top of page
Search

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | January 21, 2022





Ngayong 2022, maghanda na para sa isang girl-to-girl romance na hatid ng Vivamax Films.


Yesss, LGBT community, for sure, makaka-relate kayo, in pernes!


Ang cast ay pinangungunahan ni Rhen Escano at ng newbie actress na si Rita Martinez na umaming t-bird talaga in real life.


Sa virtual mediacon ng Lulu (na ang akala ni yours truly ay “Luluhod Nang Walang Belo,” char lang, hahaha!), natanong namin sina Rhen, Rita at Direk Sigrid Andrea Bernardo na siyang nagdirek ng blockbuster na Kita Kita kung in real life ba ay naranasan na nilang makipagrelasyon sa tomboy or may nanligaw bang tomboy sa kanila, at in-entertain ba nila o iniwasan?


Unang nagprisintang sumagot si Rhen na sa taglay na kaseksihan at pretty face ay talaga namang puwedeng ligawan ng mga tomboyitas… ewan lang kung pati ng mga baklitas.


'Yun na!


“Ako na lang muna, 'noh, hahaha! Sa akin po, wala pa…wala namang nagparamdam. Wala namang nagbalak. Ewan ko po sa kanila kung bakit, hahaha! Wala po akong naging karelasyon.


May mga friends po akong lesbians, pero wala pong nagparamdam,” sagot ni Rhen.


Why naman? Baka syokot lang ang mga tomboyitas na ligawan siya 'coz baka nga naman mabasted lang.


'Yun na!


“Wala rin po akong naging karelasyon na tomboy. Ahhh, indecent tomboy. In my whole life naman, never akong nagka-boyfriend. Sa girl…'yan. But sa mga tomboy, mga barkada ko 'yan,” pag-amin naman ni Rita Martinez.


From Direk Sigrid, “Ako, yes… May experience na rin ako sa mga tomboy… Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko, hahaha! Ako yes, may experience ako na nakipagrelasyon sa tomboy,” ang walang halong kiyems na pag-amin din ni Direk Sigrid.


Na siyempre, bilang writer-director, need niya talagang ma-experience 'yung ganu'ng klaseng relationship para boom patok ang pagsusulat niya ng script at pagdidirek ng nasabing pelikula na girl-to-girl romance.


Yo, talking from experience when yours truly directed Magdalena Buong Magdamag of Baby Pascual Films nu’ng early '80s.


Second question, "Meron ba kayong discrimination regarding sexual gender?"


“Dapat wala. I mean, masyado nang magulo ang mundo, masyado nang maraming nangyayari, kaya pati 'yung mga ganu'ng bagay, eh…


"Dapat maging masaya na lang tayo, dahil ginusto nila 'yun para ma-express 'yung mga feelings nila. Gusto lang nilang mabuhay katulad ng mga normal na katulad ko…So, bakit natin kailangang isarado ang isip natin para sa kanilang kaligayahan?


"I guess, dahil it’s already year 2022 na, dapat parang maging open-minded na tayo. At sana, 'yun 'yung ma-realize ng mga tao na dapat matanggap sila ng society tulad ng mga bakla…


"Parang kailangang maging open na tayo pagdating sa ganu'ng usapin. Pero 'pag tiningnan mo sa mga lesbians, hindi pa ganu'n, eh. Parang may kulang pa. Parang… may kailangan pang mangyari para mas makilala sila nang husto at maintindihan sila ng mga tao. So, para love wins,” sagot ni Rhen.


Hmmmnnn, may katwiran ang katwiran, ha? Devah naman, Ice Seguerra at Jake Zyrus at beauty queen from Cebu na si Ms. Beatrice Gomez? React space react, hehehe!


“Aprub…” sambit naman ni Rita sa sinabi ni Rhen.


“Ako rin, aprub…Ayoko namang para akong nagdi-discriminate ng tao. Kaya nga nagawa ko itong pelikulang Lulu para maintindihan ng mga tao ang feelings ng mga belong sa LGBT community,” sey ni Direk Sigrid.


Insert smiley, ☺!


O, siya, 'yun lang muna, mga katropa and I thank you!


 
 

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | January 14, 2022





Tipong kahit pandemic ay wa' paki ang Vivamax at tuloy sa pagpapasikat nang husto sa anak ni Jeric Raval na si AJ Raval bilang “Erotic Sexy Star” 'coz nakaka-tatlong sexy films na itey like Taya, Nerissa at ang latest nga ay itong Hugas kung saan partners uli sila ni Sean de Guzman.


Sa virtual preskon ng Hugas ay natanong ni yours truly sina AJ at Sean kung after bang makunan ang erotic love scenes nila ay agad ba silang naghuhugas ng kani-kanilang katawan, lalo na 'yung maseselang parte?


