top of page
Search

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | October 28, 2021





Ibinuking ni Kim Molina ang dyowa niyang si Jerald Napoles na may ginagawa ito sa gabi when asked by yours truly during their virtual mediacon na may kinalaman sa kanilang Vivamax movie titled Sa Haba Ng Gabi na something like…“Humaba ba ang gabi n'yo ngayong pandemic at tipong nagkaroon kayo ng insomnia (like me, yes true!) at ang gabi ay ginawa n'yong araw at ang araw ay ginawa n'yong gabi?”


Ang sagot ni Jerald ay… "Ako, wala na akong alam sa oras, eh, lalo na nu’ng nagkaroon ng ECQ, 'yung ganu’n. Hindi ko alam kung ano'ng oras ako magtatrabaho…hindi ko alam kung anong oras ako matutulog kasi ala-una na nang madaling-araw, nag-aano pa ako…” na agad sinundan ng tsika ni Kim bago pa matapos magsalita ang kanyang dyowa.


“Hindi…trabaho ka diyan…hindi po totoo 'yun. Ang totoo po, nu’ng ECQ, si Jerald kasi, wala siyang time mag-play station nu’ng nagtatrabaho pa siya…tapos nu’ng magkaroon ng ECQ, lalo pang hindi niya malaro ang favorite niyang play station kasi wala siyang pambili, lalo na nu’ng bata pa siya. Pero nitong pandemic, dahil nga sa haba ng gabi at may pera na siya, nilaro niya isa-isa, hahaha!” pambubuking ni Kim sa kanyang jowa na ikinatawa lang din nang malakas ni Jerald.


Sabi ng aktor, natapos din niya 'yung game na Tug of War kasi raw, mas mahaba na ang gabi, sabay sabat agad ni Kim nang… "Kasi may pambili na siya, hahaha!”


Tipong pareho silang masayahin kaya siguro sila ang meant to each other in reel and in real life, 'yun na!


Ang tema ng kanilang Sa Haba Ng Gabi movie ay tungkol sa mga zombies na pumapatay ng tao pero puwede ring ikonek sa COVID-19 pandemic na pumapatay din ng madlang pipol.


“Ang kainaman lang sa zombies, hindi nakakahawa. Patay na sila kahit patayin mo pa. Hindi katulad ng virus, nag-i-spread at dumadami, hindi lang COVID, may variant pa,” katwiran naman ng co-star nina Kim at Jerald na si Candy Pangilinan.


Kunsabagay, may tama siya, ha! Ewan lang sa iba kung masasabi nilang zombies are better than pandemic viruses, tsuk tusok!

 
 

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | October 26, 2021





Naksss… mukhang nakopo lately nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla ang mga showbiz news lalo na sa socmed regarding sa hiwalayan blues nilang dalawa na super-naging usap-usapan, sa true lang.


Teka lang, may addi (read: additional) si yours truly about Aljur na puwedeng ang maging title ay…. "ALJUR, MAY BAGONG AJ AFTER AJ RAVAL," sey mo, Kylie?


Ang tinutukoy ni yours truly na bagong AJ ni Aljur ay si Ana Jalandoni na siyang producer at naka-love scene ni Aljur sa pelikulang Manipula ng Aflix Productions at sa direction ni Neal Buboy Tan.


Sa face-to-face preskon ng Manipula last Saturday ay humirit ng mga katanungan si yours truly sa dalawa with Kiko Matos at Direk Neal Buboy Tan na wish ko lang, Vicky Morales, ay hindi pa ako naunahan ng ibang showbiz writers at vloggers, 'yun na!


In pernes, magkatabi sa upuan sina Aljur at Ana, ha?!


Sabi ni Ana J. ay hindi pa siya taken, as in single pa, and perhaps, ready to mingle, sey mo,

Aljur?


And take note, byuti, sexy, flawless, yummy, oozing with sex appeal in person at belong sa richie family in Dumaguete City itong si Ana Jalandoni, ha?


