top of page
Search

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | July 26, 2021



Sa virtual mediacon ng GMA-7’s newest teleseryeng Nagbabagang Luha ay co-stars nina Rayver Cruz, Glaiza de Castro, Mike Tan, Myrtle Sarrosa at Claire Castro ang dalawang veteran stars na pareho na ring nagdidirek ngayon na sina Gina Alajar at Ricky Davao.


Ang role rito nina Gina at Ricky ay tipong overprotective parents lalo na when it comes to love matters.


Natanong ni yours truly sina Gina at Ricky kung in real life ba ay naging overprotective sila sa kanilang mga anak nang ang mga ito ay natututo nang magmahal at umibig?


“Ay, ako… I would say na overprotective ako sa mga anak kong lalaki lalo na when they were growing up. Kasi ang fear ko nu’n, kasi mga lalaki, parang laging takaw-away, especially nu’ng teen-agers na sila at they were starting to go out na at natututo nang uminom sa mga bars, may mga barkada na, lumalabas lagi. So, parang feeling ko, laging malapit sila sa away.


“There were times na hindi ko sila pinapayagan. There were times na nagpapaalam pa sila pero sabi ko ‘No, no, no. Huwag na kayong umalis, kinakabahan ako na something might happen.’ ‘Yung mga ganyan. But you know at that time, I was living in fear para sa kanila… It wasn’t healthy also. Hindi maganda.


“So, dumating sa punto na may nag-advise sa akin na ‘No, kailangan mo rin naman silang payagan. Kailangan mo ring payagan na mag-explore ng sarili nilang mundo. So, what you’re gonna do, you just pray na sana, walang mangyari sa kanila and God will protect them wherever they are, wherever they go na mapo-protect sila sa gulo sa lahat ng pagkakataon.’


“You know, I live with that advice and so far, so good naman. Hindi ko nababalitaan na na-involve sa away ang mga anak ko or meron silang ginulpi o sila ang nagulpi. Mabait ang Panginoon, inalagaan naman sila,” ang mahabang pahayag ni Direk Gina tungkol sa mga anak niyang sina Geoff, Ryan and AJ Eigenmann sa kanyang ex-husband na si Michael de Mesa.


Ang sagot naman ni Direk Ricky, “Ako, mahigpit ako na magulang, eh. Overprotective rin ako sa mga anak ko.


“Minsan nga, iniisip ko na baka dapat nga, nu’ng mas bata-bata sila, pinayagan ko silang lumabas, eh. Pero ang hirap kasi, alam naman natin ngayon na ang buhay ay mahirap, kaya ako masyadong protective sa kanila.


“When it comes to love naman, ina-advise ko lang sila, pinababayaan ko. Siyempre, ‘pag nahe-hurt sila, nahe-hurt din ako.


“But you know, hindi natin mako-control lahat ‘yan, eh. Tama ‘yung sinabi ni Gina na ‘pag sobrang higpit ka sa mga anak, masasakal sila. ‘Pag sobrang luwag naman, wala, medyo delikado. Kaya ‘yung tama lang. Iniintindi ko rin sila, ‘yung feelings nila, kasi siyempre, ibang generation na sila, iniintindi ko kung what makes them happy.”


Very well said, Direk Gina and Direk Ricky.


Minsan talaga, need ng mga parents na maging protective sa kanilang mga dyunakis habang lumalaki at nagiging mga teen-agers na at tipong may mga barkada o katropa na.


‘Yun nga lang, dapat, huwag namang overprotective para hindi magrebelde ang mga dyunakis, ‘ika nga.


Kaya ikaw, Ateng Janiz, huwag maging overprotective sa only son mong si JDEN, ha?

‘Yun na!


O, siya, huwag kaligtaang subaybayan ang teleseryeng Nagbabagang Luha na malapit nang mapanood sa Kapuso Network na kundi nagkakamali si yours truly ay tipong pinatulan dito ni Rayver ang sister ng dyowa niyang si Glaiza played by Claire.


