top of page
Search

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | August 10, 2021



Tipong ang 2021 ang taon para sa#KimJe 'coz ang real-life couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles ay magtatambal para sa kanilang second movie this pandemic year titled Ikaw at Ako at Ang Ending sa direction ni Irene Emma Villamor na nakilala sa maraming pelikulang nagawa niya kabilang na ang Camp Sawi.


Ang playdate or streaming ng said Vivamax movie ay this coming August 13, 2021, na second birthday ni yours truly, wa' kiyems, pero isang beses lang po akong ipinanganak, ha? 'Yun na, hahaha!


FYI lang, nu’ng bagets pa si yours truly, sabi ng lola ko, August 13 ang birthday ko, so hanggang college days, 'yun ang isine-celebrate ko. Pero nang pumasok na ako sa showbiz nu'ng dekada '70 ay nadiskubre ko na July 11 pala ang real birthday ko. So, 'yun na!


Talaga raw may singit pang throwback si yours truly, oh, insert smiley, ☺!


'Niwey, sa virtual mediacon ng Ikaw at Ako at Ang Ending ay natanong ni yours truly sina Kim at Jerald ng… “Kim at Jerald, paano nag-start ang inyong love relationship at naging very smooth ba ang ending?


“At ikaw ba, Jerald, masarap ba si Kim…as in masarap bang magmahal at mahalin? 'Yan, ha, no malice meant, 'noh?”


“Hahaha! Bitin 'yung masarap, hahaha! Opo, nag-start po kami sa Rock of Aegis noon. Du'n kami nag-start sa second run po, kailangan pa ng isang alternate para kay Hazel Santos at nakita ko si Kim na kinuha rin ng production. At mula po noon, sinipat-sipat ko na siya (at this point, kinilig si Kim with matching halakhak on the side) at tiningnan ko kung bull's eye…


"Ayun, bull's eye nga, Tita! Naging kami na. At tipong naging smooth naman ang aming pagsasama, although 'di naman mawawala 'yung tampuhan, selosan, argumento paminsan-minsan.


“Sa tanong mo naman, Tita, kung masarap ba si Kim, ay, masarap po si Kim sa lahat ng aspeto (kilig to the max na naman itong si Kim sa sinabi ng partner niya in real life, sa true lang).”


"Eh, ikaw naman, Kim, masarap ba naman si Jerald?" buweltang tanong namin sa aktres.


“Ay, opo… Kaya nga po tumagal kami ng 7 years, masarap po siya… magmahal," pabitin niyang sagot na 'di nawawala ang smile sa kanyang fezlak, in pernes.


Sa pagsasama n'yo bilang parang mag-asawa na (take note, magka-live-in po sila), wala pa ba kayong balak magkaanak?


Ang mabilis na sagot ni Kim ay, “Ay, may anak na po kami… kaka-graduate pa lang niya. Si Onan Molina Napoles, isa po siyang aso, Tita, aso po, hahaha!”


Sa palagay n'yo ba, magiging maganda ang inyong ending na dalawa as a real-life couple?


“I think, wala po kaming ending. Maalaga po siya sa akin,” sey ni Kim na sinang-ayunan naman ni Jerald na tipong ngiting-ngiti.


Talaga?! Wala kayong ending as a real-life couple? Kahit na maraming naggagandahang tukso sa showbiz?


“Hindi po. Hindi po. Loyal 'yan sa akin, hahaha!” sey ni Kim.


Maski ikaw, Kim, hindi ka natutukso sa iba 'coz sabi nga, hindi lang marami ang naggagandahang aktres kundi ang dami ring guwapong aktor, sa true lang, 'di ba?


“Ay, hindi po. Hindi po talaga.”


“Kumbaga sa ECQ ngayon, may tiny bubbles sila. Ibang bubble kami. Hahaha!” natatawang sey naman ni Jerald na malakas ding ikinatawa ni Kim.


Well, good luck to both of you, Kim and Jerald Napoles.


Harinawa nga ay walang ending ang smooth n'yong pagsasama bilang real-life couple kahit aso pa lang ang dyunak n'yo. Insert smiley, ☺!


And for sure, marami rin ang masosorpresa sa kakaibang Kim Molina at Jerald Napoles na mapapanood dito sa Vivamax film na Ikaw at Ako at Ang Ending dahil sabi nga ni Direk Irene Emma Villamor ay ibang klaseng pag-arte ang kanilang ipapakita rito bukod pa sa kanilang pagpapatawa kung saan mas nakilala sila ng madlang pipol.


So, please do watch them sa Ikaw at Ako at Ang Ending ng Vivamax globally streaming this coming August 13, 2021 to be exact, okidoki?


'Yun lang and I thank you.

 
 

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | August 05, 2021




Uuuy, tipong may something special going on between Alden Richards at Jasmine Curtis while taping The World Between Us ng Kapuso Network, lalo na't locked-in taping nga sila now.


Kasi, sa ilang interview ng movie press kay Jasmine ay inamin niya na may kilig factor siyang nararamdaman as Lia kapag magkaeksena sila ni Alden as Louie.


“Nandoon na kami, nakuha na namin, and ako, I’m very comfortable. Nae-enjoy ko 'yung kilig every time we’re on that scene, and I’m glad that’s with Alden. There’s so much trust there talaga.”


Pagbabalik-tanaw ni Jasmine, “Alden and I kasi, we met way, way back. Like 10 years ago when we were both starting in the industry and we’re both still building our confidence, our core here.


“We’re still there, we’re still continuously building that.


“Pero what I can say naman, every time na nagkakaroon kami ng encounter sa isa’t isa, whether or not may problem, nakikita mo 'yung lalim, 'yung depth ng napuntahan ng isa’t isa.


