top of page
Search

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | August 25, 2021



Tipong may bahid ng katotohanan ang naisulat namin dito sa BULGAR several days ago na talagang may kilig factor kina Jasmine Curtis-Smith at Alden Richards na magkapareha sa The World Between Us TV series of Kapuso Network.


Inihayag ni Jasmine na tumatanggi siya sa kissing scenes sa mga nakaraang proyekto niya, pero komportable raw siya sa eksena nila ni Alden Richards para sa The World Between Us.


Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa 24-Oras Weekend ng GMA News nitong Sabado, sinabing hindi pumapayag si Jasmine sa mga kissing scenes lalo kung alam niyang hindi naman kailangan.


Pero, sinabi ni Jasmine ang dahilan kung bakit napapayag siya sa eksena nila ni Alden sa kanilang series.


"Ito kasi, kailangang maipakita 'yung maturity ng characters, saka 'yung pagiging naive rin nila. Napakakomportable na ng pakikisama namin sa isa't isa," sabi ni Jasmine.


"And it came off very natural. Dahil sobrang professional ng attack niya in terms of what he wants to do sa acting niya and ganoon din ako, jive agad," dagdag pa niya.


Inaabangan ng mga viewers ngayon kung tuluyang matitiis ni Lia (Jasmine) si Louie (Alden) kahit may damdamin pa rin siya para sa binata.


So, abangan na lang natin ang mga susunod pa nilang eksena sa TWBU airing weeknights at 8 PM.

 
 

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | August 21, 2021




Wagas na pasasalamat ang inialay ni Coco Martin sa lahat ng Pilipinong nagmamahal at sumusuporta sa FPJ’s Ang Probinsyano habang pinaghahandaan niya ang makasaysayang ika-anim na taon ng serye ngayong Setyembre.


“‘Yan ang Pilipino. Marunong tumanaw ng utang na loob kung anuman ang ibinigay sa ‘yo at kung anuman ang ginawang maganda sa ‘yo. At mahirap kalimutan ‘yun. Habambuhay kong tatanawin ng utang na loob. Maraming salamat po,” pahayag ng pasasalamat ni Coco.

Inimbitahan ni Coco, na nagsisilbing isa sa mga direktor at creative head ng serye, ang mga manonood sa buong mundo na abangan ang bagong kuwento at mga bagong karakter, kung saan makakasama ang bagong leading lady niyang si Julia Montes.


“Sisiguraduhin naming mas magiging kaabang-abang, mas maganda, mas maaksiyon, mas madrama. Sisiguraduhin po namin na hindi po namin kayo bibiguin. Maraming, maraming salamat po sa lahat ng inyong suporta at pagmamahal na ibinibigay sa FPJ’s Ang Probinsyano,” sabi ni Coco.


Oo nga naman, sa loob ng anim na taon, naging makulay ang kuwento ng FPJ's Ang Probinsyano kung saan ang dami nang naging leading ladies ni Coco tulad nina Maja Salvador, Bela Padilla, Yassi Pressman at ngayon… mukhang kay Julia Montes pa rin ang huling halakhak dahil sa kanya pa rin ang bagsak ni Cardo Dalisay!


'Yun lang and I thank you.

 
 

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | August 17, 2021



Certified Mrs. Neil Arce na nga ngayon si Angel Locsin at kitang-kita naman sa mga mata ng sweet and pretty actress ang lubos na kaligayahan ngayong magsisimula na siya ng bubuoing pamilya.


Sabi ng daddy ni Angel, gusto niya na agad magkaroon ng apo kaya ang wish niya kina Angel at Neil ay magkaanak na agad.


Eh, teka lang, kumusta na kaya 'yung likod ni Angel? 'Di ba't may problema siya sa backbone kaya nga siya umatras sa Darna?


At sabi pa ng makakating dila, ito raw ang isa sa mga naging dahilan ng breakup nina Angel at Luis Manzano noon, kasi tipong hirap daw (daw, ha?) sa lovemaking at makabuo ng baby ang aktres.


Weehhh? Eh, kung kami ang tatanungin, kung talagang mahal at iniibig mo nang wagas at dalisay at kung may kapansanan man o wala ang iyong iniirog, walang makakahadlang mereseng sumasakit ang likod ng iyong ka-lovemaking 'coz ang dami namang paraan, 'no?


May saying nga na "Kapag gusto, laging may paraan, kapag ayaw, laging may dahilan."


Boom! 'Yun na!


In pernes, maganda naman ang kabuhayan nitong si Neil Arce 'coz sa pagre-research namin sa kanyang talambuhay ay napag-alaman namin na siya ay isang successful professional sa larong poker at naging champion nu'ng 2009 sa Asian Poker Tour Philippines and has more than US dollars worth 400,000 na napanalunan niya, at he is also a shareholder in one of Philippines most successful poker club named The Metro Card Club.


Aside from his poker career, naging part-time movie producer din siya tulad ng mga pelikulang 10,000 Hours in 2013 at Camp Sawi in 2016 nu'ng sila pa ni Bela Padilla ang magsyota.


Neil won an award for the Best Original Story sa Metro Manila Film Festival para sa pelikula niyang 10,000 Hours. At if we're not mistaken, sila rin ang may-ari ng Arce Ice Cream.


So, tipong magiging maganda ang buhay-mag-asawa nila ni Angel Locsin 'coz si Angel man ay may malaking kinita at naipon sa pagiging artista nito sa pelikula at telebisyon, bukod pa sa ilan nitong commercials na ginawa as product endorser.


So, kahit na may pandemic all over the world now, hindi sila magiging apektado ng financial crisis bilang mag-asawa na in real life.


Marahil nga ay sila nang dalawa ang inilaan para sa isa’t isa at harinawa, maging very smooth at successful ang kanilang pagsasama bilang husband and wife.


At sana nga, maayos na 'yung problema ni Angel sa kanyang backbone para mabigyan naman nila ng panahon ang pagkakaroon ng sarili nilang anak.


May una na kasing anak si Neil sa dati nitong nakarelasyon at present pa nga 'yung binatilyo nu'ng ikasal sina Angel at Neil sa Taguig City Hall. Kaya mukhang kasundo naman ni Angel ang kanyang stepson.


Sa ngayon, mukhang kina-career naman ni Angel ang pagda-diet dahil baka gusto na nga rin talaga niyang magka-baby lalo't pare-pareho nang may anak ang mga kasabayan niya like Anne Curtis, Marian Rivera at Toni Gonzaga.


'Yun lang and I thank you.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page