At tipong in her early 20s lang, samantalang si Aljur ay 31 years old na pala, pero 'pag magkatabi sila ay parang pareho lang ang kanilang mga edad. But who cares about age, it’s only a number… only a word, 'ika nga!


“Ikaw ba, Aljur, na-turn-on ka sa mga love scenes n'yo dito sa Manipula movie n'yo ni Ana J.?”


tanong ni yours truly sa estranged hubby ni Kylie.


“Sino ba ang hindi mate-turn-on sa kanya? Kasi maganda siya, sexy pa. Pero magkaibigan lang kami ni Ana,” ngiting-ngiting sagot ni Aljur.


Naku, Aljur, friendship can be developed into love, 'noh, lalo na 'pag may tuksuhan-ek! 'Yun, oh!


Another tanong kay Aljur, "Sa mga love scenes n'yo ba rito sa Manipula ni Ana J, kung na-turn-on ka, may kasama bang mind masturbation?”


Napahalakhak si Aljur sabay napakamot sa ulo, sabay nakangiting nagkatinginan lang sila ni Ana J. na heard, after the preskon ay nagkasama pa silang nag-sing-along sa isang videoke sa Kyusi kasama ang kapatid namin sa hanapbuhay na si Jobert Sucaldito.


Well, hindi na kami magtataka pa kung muling masusundan ang Manipula movie ng Aflix Productions na siyempre, sina Aljur Abrenica at Ana Jalandoni ang lead sa starring roles.


And take note, lalong pumogi ngayon si Aljur, ha? Hindi halatang may mga dyunakis na.


Kaya hindi imposibleng may mga girlash pang mainlabey sa kanya lalo na ngayong kalat na kalat na all over socmed na hiwalay na siya kay Kylie Padilla.


Kung muli silang magkakaayos at magsasama muli bilang mag-asawa at kung hindi pa naman nawawala ang love at feelings nila sa isa’t isa, eh, di well and good.


Harinawa, alang-alang sa kanilang mga dyunakis.


At kung magkakaganu'n nga, malamang, may ibang lalaking nakalaan para kay Ana Jalandoni,


devah naman, madlang pipol?


'Yun lang muna and I thank you.



 
 

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | October 23, 2021





Huuwwattt? Kaka-report lang ni yours truly dito sa BULGAR na tipong naka-move on na itong si Andrea Torres sa breakup nila ni Derek Ramsay at ayon sa ilang reports ay she is in a dating stage now.


'Yun nga lang, hindi sinabi kung sino ang kanyang ka-date ngayon, kaya nag-one plus one kami sa nabasa naming report sa GMA News Online stating…. "Is Andrea Torres open to loving a woman?"


Kasi in an online interview with some press just recently, the Kapuso actress said nothing is impossible and love is unpredictable. Nevertheless, one thing is for sure – love is love.


“Eh, 'di ba, naa-appreciate natin lahat ng klase ng pag-ibig kasi pare-pareho naman?” sabi niya sa GMA News online.


Well, may tama siya lalo na ngayong lesbian ang role niya sa bago niyang project titled BetCin.


'Niwey, kung tuluyan ngang maging belong sa LGBT community itong si Andrea Torres, well, puwedeng masabing may something in common sila ni Rosanna Roces at ng kasalukuyang Ms. Universe Philippines 2021 who hails from Cebu City na si Beatrice Luigi Gomez.


Proud Mary ang mga t-bird dahil sa simula pa naman ng Ms. Universe PH 2021 pageant ay inamin na nitong si Beatrice na siya ay LGBTQ plus-plus at sinabi rin niyang anim na taon na ang kanilang relasyon ni Kate Jagdon na sikat bilang DJ sa Cebu at mas sumikat pa raw ngayon dahil syota nga siya ng reigning Miss Universe PH 2021.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page