top of page
Search

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | August 14, 2021



Binantaan si Dina Bonnevie ng mga fans ni Alden Richards na itu-tweet ng mga hindi magagandang salita kung patuloy pa ring hahadlangan na ligawan ni Alden si Jasmine Curtis-Smith sa The World Between Us.


Pero dahil pumayag na si Dina B. na ligawan muli ni Alden si Jasmine ay super-palakpakan ang mga faney ng Pambansang Bae at nangunguna na nga rito ang number one faney ni Alden named #MyrtelAP.


“Kung anak ko si Jasmine at liligawan ni Alden, ipagdudukdukan ko pa talaga para maging sila. Bakit, ano ba naman ang aayawan ni Dina Bonnevie sa isang Alden Richards na super-pogi na, masipag pa at super-bait pa na talaga namang mamahalin ng kahit sino.


“At dahil tinanggap na ni Dina Bonnevie si Alden na manligaw uli kay Jasmine ay hindi na namin itutuloy, kaming mga Alden fanatics, ang pagtu-tweet kay Dina Bonnevie ng mga masasakit na salita. Aprub na kami sa kanya,” ang mahabang tsika pa ng number one faney ni Alden.


Wow, ha? Sobrang affected ang mga Alden fanatics na inaakala nilang parang totoo ang nangyayari sa mga eksena nina Alden, Jasmine at Dina sa Kapuso teleseryeng The World Between Us.


Ang role kasi ni Dina rito ay mommy dearest ni Jasmine at tutol na tutol siya sa pag-iibigan nina Alden as Louie at Jasmine as Lia nu'ng una, pero now, okay na sa kanya kasi napatunayan na ni Alden na wagas at dalisay ang kanyang pagmamahal kay Jasmine.


Huwowww, maging trulili na kaya ito in real life?


Just asking… just curious but not yellow, insert smiley, ☺!


Hmmmnnn…. another question… may konek kaya itey sa dati nilang relasyon in real life na pareho silang may kilig factor sa isa’t isa even off-cam na naisulat na ni yours truly dito sa BULGAR few days ago?


Kasi 'di naman magre-react nang husto ang kanilang mga fans lalo na ang Alden fanatics kung wala silang nai-smell na something beautiful going on sa world between Alden and Jasmine off-cam, sa true lang. Boom, 'yun na!


Tipong pabor ang Alden fanatics dito kay Jasmine Curtis-Smith at tipong accepted na nila na ang dating inirereto kay Alden na si Maine Mendoza ay belong na sa world ni Arjo Atayde.


Na puwedeng ikonek sa always saying ni yours truly that goes… "Accept things and people as they are…” and if you agree, then spin a win.


Boom, kaboom!


O, siya… 'yun lang and I thank you!

 
 

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | August 13, 2021




Eksklusibo naming nakausap si DJ Loonyo para sa launching ng kanyang second single na may titulong Kaya Natin 'To na handog niya para sa mga frontliners na isinasakripisyo ang buhay para sa kaligtasan nating lahat ngayong may covid-19 pandemic.


Timing din naman dahil muling sumailalim ang buong NCR at ibang probinsiya sa enhanced community quarantine at na-compose ni DJ Loonyo ang nasabing awitin bilang pasasalamat at pagkilala sa hirap at panganib na sinusuong ng mga frontliners para paglingkuran tayong lahat.


Dito ay pahapyaw na napag-usapan din namin ang kinauwian ng muntikan nang relasyon nila ng Kapamilya sexy actress na si Ivana Alawi.


Nagbigay-pahayag sa amin si DJ Loonyo na sa tingin naman niya, natapos sila nang maayos ni Ivana. Wala naman siyang masamang ginawa rito at wala siyang galit o anumang sama ng loob sa nangyari sa kanila.


Sa ngayon ay maligaya na sa kanyang social media influencer girlfriend si DJ Loonyo. Masayang kuwento ng dancer-choreographer, bukas palagi ang komunikasyon nila ng kasintahan at sa tuwing may trabaho siyang gagawin ay 'di siya nagkukulang na ipaliwanag at ipaintindi ito sa girlfriend.


Sa tanong namin kung nakita na ba niya sa kasalukuyang kasintahan ang babaeng gusto niyang pakasalan, ayon kay DJ Loonyo, nu'ng pumasok siya sa relasyon na ito ay ipinagdasal niya talaga ito at gagawin niya ang lahat para mangyari kung ano ang nakatakda.


Samantala, naparatangang playboy, manloloko, two-timer at paasa, aminado naman si DJ Loonyo na marami siyang nagawang 'di tama noon lalo na pagdating sa mga babae at 'di niya ito ipinagmamalaki.


Hiling lang ng social media personality-cum choreograher, sana ay bigyan siya ng pangalawang pagkakataon ng ibang tao dahil lahat naman ay puwedeng magbago at maging mas mabuting tao.


Napapanood sa show na Pop Pinoy ng TV5, hindi nagsasarado si DJ Loonyo ng pinto na maaaring pasukin din niya ang pag-arte.


Noong isang taon pa pala ay may mga alok nang natatanggap ang social media personality, pero nag-iisip pa siya noon dahil ang gusto lang muna niya ay mag-perform.


Ngayon ay ipinapaayos na ni DJ Loonyo ang schedule niya at excited siya kung matutuloy siyang umarte dahil panibago na naman itong platform para umunlad ang tulad niya.

 
 

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | August 11, 2021



Sa virtual mediacon ng indie film titled Nang Dumating si Joey (hindi po si Joey de Leon or si Joey Sarmiento, ha!) na mula sa panulat at direction ni Ms. Arlyn dela Cruz at produksiyon ni Bong Diacosta of Blank Pages Productions, ay halos pinutakti ng mga katanungan na may kinalaman sa kabadingan ang lead star nilang si Allan Paule.


In pernes, inamin naman nitong si Allan na marami na siyang gay roles na ginampanan in the past, but please, hindi raw siya bading in real life, ‘noh! At kahit may mga bading na nagpi-flirt sa kanya off-cam, never daw niyang pinatulan.


“Eh, kung si Vice Ganda ang mag-flirt at ligawan ka, lalo na at knows ng marami sa madlang pipol na mapera ‘yun, papatulan mo ba?” tanong agad dito ni yours truly.


“Ay, meron na ‘yung dyowa at siyempre, mas gusto nu’n, bata, kumpara sa edad ko ngayon,” sey niya agad.


Sa pelikulang Macho Dancer ay may eksena siyang lips-to-lips sa isa sa limang lalaking lead stars dito ni Joed Serrano of Godfather Productions.


Mas masarap bang kahalikan ang lips ng kapwa niya may “et-et” or mas type niyang kahalikan ang tunay na girlash?


“Ay, siyempre, mas masarap kahalikan ang tunay na babae,” sambit niya agad.

Why?


“Kasi dalawa ang lips ng tunay na babae,” natatawa niyang sagot.


Ay, oo nga naman!


Well, hayaan mo, Allan, ‘pag nabenta ni yours truly ang story/script ko titled Ah, Kiss Me Once… Ah, Kiss Me Twice…Ah, Kiss Me Once Again, isa ka sa mga magiging leading men at kung puwede aketch maging extra sa isa sa mga lalafangin mo, why not, chocnut?!


Charrrr lang, hahaha!


“Halos lahat ng gay films na ginawa ko ay may kissing scenes, pero dito sa Nang Dumating si Joey, wala. Pero maganda ‘yung istorya, kakaiba sa mga nagawa ko nang gay films,” added na sey pa nitong si Allan P. as in Paule po and not POKE-MON, hehehe!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page