng Incognito na si Kaila Estrada.


Sa Facebook post ng aktres, nagbahagi ito ng larawan nila ng kanyang alagang aso na si Sansa na magkatabi sa kama. Ibinahagi niya rin ang lungkot ng pagkamatay ng mahal niyang alaga.


Pahayag ni Kaila, “I have been dreading this day and now it has come.


“I miss the times you would sleep beside me on my bed and not leave me any space. I miss when you learned how to open the door in the middle of the night and never learned how to close it so we would have to close the door for you. I miss when you would steal food from the table, especially when the ulam was chicken. Your favorite.


“But most of all, I’m going to miss seeing your sweet face light up whenever I come home.

“Thank you for everything, Sansa. I love you. I hope you get to have all the roast chickens you want up there (white heart & angel emoji).”


Marami rin ang nagpahayag ng pakikiramay sa pagpanaw ng kanyang alagang aso.

Run free, Sansa.



SIKSIK, liglig sa katatawanan at excitement ang naramdaman ng mga netizens sa pilot weekend ng ikalawang season ng Rainbow Rumble (RR), kung saan naglaro ang LGBTQIA+ achievers na sina Jervi Wrightson, Sassa Gurl, Iyah Mina, Marina Summers at Vice Ganda noong Sabado (Hunyo 28), at Sins of the Father (SOTF) stars na sina Gerald Anderson, Jessy Mendiola, RK Bagatsing, JC de Vera at Jerald Napoles noong Linggo (Hunyo 29).


Pinag-usapan at nag-trending ang pagbabalik ng game show lalo na’t nami-miss nila ang galing sa pagho-host ng “Rumble Master” na si Luis Manzano.


Pinusuan din ng manonood ang naging kuwelang paglalaro nina Jervi, Sassa, Iyah, Marina at Vice sa elimination round na Rally to the Top kung saan nanguna ang Filipino drag performer na si Marina.


Komento ni Jhayvot G, “Riot ng tandem nina Meme, Luis at Iyah Mina.”

Hindi naging madali ang pag-akyat niya sa tuktok, lalo pa’t nagsalitan sila nina Vice at Jervi sa pagsagot ng tama sa mga tanong ni Luis. Ngunit hindi naman nagwagi ang Drag Race PH runner-up sa pagkuha ng lahat ng kulay sa DRM para manalo ng P1 million pesos. Nag-uwi siya ng P85,000 thousand.


Katulad ng first episode, kinagiliwan din ng manonood ang paglalaro nina Gerald, Jessy, RK, JC, at Jerald. Naging mahigpit din ang naging labanan sa unang round, lalo pa’t napupuntirya ang asawa ni Luis na si Jessy sa kanyang tile at palaging nahahamon sa tile breaker. 


Sa huli, napagtagumpayan ni JC na manguna sa elimination round matapos niyang makuha ang “lucky tile” at patuloy na sumagot nang tama sa tanong ni Luis. 


Pagdating sa Rainbow Reveal, kinulang din si JC ng oras para kunin ang huling kulay sa DRM. Nakakuha naman siya ng P100,000.


Patuloy na panoorin ang pinakamakulay na game show ng bansa na RR tuwing 6:15 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at iWant.



MARAMI ang nag-react sa viral video ni Paul Salas na nangyari sa isang event sa Brooke’s Point, Palawan.


Sa video clip na in-upload ni Shamel Ledesma Aguirre ay makikita na habang kumakanta ang aktor ay bigla na lang humila ito ng silya at hindi naman napansin ng isang babae na wala na pala siyang uupuan, kaya pag-upo ni ate girl ay bumagsak siya sa semento. 


Ang siste, kilig na kilig pa naman ang naturang girl sa pagyakap kay Paul kaya hindi napansin na nahila ng idol niya ang upuan.


Sa Facebook (FB) page ni Paul ay nagsalita na siya tungkol sa nangyari sa event.

Aniya, “Hindi naman kasi sa akin ang upuan. Kuha ako nang kuha, pasensiya minamahal kong binibini at hindi ko napansin, eh, upuan mo pala ‘yun. Bawi ako sa ‘yo, I love you!!! Mabuti at okey ka. At sana, nag-enjoy ang lahat ng taga-Brookes Point Palawan. Love you guys!!”


Comment ng mga netizens… “Hindi naman talaga sadya. Nagkataon lang na sakto ‘yung sabay ng hila n’ya, s’ya namang diretsong upo ni ate na ‘di na tumingin sa upuan n’ya. So, sino sa kanila ang may kasalanan?”


“Nakakayakap ka kay Paul Salas, pero ang sakit ng balakang mo pag-uwi mo!”

Meron ding nagpaalala na minsan, ang mga fangirl moments ay may kahihinatnan ding pananakit ng katawan.


Kaya may paalala si Paul Salas sa FB page niya, “Be care-Paul, baka ma-fall.”

‘Yun lang and I thank you.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page