top of page
Search

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | January 28, 2022





Muling napagsama ng Vivamax Films at Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio ang naging magsyota nu'ng sila ay mga teen-ager pa lamang na sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez sa pelikulang Deception, na tipong reunion movie project ng dalawang may sweet memories in the past.


Sa virtual preskon ng Deception at sa mga tanong sa kanila ng mga press people ay wala raw silang naramdaman kundi kasiyahan na magkatrabaho uli sila.


“Ang gustung-gusto ko kay Claudine, naging independent woman siya… 'yun ang napansin ko sa kanya sa shooting namin ng Deception,” sey ni Mark Anthony.


“Working with Mark is very easy and we really had a good rapport,” sey naman ni Claudine.


Pareho nang 42 years old ngayon sina Claudine at Mark at tipong pareho na ring single buhat nang mapahiwalay sila sa kani-kanilang napangasawa.


Ang tanong, posible kayang may balikan-ek sa dalawa after doing Deception?


Sabi ni Mark ay posible raw magkaroon ng part 2 ang naunsiyaming love story nila ni Claudine pero nagbigay siya ng expiration date kung hanggang kailan lamang ito mangyayari.


“Kapag hindi pa kami nagkabalikan ni Claudine sa susunod na tatlo hangang apat na taon, mukhang hindi na puwedeng magkaroon ng sequel ang aming naging love story.


“Posibleng magkabalikan kung mangyayari in the next three or four years. Pero kapag lumagpas na ru'n, parang imposible na, 'yun lang ang iniisip ko," ang mahabang paliwanag ni Mark Anthony sa virtual preskon ng Deception movie nila ni Claudine.


Well… well lang daw, oh!


 
 

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | January 23, 2022



Blind item:



Naalala tuloy ni yours truly 'yung confession ng isang maganda, sexy at kilalang aktres noong latter part ng dekada '70 or early '80s na nakipag-sex daw siya sa may parking lot ng isang music bar noon sa bandang Roxas Blvd.


Dahil nga sobra raw silang nadala sa lovemaking nila inside the car ng kanyang partner ay hindi nila napansin na ang mga salaming bintana ay nagpapawis na, kasi raw ay saradung-sarado ang tsekot with no aircon.


Mabuti na lamang daw at isang movie director na kasama nila sa music bar ang pumunta sa kanila at kinatok sila at sinabihang… "Ano ba kayo, nagpapakamatay? Ni walang pumapasok na hangin sa kotseng ito at puro hininga n'yo lang,” at saka lang daw sila natauhan at tumigil sa eng-engan lalo pa nga’t bisperas pa 'yun ng Araw ng mga Patay, nnngggiii!


Kung nagkataon pala ay natigok sila sa sarap ng kanilang eng-engan blues, ha!


Oh, wowww, whatta sex life inside the car with no air. Ibang klase, devah naman? Pero hindi na naulit 'yun kasi after that ay nagkaroon na sila ng mga bagong dyowa.


'Yun na!


Kung sinex sila…. ay, secret, walang clue! Pak, ganern!


'Yun lang and I thank you.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page