“Bago po siyempre kunan 'yung mga erotic love scenes namin ni Sean, naliligo muna kami para malinis ang dapat linisin, hahaha! Pangit naman po 'yung makikipag-lovemaking ka, tapos may kung anumang maaamoy na 'di kanais-nais, hahaha!” natatawang sagot ni AJ Raval na sinang-ayunan naman ni Sean na tipong napahalakhak din.


Hindi lang puro erotic love scenes ang ginawa sa Hugas nina AJ at Sean kundi mas marami ring action scenes, na siyang gustung-gustong gawin ni AJ.


“Siyempre po, mana ako sa tatay kong si Jeric Raval na isang action star.


“Kung ako po talaga ang papipiliin ay mas gusto kong mag-aksiyon kesa magpakita ng katawan. Idol ko po siyempre ang tatay ko. Saka, dito po sa Vivamax Hugas film ay marami akong ginawang action scenes kesa erotic love scenes with Sean at ganu'n din naman po si Sean, enjoy din siya sa mga action scenes namin dito."


Siniguro ng dalawang bida sa pelikula na ibang-iba ito sa kanilang past movies tulad ng Taya at Nerisa.


“Unang-una, siyempre, action ito at may mga training kami rito para maging astig 'yung mga kilos namin. Siguro, 'yung bond namin ni Sean, meron kaming natural chemistry.


“'Yung bond namin, naging mas deep kasi nagka-work na kami nang ilang beses. Also, lumalabas din kami minsan kahit walang work. Siguro, sa mga love scenes namin, makikita n'yo ru’n 'yung love."


Ohhh, sey mo, Aljur Abrenica?


Siguro naman, matitigil na ang mga Mosang tungkol sa kung ano'ng mina-Marites nila kina Aljur at AJ Raval, 'noh?


Boom! 'Yun na!



 
 

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | December 21, 2021





Sa virtual preskon of Vivamax film titled Mang Jose starring Janno Gibbs, Manilyn Reynes, Bing Loyzaga, Jerald Napoles, Mikoy Morales, atbp. ay natanong ni yours truly sina Janno at Manilyn how was it working together again after two decades, lalo na at naging magsyota pa sila noong kasagsagan ng kanilang movie career.


“'Di naman ganu'n katagal kasi marami na rin naman kaming nagawang TV shows ni Manilyn. We had Best Friends Forever na kaming dalawa 'yung bida ru'n and we had Meant To Be, so 'yun,” sagot ni Janno.


"Lagi namang masayang kasama si Janno…laging masayang katrabaho, hindi naman po kami nagkakaproblema, ahhh, puwera lang kung…" at this point, 'di mapigilan ni Manilyn ang tumawa nang malakas.


"Hindi… basta lagi…lagi kaming masaya sa set. Talagang masayang kasama at katrabaho si Janno at alam naman po natin 'yun na this is not the first na nagsama kami, 'di ba? Ahhh, alam naman natin na mahusay siyang magpatawa…mahusay siyang kumanta, mahusay siyang umarte kaya wala pong pinag-uusapang problema pagdating sa trabaho.”


Wala rin daw problema kung co-star nila sa Mang Jose movie ang wife in real life ni Janno na si Bing Loyzaga.


Inamin ng dalawa na pareho silang masaya kapag magkasama sa iisang tent during locked-in taping. Wala raw katapusang kuwentuhan. Kung minsan daw, napapag-usapan nila ang past pero pinagtatawanan na lang daw nila ngayon 'yung mga ganu'n na nangyari in the past 'coz past is past na nga raw.


“I actually requested for both Bing and Manilyn to be with me in Mang Jose movie kasi baby ko itong project na ito, so I wanted this to be the first time that me, Bing and Manilyn will share the screen together. Kaming tatlo, individually, we respect each other regardless of whatever happened in the past,” pagkaklaro ni Janno.


Samantala, sinabi naman ni Bing na she is working with Manilyn for the first time in a film and even added… “Of course I will grab the opportunity to also work with her. Frankly, when Janno was doing Mang Jose and they told me they had Manilyn in mind, I got excited for them and for their fans because ang tagal na nilang hindi nag-work sa movie.


“Maybe we were just waiting for the right project, then eto na nga, Mang Jose came along, so how can I pass this chance? Of course, I will grab the opportunity to work with Mane and to tell you the truth, excitement and kilig ang nangyari while doing Mang Jose film.


"I cannot be thankful enough that I was given the chance to become part of Mang Jose movie because it revived the Janno-Manilyn love team. We all grew up with that love team. Pampagulo ako roon noon. But we all moved on. We are all doing well and we will support each other.


That’s what’s important,” ang masayang pag-amin ni Bing during their virtual preskon sa VivaMax.

O, ha? Sino ngayon ang magsasabing hindi puwedeng pagsamahin sa iisang movie project ang isang ex-lover at real-life wife?


Not in Janno Gibbs' case, in pernes. Siya, her ex-labs Manilyn Reynes at legal wife for three decades now na si Bing Loyzaga in VivaMax film titled Mang Jose na hango sa kanta ng Parokya ni Edgar sa direction ni Rayn F. Brizuela.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page