Tatanungin sana ni yours truly ang tatlo kung in real life ba ay naging two-timer lovers sila at natuksong pumatol sa kapatid ng dyowa nila or maski na kadugo ng dyowa nila, kaso sa tagal ng virtual preskon na tipong umabot ata ng more than 3 hours ay bigla tuloy naging weak ang aming internet connection.


Wait ko na lang kapag hindi na pandemic at ask ko na lang sila ‘pag pinayagan na ang press set visit, okidoki?


‘Yun lang and I thank you.

 
 

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | July 21, 2021



Sa digital mediacon ng Vivamax film titled The Other Wife na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Joem Bascon at Rhen Escano sa direction ni Direk Prime Cruz ay natanong ni yours truly ang mga said celebs ng “Nakakabaliw ba ang umibig at magmahal nang wagas, dalisay at sobra-sobra?”


And the following ay ang kanilang naging kasagutan…


“Ah, siguro po…opo…kasi bilang tao, mararamdaman natin minsan or mare-realize natin minsan na marami tayong pagkakamali pagdating sa love and I guess, 'yun 'yung nakakabaliw na part at na-realize natin eventually na may mga mali tayong nagawa.


“Pero at the same time, masarap din naman pong mabaliw sa pag-ibig, eh. Pero in a good way…sa tamang paraan… sa tamang tao… So, kung mararanasan mo sa buhay na nagpakabaliw ka sa love…nagkamali at umibig ka nang sobra at nabaliw ka, at least, mapi-feel mo talaga na tao ka. At para sa akin, wala naman pong masama ru'n,” ang katwiran nitong si Rhen na ang role sa The Other Wife ay bilang si Luisa na naging kababata ni Joem bilang si Ronnie na dyowa or husband ni Lovi Poe as Janis (hindi po Navida, charrrr, hahaha!), na nagbakasyon sa isang beach house na wala sa isip nito na darating din du'n si Rhen and boom, du'n na magsisimula ang mga nakakabaliw nilang eksena na may kinalaman of course sa pag-ibig.


'Yun na!


“Ako…para sa akin, nakakabaliw po talaga ang magmahal nang sobra. Pero masarap po kasi 'yung mga… masarap 'yung experience, kasi ang dami mong matututunan.


“Siguro, kapag nagma-mature ka na or nagkakaedad ka na, masarap 'yung experience na alam mo 'yun, napagdaanan mo siya, tapos matatandaan mo 'Ay, eto 'yung mga pinaggagagawa ko nu'ng sobrang baliw na baliw ako sa dati kong partner.' So I guess, negative or positive man 'yung nagawa mo 'pag in time looking back, masasabi mo sa sarili mo na…at least, parang ang dami mong crazy things na nagawa nu’ng umibig at nagmahal ka nang sobra.


“And I think, it’s worth the experience. 'Yung mabaliw ka kapag nagmamahal ka nang sobra,” masayang katwiran naman ni Joem.


Si Lovi naman, “ Ahh, it’s like what Rhen and Joem said… it happened, 'di ba? Sometimes you really fall in love pero may positive saka negative side naman po 'yun.


“Usually, it’s nice to be crazy in love but sa tamang tao. I mean, there are some kinds of crazy in love and dapat, not on a negative side. 'Yun po. Exactly lang 'yung mga sinabi nina Rhen at Joem,” sey ni Lovi.


And Direk Prime?


“Ako po, parang sa paggawa lang ng pelikula 'yan, eh. If it doesn’t meant for you, not meant to be.”


Ah, ok. 'Niwey natanong uli ni yours truly si Rhen Escano ng… “Nasabi mo kanina, Rhen, na sa love, may mga dapat isakripisyo. Now do you believe in the saying that (FYI lang po, itong tanong na itey, naging curious noon si Kris Aquino nang minsan sa isang preskon nila ni Kuya Boy Abunda sa Kapamilya Network ay naitanong ko sa kanila and after the preskon ay ipinatawag pa ako ni Krissy at tinanong kung saan ko raw nakuha ang ganitong tanong at tipong nalurkey si Krissy nang sabihin ni yours truly na sa larong TONG-ITS…insert smiley, ☺!) SACRIFICE IS THE KEY TO PARADISE?


