top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 3, 2023



"2023 na, issue pa rin 'yan? Hahaha! Change topic na lang. Huwag na natin siyang pag-usapan," ang sey na lang ni Nadine Lustre when asked kung bakit parang inilaglag siya ni James Reid bilang ka-loveteam at ipinagpalit siya kay Liza Soberano para gawin itong Hollywood star, tapos ngayon naman ay nali-link romantically si James kay Issa Pressman.


Kunsabagay, ipinagpalit din naman nitong si Nadine si James sa isang half-French, half-Pinoy businessman named Christophe Bariou, who owns a resort in Siargao island.


So, tabla na sila ni James Reid as JaDine tandem. At keri naman nitong si Nadine kahit hindi ka-tandem si James,'coz kumita ang pelikula niyang Deleter at nominado pa siya as Best Actress, in pernes, ah?

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | March 25, 2023



Malungkot na ibinahagi ng Sparkle Artist Management ang balitang pumanaw na sa edad na 17 ang isa sa mga newest teen stars na si Andrei Sison, na ilo-launch pa lang sana nila soon, dahil sa car accident.


Last Thursday, nakapag-taping pa si Andrei para sa variety show sa GMA Studios at natapos nga sila bago mag-7 PM.


Ayon sa mga pulis, nangyari ang aksidente kahapon, Biyernes, 2 AM sa Commonwealth Avenue, Quezon City.


Nakatanggap raw ng tawag ang Sparkle mula sa mga kamag-anak ng binata mga ala- singko nang madaling-araw upang ipaalam sa kanila ang masamang balita.


Sa statement na inilabas ng Sparkle kahapon, Biyernes, anila, “He died due to a car accident this morning.”


"Taos-pusong nakikiramay ang talent management sa pamilya at sa mga mahal sa buhay na naulila ng batang aktor.


“We request everyone to respect his family’s privacy in this time of great loss and join us in praying for the eternal repose of his soul.


“He was a well-loved and much cherished member of the Sparkle family. We will miss you, Andrei. Be with God now,” dagdag pa nila.


Si Andrei ay apo ng season balladeer na si Marco Sison at ni Tess Salvador (SLN) na sister nina Alona Alegre (SLN) at Phillip Salvador.


Ang kanyang ama naman ay si Alain Marco Salvador na dating miyembro ng That’s Entertainment.


Malamang daw na si Daniel Padilla ang gumastos sa wake dahil 'yung tatay ni Andrei, ang napangasawa ay sister ni Karla Estrada at lagi raw isinasama ni Daniel si Andrei sa mga out of town location tapings at recently daw, sa Japan. Best buddies kaya sobrang lungkot daw ni Daniel sa maagang pagpanaw ng fave cousin niya.


Maraming netizens ang nagpahayag ng pagluluksa at panghihinayang sa biglaang pagpanaw ng rising artist.


Ang pinakahuling post ni Andrei sa kanyang Instagram page noong March 11 ay napuno ng mga mensahe mula sa kanyang mga tagahanga sa TikTok.


Ang ilan sa mga mensahe ng mga fans ay, “You will be missed,” at “Gone too soon.”


Nagsimula na kahapon, March 24, ang viewing sa mga labi ni Andrei sa Loyola Memorial Chapels sa Commonwealth Avenue, Quezon City.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | March 19, 2023



Tama lang pala, Ateng Janiz, ang ibinigay kong title kay Ivana Alawi nu'ng minsang tinanong ako ni Julie B. Gaspar na kung gagawa ako ng storyline for Ivana, ano raw ang title.


Without batting an eyelash and with shades ay sinagot ko agad si Ateng Julie ng… "Iva Ka, Neng!"


Yessss, kasi lately ay napabalitang nagkunwaring vendor at nagpaulan ng pera si Ivana na inilabas niya sa kanyang vlog kamakailan lang.


In her latest vlog, nag-ala-street vendor ang actress-vlogger roaming the busy and crowded streets of Manila.


Nagrenta si Ivana ng food cart on wheels at umikot para magbenta ng lumpiang togue, fishballs at kwek-kwek. Pero hindi naman niya talaga inilalako ang kanyang paninda.


Umaawra lang siya sa mga mataong lugar para maghanap ng mga mapapalad na taong bibigyan niya ng tig-P1 K each.


Walang ibang gagawin ang kanyang nilapitan kundi sagutin ang mga tanong niya.


Ayon kay Ivana, she prepared a set of random questions na iba-iba ang topic.


Nooo, hindi para sa mga matatalino or those with good heads on their shoulders ang paandar ni Ivana, kaya kering-kering sagutin ang mga tanong.


Umani naman ng mga papuri si Ivana sa kanyang panibagong gimik. ‘Yun daw ang mga katangiang dapat taglayin ng mga tulad niyang vlogger — creative na, nakaka-entertain pa bukod sa may social responsibility din.


Kung tutuusin, marami nang vlogs si Ivana kung saan ay namahagi siya ng mga ayuda sa ating mga kababayan. Kumbaga, it’s payback time sa laki rin naman ng kinikita niya, 'no!


Eh, 'musta naman ‘yung ibang celebrity vloggers who don’t even share? Pakisagot na nga lang po, Madam Damin at friendship Ronnie Carrasco, para tsuk na, pak pa!


'Yun na!


Basta si yours truly, paninindigan ang title na.... IVA KA, NENG! Boom, ganerrnnn!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page