top of page
Search

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | September 03, 2021



'Kalorkey naman 'yung vlogger na gumawa ng edited vlog ng kasal diumano nina Vice Ganda at Ion Perez na in-upload sa YouTube channel niya.


Obyus na sobrang trying hard ng pagkaka-edit ng video para palabasing kasal 'yun nina Vice at Ion, gayung kinuha lang ang mga footages sa kasal nina Billy Crawford at Coleen Garcia sa Balesin.


Kaya 'di nakapagtataka kung makikitang present sa wedding ang mga It's Showtime co-hosts at maging ang Megastar na si Sharon Cuneta na tumayong ninang nina Billy at Coleen.


Para sa views, nagkalat ng fake news ang naturang vlogger at pinalabas ngang sina Vice at Ion ang ikinasal.


Stop me, 'no! 'Wag si yours truly!!!


Tsuk and more tsuk!


 
 

SA RELASYON NILA


ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | August 31, 2021



Nagdiwang ng kanyang ika-58 birthday si Senador Kiko Pangilinan nito lang nakaraang August 24, 2021.


Sa Instagram post ng misis niyang si Sharon Cuneta ay tinawag siya nitong "Neybor” with matching pambubuking na nagsimula raw silang mag-date noong si Sen. Kiko ay 30-anyos pa lamang.


“Happy birthday again neybor, 58 years old ka na… we met and started dating when you were 30…OMG! Time for a change na yata, hahaha, joke lang! Looking forward to growing old (but not looking old 'coz I’m a vampire!


“Kahit bumili na 'ko sa science pangpahaba ng pagka-vampire ko, hahaha…with you sungit!

“Love you even if we’re best frenemies, hahaha! With all my wawa heart,” post pa ni Shawie habang sila ng dyowa niyang si Sen. Kiko ay nagki-kiss at nakatingin lang sa kanila ang dalawa nilang dyunakis na sina Kakie at Miel Pangilinan.


O, siya… 'yun lang and I thank you.



 
 

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | August 29, 2021




Oh, wow, tipong ang Vivamax sa panahon ngayon ng pandemic-ek ang masasabing next to Seiko Films na matagal nang nagsara sa paggawa ng mga bold at sexy movies, ha!


'Yun nga lang, mas daring, mas bold at mas sexy ang mga ginagawa ngayong pelikula ng Vivamax tulad ng Taya, na ang kapalit sa itinaya mong pera kung ikaw ay isang lalaki, ay babaeng puwede mong makasama sa kama na mina-manage pala ng isang sindikato.


Harinawa, huwag namang mangyari ito sa mga online gaming na siyang pinagkakaabalahan ngayon ng marami sa ating madlang pipol, lalo na 'yung mga nawalan ng trabaho dahil nga sa pandemic salot all over the world, 'noh!


Sa press screening namin ng pelikulang Taya via KTX starring Sean de Guzman, AJ Raval, atbp. sa direction ni Joel Lamangan ay sobrang dami ng sizzling lovemaking scenes nina AJ at Sean, as in hubad kung hubad at laging magkapatong tulad ng ginagawa ng mga mag-asawa in real life na walang patumangga sa eng-engan.


Ang tanong, bakit pinayagan itong si AJ Raval ng erpat niyang actor din na si Jeric Raval sa mga ganu'ng daring at sizzling hot lovemaking scenes dito sa pelikulang Taya?


At una na nga ring inamin ni AJ kamakailan na ito rin ang dahilan kaya sila naghiwalay ng kanyang boyfriend for two years na si Axel Torres, hindi raw kasi ma-take ng guy ang pagpapa-sexy niya.


“Naintindihan ko siya sa part niya. Kasi pumasok po kami sa relasyon na hindi pa ako nag-aartista. Napaka-conservative na babae ko po hanggang sa nag-artista ako at hindi niya matanggap na ganito po ang naging career ko,” added na explanation pa nitong si AJ, na bukod sa aktor ang kanyang amang si Jeric Raval ay dating sexy actress din pala ang kanyang mommy dearest named Alyssa Alvarez.


So, puwede sigurong sabihing sinundan niya ang yapak sa showbiz ng kanyang ina, sa true lang, devah?


And take note, nu’ng kasagsagan ng paggawa ng bold films ng Seiko Films ay hindi naman ganito kagrabe ang mga lovemaking scenes, kasi may MTRCB pa noon, eh, sa online platform ngayon, waley powers ang MTRCB dahil 'di nila jurisdiction 'yan.


One thing more, 'yung mga ginawa ni AJ Raval sa mga eksena niya rito sa Taya at sa nauna niyang pelikulang Gusto Kong Maging Porn Star ay hindi naman nagawa noon ni Rosanna Roces na itinuring na Queen of Bold Films.


Paseksi lang noon si Osang at puro daya lang ang patungan blues or eng-engan scenes. Cleavage lang at singit niya ang nakikita noon at ang kanyang nakasisilaw na kaputian.


So, shall we say si AJ Raval na ang matatawag na "Super Queen of Bold Films" sa panahon ngayon ng pandemic all over the world?


Well, well lang daw, o!


O, siya… 'yun lang and I thank you.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page