“Hahaha! Depende po siguro sa tao, Tita. Pero para po sa akin kasi, du'n ko po napapatunayan 'pag nagmamahal po ako nang totoo or nang sobra, kailangan, may i-sacrifice ka. Hahaha! 'Di ko po alam kung nasagot ko nang tama ang tanong n'yo (with matching smiley face)."


Well, marahil nga, kung minsan, tipong nakakabaliw ang umibig at magmahal nang sobra-sobra lalo na at may saying pa in English only, please that goes… "Anything that is too much is dangerous.”


Pak and swak, devah naman, mga nabaliw na lovers diyan?


If you agree, then spin a win. Insert smiley, ☺!


One thing more, sa trailer pa lang ng The Other Wife ay nakakabaliw na kasi biglang naging suspense thriller.


Boom! 'Yun na! 'Yun lang and I thank you.

 
 

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | July 16, 2021




Fresh na fresh ngayon ang beauty ni Korina Sanchez-Roxas. Tipong ang trip daw nito ay maging feel young and looking young kahit na umabot pa siya ng 102 years old, alang-alang sa kanyang mga anak daw, ayon sa isang pipol in the know.


Pero ayon naman sa isang reliable source, dahil daw ito sa extracorporeal blood oxygenation and ozonation (EBOO) na ineendorso niya ngayon.


Ipinakita ng batikang broadcast journalist ang EBOO procedure sa kanyang programang Rated Korina last July 4. Sa kanyang Facebook post, ibinida niya ito, "The EBOO machine cleans, sanitizes, oxygenates and ozonates your blood in less than an hour."


Ngunit umani ito ng batikos mula sa ilang netizens.


Komento ng isang netizen, "If your liver, lungs and kidneys work, you don't need this (EBOO)."


'Yung iba naman, sinasabi na wala pang gaanong research at studies ukol dito.


Kaya, binanatan itong si Korina na nagpo-promote raw ng isang non-essential na medical procedure.


Kaugnay nito, nadamay tuloy sa kontrobersiya itong si Dr. Joel Lopez na nagsagawa ng EBOO procedure kay Korina.


Sa aming panayam kay Dr. Lopez, nilinaw niya na popular at tested ang medical procedure na ito sa Europe at Amerika.


Ilan sa mga bansang active sa medical ozone therapy ay Russia, Greece, Israel, Japan, Malaysia, Mexico at iba pa.


Dagdag pa ni doc, maraming health benefits ito gaya ng anti-aging, nagpapalakas ng immune system, nagbabawas ng level of acidity sa katawan at iba pa.


Timing ito lalo na't makakatulong sa pagpapalakas ng immune system na pangontra sa COVID-19.


Si Dr. Lopez ay isang US-trained Integrative Medicine Physician at Certified Nutrition Specialist. Ilan sa kanyang mga pasyente ay sina Steven Seagal, Channing Tatum at iba pang celebrities.


At dito sa 'Pinas, sinu-sino kaya ang mga celebrities na pasyente ni Doc bukod kay Korina?


Si Doc Lopez ba ang pinasasalamatan na dok ni Korina kung bakit fresh na fresh ang beauty niya ngayon? Na puwedeng lagyan ng background music ni Barbra Streisand na may lyrics that goes…. "Love ageless and evergreen, seldom seen by two”? Insert smiley, ☺!


Kasi sa interview namin dito kay Dr. Joel Lopez ay natanong itey ni yours truly kung siya ba ay single pa or taken na?


“Single pa and ready to mingle.. hhahaa…haa..ha!” sagot nito with matching halakhak.

'Yun na!


But no worries, Sen. Mar Roxas na mister ni Korina in real life, hindi po si Korina ang tinutukoy niya na ready siya to mingle.


'Yun lang and I thank you.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page