"Kasi years din minsan ang pagitan ng work namin or encounter lang sa isang event.


“But then, the experiences na nae-encounter namin individually, kapag nagkita ulit kami, you can see that there’s something different with the person.


“Hindi mo naman mapi-pinpoint 'yun. I don’t think I can really find what it is that he’s grown into or what really changed.


"But you know, as a professional, definitely you see the big shift, how he’s shifted trajectory or how it made him the actor that he is now.


“Ako, with the last two projects that we worked on together, now is the only time that I really get to dive in, 'yung depth na 'yun. Kasi ngayon lang din kami magkakaroon ng panahon para i-explore 'yun together.”


Para kay Jasmine, kung ano ang takbo ng karakter nila ni Alden sa serye, ganu'n din ang takbo ng friendship nila sa totoong buhay.


Aniya, “'Yung growth ng characters namin dito, parang ganoon din 'yung growth ng friendship namin, 'yung connection namin sa isa’t isa.


“Meron din siyang napupuntahang depth and meron din siyang learning along the way about each other."


At habang nasa locked-in taping, nagkaroon nga raw sila ng chance ni Alden na makapag-usap at higit na makilala ang isa't isa.


"May mga kuwentuhan on the side that we can have a chance to really get to know each other personally more. Because we have the chance now.


“You cannot put a number on how much we’ve improved. All I can say is there’s always something stronger when we get to connect with each other every time na magkakatrabaho kami. And I hope that’s something na makikita n'yo po rito as Louie and Lia.”


Naniniwala si Jasmine na sa kabila ng ilang komento o maaaring disgusto ng iba dahil may kani-kanyang idolo o pinapaborang love team, bilang mga artista sila ni Alden, kailangan nilang isantabi ang anumang personal na meron sila.


"Nara-ride ko na 'yung wave naming dalawa ni Alden. We got that kilig going on and alam na namin paano i-let out 'yung kilig na 'yun and ma-reach 'yun personally and professionally,” ang mahaba-habang tsika nitong si Jasmine.


So, ano'ng sey mo, Alden Richards?


Si Jasmine Curtis na ba ang sinabi mo kay yours truly nu’ng wala pang pandemic na meron nang nagpapatibok ng iyong puso dahil nasa tamang edad ka na to fall in love and perhaps to get married?


Well… well lang daw, oh!


Abangan na lang natin kung meant to be sa isa't isa sina Alden at Jasmine sooner than soon.


'Yun lang and I thank you.

 
 

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | August 04, 2021



Si AJ Raval ang sinasabing bagong Rosanna Roces o bagong Pantasya ng Bayan!


Yessss, dahil ito sa pelikula ng Vivamax Films titled TAYA kung saan kayrami niyang daring and sexy scenes with one of the Macho Dancers lead cast na si Sean de Guzman.


Tuloy, sa said movie ay naadik si Sean kay AJ Raval, na ang gusto ay laging "eng-engen" si AJ.


If you'll gonna ask ano ba ang istorya ng Taya, or in "English only, please" ay bet ('wag na lang lagyan ng word na LOG, ha?), ito ay tungkol kay Sean as Sixto, isang Journalism student na nakadiskubre na ang babaeng lagi niyang pinagpapantasyahan ay isa sa mga premyo ng isang online gaming.


Lagi siyang tumataya sa laro at masuwerteng nananalo naman ang damungkang.


Pero isang beses ay nagkamali siya sa pagtaya at ang kanyang natayaan ay isang babaeng named Nanette played by AJ Raval at pagkatapos ng kanilang sexual intercourse, ayun, naadik na si Sean kay AJ at nangako ito na babawiin niya si AJ sa isang sindikato ng mga bet…. log. Insert smiley, ☺.


Sa virtual mediacon ng Taya ay nasabi nitong si AJ Raval (anak po siya in real life ng dating action star na si Jeric Raval, if you care to know) na nagkaroon siya ng boyfriend noon na naging sugapa sa sugal.


Siya raw ang na-stress nang todo dahil sa sugal ay nagkabaun-baon daw sa utang ang boyfriend niya at siya ang nagbayad.


“Kaya gusto kong ipanood itong Taya sa lahat, lalo na sa kanya, para matutunan niya na 'wag maging sugapa sa lahat ng bagay dahil lahat ng sobra ay masama,” added na sey niya.

But in love, handa naman daw siyang sumugal.


“Feeling ko naman kasi, lahat sumusugal sa pag-ibig,” katwiran pa niya.


Hmmm… may sense at may point siya, ha?


Halos lahat naman ng nainlabey, na-experience itey, sa true lang, and in pernes, 'noh?


Taya will be streamed on Vivamax starting August 27 sa direction ni Roman Perez, Jr. at isinulat ni John Carlo Pacala na naging 2018 Cinemalaya Best Screenwriter.


Hay naku, dami nang online gaming sa mga socmed na puwede kang mamuhunan at tumaya tulad ng tong-its, pusoy, axie, etc.


Kaya lang, ingatz, ingatz… maging alisto at alamin kung hindi ba ito controlled by syndicates or scammers.


FYI lang, ang dalawang pinsan ni yours truly ay namuhunan sa isang online game…'yung isa, P50 K, 'yung isa P100 K at 'yung isa naman ay naging scholar ng isang pinsan din niya na namuhunan din nang malaki at kumikita na ng 30K plus within 2 weeks lang. Kaya 'yung iba, ayaw nang magtrabaho.


O, tataya ka ba? Or in English, wanna BET, ha, LOG?


Well, it’s up to all of you. 'Yun lang and I thank you.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page