top of page
Search

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | July 08, 2021



'Niwey, isa si yours truly sa mga nagagalak na finally ay nakamtan na ni Senator Bong Revilla, Jr. ang hustisya sa Sandiganbayan.


The following ay ang statement ni Sen. Bong na nai-post sa Facebook page nito and here it goes….


"THANK YOU LORD GOD!


"After eight long years, nangibabaw nang tuluyan ang Iyong hustisya!

"Maraming salamat din po sa lahat ng patuloy na nagmahal, nanalangin, at nagbigay ng kanilang tiwala at suporta. Thank you to my family who are always by my side, and everyone who were on the side of truth.


"The Sandiganbayan, by granting our Demurrer to Evidence and dismissing all the charges against me, validates what we have known from the very beginning - that all the accusations against me have no basis and any leg to stand on. Nakita po ng Korte na walang basehan ang mga akusasyon sa akin. Hindi ko na nga kinailangan pang depensahan ang aking sarili at magbigay ng aming ebidensiya. Sa mga isinumite pa lamang ng prosekusyon ay wala silang napatunayan.


"I am not, and never have been involved in graft and corruption. This is the reason why I did not run; I did not hide; and did not evade the judicial system. I put my trust and my life in our Courts.


"I faced everything head on. Sa kabila ng pagwasak sa aking pangalan at pagkatao, hinarap kong lahat ng buong-buo dahil alam kong hindi mababago ang katotohanang ako ay naging biktima lamang ng masamang pulitika.

"The truth has come out. Now, I can move forward to serving our nation and our people even further, free of this nuisance."


Yo! Congrats and may your tribe increase, Senator Bong Revilla, Jr.!


Wish lang ni yours truly, this coming 2022 elections ay tumakbo kang presidente ng bansang 'Pinas para BONG… as in BONG–GA ANG MAGIGING EKONOMIYA NG ATING BANSA AT NG MAMAMAYANG PILIPINO!


'Yun lang and I thank you.

 
 

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | June 24, 2021




Masasabi naming isa ang aktres na si Ara Mina sa mga bukod na pinagpala sa babaeng lahat.


Why, oh, why?


Kung tama ang impormasyon na nakarating sa amin, jackpot si Ara sa lalaking nagmamahal sa kanya ngayon, walang iba kundi ang president and CEO ng Philippine International Trading Corporation (PITC) na si Dave Almarinez, dahil multi-billionaire raw ito!


Oh, ha?!!!


Kunsabagay, hindi naman kataka-takang suwertehin si Ara dahil malaki rin naman ang pu… so nito lalo na sa pagtulong sa kapwa.


Devah nga, pinatira pa niya nang libre noon ang dating aktres na si Deborah Sun sa kanyang condo dahil naawa siya rito?


Tapos, binigyan din niya ng karu (read: car) ang kanyang publicist-writer friend.


At devah, nu'ng kalakasan ng kita ni Ara sa showbiz, siya rin ang halos tumayong breadwinner sa pamilya nila.


Kaya deserve naman niya kung naka-jackpot man siya ngayon kay Dave, 'no?


Last April 28 ang unang napabalitang altar date ng celebrity couple. Ngunit naudlot ito dahil diumano sa pagtaas ng COVID-19 cases na naging dahilan para isailalim sa stricter community quarantine ang National Capital Region.


Hanggang ngayon, tikom pa rin ang bibig ng dalawa hinggil sa wedding date nila.


Pero how true kaya ang tsikang ibinulong sa amin ng isang close sa dyowa ni Ara na kasal na ang dalawa at ayaw pa lang isapubliko dahil 'yun daw ang request ni Dave?


Mukhang gugulatin na naman nila ang kanilang mga fans hinggil sa kanilang wedding.

Matatandaan na ganito rin ang ginawa nila nang sinorpresa nila ang public sa kanilang engagement proposal last January 12.


Pero base sa caption na nakalagay sa isang IG post ni Dave, para namang hindi pa sila kasal ni Ara.


"I can't wait for the day I will call you my wife," caption ng picture nila ni Ara habang parehong nakasuot ng puting damit.


Huwwoww, how sweet naman!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page