top of page
Search

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | October 21, 2021





"AKO, 'pag may humahanga sa akin, nakakadagdag ng confidence 'yun sa lalaki, 'di ba?" bungad ni Joshua Garcia nang mahingan namin ng reaksiyon sa virtual mediacon ng Kapamilya TV series na Viral Scandal tungkol sa naging pag-amin ni Ivana Alawi sa YouTube channel ni Ogie Diaz na crush niya ang Kapamilya actor.


"'Di ko alam ang reaction ko, siyempre, thank you kasi naa-appreciate 'yung work na ginagawa ko. Base sa nakita at narinig ko, naa-appreciate niya yata 'yung acting ko. Thank you, sobrang thankful ako. As an actor, maraming salamat. I'm open na maging magkaibigan, okay lang sa akin?" dagdag na pahayag ni Joshua.


Sa nasabing interview din ay nabanggit ng sexy actress na may komunikasyon na sila ni Joshua sa pamamagitan ng direct messages sa Instagram.


Samantala, napag-usapan din ang tungkol sa samahan nilang magkakaibigan sa "Nguya Squad" na kinabibilangan din ng magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Sofia Andres at Daniel Miranda, Ria Atayde, Marco Gumabao at iba pa.


Nu'ng nakaraang Setyembre ay nagbigay ng emosyonal na mensahe si Joshua sa kanyang IG account, kung saan aniya, ang naturang grupo ang sumagip sa kanya na huwag malunod sa kalungkutan.


Ayon sa aktor, ang Nguya Squad ang nandu'n para sa kanya lalo na nu'ng panahon ng pandemya kung saan palagi lang siyang nakakulong sa kuwarto dahil 'di naman siya pala-labas na tao.


Para kay Joshua ay napakalaking tulong na lumalabas sila at marami silang mga aktibidades na ginagawa.


Dagdag pa niya, ito ang mga tao na dumamay sa kanya nu'ng may problema siya at 'di nawala ang mga ito kahit siya mismo ay nawala sa grupo.


Madamdaming pahayag din ng Kapamilya actor, napakasuwerte niya na naging kaibigan ang mga kasama sa grupo nila lalo't naramdaman at nasubukan niya na 'di siya iniwan ng mga ito.

Bida si Joshua sa TV series na Viral Scandal kapareha ni Charlie Dizon at kasama nila sina Dimples Romana, Ria Atayde, Jake Cuenca, ang tambalang KarJon, Markus Patterson at iba pang Kapamilya stars,


Hiningan namin ng reaksiyon sina Charlie at Joshua kung aaminin ba nila o mananahimik na lang kung sakaling masangkot sila sa isang video scandal.


Para kay Charlie ay 'di pa nangyayari ito sa kanya at magdedesisyon na lang siya ng gagawin niya 'pag napasok na siya sa ganitong sitwasyon.


Para namam kay Joshua, depende ang lahat sa sitwasyon at video na nag-viral. Kung alam niya na kailangan niyang magpaliwanag ay magpapaliwanag siya, pero kung kinakailangan na lang niyang 'wag magsalita ay pipiliin na lang niya na manahimik at hayaan na lang na mamatay nang kusa ang isyu.


 
 

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | October 20, 2021





Sa isang interview ni Andrea Torres ay umamin ito na nasa dating stage na siya uli pagkatapos ng breakup nila ni Derek Ramsay na ngayon ay balitang-balitang ikakasal na kay Ellen Adarna na ex naman ni John Lloyd Cruz.


When asked by some pipol in the know kung napatawad na ba niya si Derek sa pag-iwan sa kanya na ikinasugat ng kanyang puso, ang kanyang naging kasagutan ay, "'Di na kailangan ng tao na sabihin ang mga katagang…'sorry' para patawarin siya. Nanggagaling 'yun sa heart at choice niya 'yung i-let go ka.”


Kunsabagay, may tama si Andrea, ha, 'coz sa isa sa mga quotation-ek nga ni yours truly ay… "Sorry doesn't always make it right!” boom, kaboom!


At saka kung ayaw na sa 'yo, move on na lang kahit masakit sa kalooban. Talagang ganu’n, if not meant to be… not meant to be, ganern!

 
 

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | October 16, 2021



Sa nakaraang virtual presscon ng GMA-7 for Pokwang at Tonton Gutierrez dahil parehong starring ang role ng dalawa sa Daig Kayo Ng Lola Ko airing tuwing Linggo nang gabi sa Kapuso primetime ay ‘kaaliw pakinggan ang tsika nila, lalo na si Pokwang.


When Pokwang was asked kung may plano ba siyang magkaanak uli sa mister niyang si Lee O’Brian kahit may isang anak na babae na sila at three years old na named Malia, ang kanyang naging kasagutan ay, “Wala na pong laman ang balon, tuyot na. Hahaha! Active pa kami, awa ng Diyos, oo, pero wa’ na ang harot. Gusto pa sana, pero wa’ na, eh. Ano na lang kami, loving-loving, ganu’n, saka masa-masahe na lang kami, harot-harot, ganern! Ang importante, nand’yan kami sa isa’t isa to support each other.”


Kahit may pandemya ay kailangan din daw niyang mag-work kaya tinanggap niya ang role sa Daig Kayo Ng Lola Ko na ang episode title ay It’s Not You, It’s Me.

May mga bills daw na kailangang bayaran, sunud-sunod.


“Kailangan mong lumaban. Kailangan mong kumilos and at the same time, nandu’n ‘yung pag-iingat and be responsible, ‘di ba? Ingatan mo ‘yung sarili mo, ingatan mo ‘yung pamilya mo, lalung-lalo na ‘yung kalusugan mo, ‘di ba? Magdagdag ka ng vitamins. Pak! Pak! Pak! Ganyan! Tapos, ‘yung protocol, ‘pag sinabing ganito, sumunod tayo, ‘di ba? Kung gusto nating mabuhay, lumaban sa ekonomiya, ingatan natin ang sarili natin,” added na sey pa ni Ms. Pohkie.


Si Tonton Gutierrez naman ay nagsabing sobrang na-miss niya si Pokwang.


“Bale reunion namin itong It’s Not You, It’s Me ng Daig Kayo Ng Lola Ko after 2 years na hindi namin pagsasama sa iisang project.


“Nakakatuwa siyang kasama sa taping, na kahit may problema, hindi mo na maiisip lalo na ngayong may pandemic.


“Masaya siyang kasama… lagi siyang nagpapatawa. Komedyante talaga siya in reel and in real life.


“Maski nga ang misis kong si Glydel (Mercado) ay gusto rin siyang kasama kasi nga nakakaaliw at talagang malilimutan mo kung anuman ang ating pinagdaraanan sa ngayon,” papuri pa ni Tonton kay Pokwang.


Well, para maaliw din tayo sa mga eksena nina Pokwang at Tonton ay subaybayan na lang natin ang kanilang episode sa Daig Kayo Ng Lola Ko: It’s Not You, It’s Me tuwing Linggo nang gabi sa GMA-7 Telebabad Block, okidoki?


‘Yun lang and I thank you.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page