top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 25, 2023




Nag-react ang mga Noranians at kinukuwestiyon ang naging decision ni FDCP Chairman Tirso Cruz III tungkol sa naganap na Parangal Ng Sining Awards last Sunday night at kabilang na nga sa may patama post ay ang kasamahan namin sa PMPC na si Rodel Fernando na true blooded Noranian.


Ang kanyang emote sa FB post niya ay ganitey…


"Ano kaya ang naging pamantayan ng Film Development Council of the Philippines sa paggawad ng Lifetime Achievement Award para kay Ms. Vilma Santos or sa iba pa? In fairness, puwede naman talaga silang bigyan ng award, kaya lang ano'ng pamantayan?


"Kung sasabihin na kahit hindi siya active ay marami siyang naiambag sa Pelikulang Pilipino, eh, paano na ang mga katakut-takot na ambag ni Nora sa pelikula?


"I'm not against Ate Vi pero matagal na siyang hindi active sa movie. Sorry, pero if there’s a TOP actress to be awarded by FDCP, it should be Ms. Nora Aunor being the First ACTOR (Woman) National Artist at aktibo pa rin sa kanyang SINING (pelikula) or sana, dalawa sila ni Ate Vi. I don’t know the basis of TIRSO for choosing Vilma. Hindi FAIR!!! PERSONALAN BA ITO???



At ang dami ring nag-comment na Noranians dito tulad ng very loyal at ever true Noranian na si Marie Cusi na ang kanyang naging emote naman goes… "Thanks Bro Rodel Ocampo Fernando for your true facts here.


"Our National Artist, Ms. Nora Aunor deserves this FDCP award being the First Actor (for generic term, an actor can be a man or a woman) National Artist and she is so active in making more films through the years, plus her numerous lifetime achievement awards here and abroad.


"May we ask Mr. TIRSO CRUZ the basis of choosing Ms. Vilma here in spite of her many years absence in the film industry?


"Is the awarding the main thrust also of FDCP function since its true mandate is to develop more good films here and for the international release.


"With the big budget of FDCP, more than P300 M, which was increased thru the initiatives of Ms. Liza Diño and Congressman Alfred Vargas, can FDCP helped more FILM Makers to develop a good film for competition at par internationally for Oscar’s, Cannes, etc. which is being done by other countries like Korea, Japan, Thailand, Malaysia and they’re very successful winning abroad thru the support of the govt.


"Many taxpaying public are concerned here.


"We are praying that the FDCP funds would not be put to waste. Let’s Pray for this.

"Thank you."


Well...well...well.... Ano naman kaya ang magiging kasagutan dito ng mga Vilmanians at ng mga fans noon ng Guy and Pip tandem noong dekada 70"s?


Pakihulaan na lang po, Madam Damin.


'Yun lang and I thank you.



 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 15, 2023




Napansin lang ni yours truly na parang may hawig si JM De Guzman kay John Estrada nang humarap ito sa showbiz media para sa preskon ng Viva Films movie na Adik Sa 'Yo with Viva sexy actress, Cindy Miranda.


Tipong hindi rin masigla ang kanyang awra that day 'coz medyo antok pa raw siya dahil sa mga kinunang eksena sa Linlang, ang teleseryeng kasalukuyang ginagawa niya.


Ganunpaman, during the Q&A portion ay sinagot naman niya ang lahat ng tanong sa kanya.


Natanong din si JM kung ang vlogger ba na si Donnalyn Bartolome ang dahilan kung bakit siya in love ngayon at puro ngiti lang ang isinagot sa amin ng guwapo at magaling na aktor.


Pero hindi naman niya itinanggi na nagmimistula siyang adik 'pag in love. Pero, dahil marami na ring pinagdaanan si JM pagdating sa kanyang love life, natuto na rin daw siyang magtira para sa sarili niya, in pernes, ha?!


"Dati, wala, eh. Ngayon, pinapagana ko na 'yung utak," hirit pa niya.


So, ano ang nakita niyang katangian ng babaeng kinahuhumalingan niya ngayon or ano'ng meron dito para maadik siya, as in adik in love?



"Tinuruan niya ako kung paano magmahal nang tama at maayos... at sobrang inspiring din 'yung pagkatao niya.


Perfect 10," sagot niya agad with matching sweet smile sa kanyang mga labi habang sweet din siyang sinusulyapan ng katabi niyang si Cindy na tipong kinikilig sa mga rebelasyon ni JM patungkol sa love life niya.


Sa true lang, 'noh!


Pag-amin pa nitong si JM ay naka-relate nga raw siya sa karakter niyang si Paulo sa Adik Sa 'Yo, pati na sa karakter ni Cindy sa pelikula, dahil bukod sa pinagdaanang krisis sa droga, eh, siya ang tipo na naaadik sa pag-ibig.


"Maganda ang script by Mel del Rosario, tapos si Nuel Naval pa ang direktor. Gusto ko ring makatrabaho si Cindy Miranda. Nagkaroon din ako ng konting hesitation, na parang 'Babalikan ko na naman ba 'tong past na 'to?' Pero, naisip ko na lang, okay lang. Okay lang kung balikan ko, tapos naman na talaga, eh.


"May mga triggers... 'yung dinadala sa padded room, mga psych ward, rehab. Lahat 'yun, napagdaanan ko. So, habang binabasa ko pa lang 'yung script, naaalala ko lahat 'yun. May pain, siyempre, painful 'yung experience na 'yun. Pero, marami naman akong lessons na natutunan," ang mahabang pahayag ni JM.


At para raw ma-overcome ang mga triggers at maka-cope sa shooting, bumabalik-balik daw siya from time to time sa rehab center na pinasukan niya para mag-touch base at maisaayos ang mga triggers na sinasabi niya.


Anyway, co-stars din nina JM at Cindy sina Candy Pangilinan, Nicole Omillo at Andrew Muhlach.


This coming April 19 na ang showing ng Adik Sa 'Yo in theaters nationwide. Abangan na 'yan!

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 12, 2023




Ginanap na kagabi ang First Summer Metro Manila Film Festival Awards Night sa New Frontier Theater sa Cubao.


Pero bago pa man ang Gabi ng Parangal, kumalat na sa social media ang mga nominado sa major categories like Best Actor, Best Actress, Best Supporting Actor, Best Supporting Actress, etc..


Isa lang sa mga ipinagtataka ni yours truly ay kung bakit tila inisnab ng SMMFF Committee sina Coco Martin (para sa pelikulang Apag) at RK Bagatsing (Kahit Maputi Na ang Buhok Ko) gayung puring-puri naman ng mga nakapanood sa special screening ng dalawang pelikula ang mahusay na acting nila sa kani-kanilang SMMFF entry.



Para sa Best Actress naman ay sina Bela Padilla ('Yung Libro sa Napanood Ko), Kylie Padilla (Unravel) at Gladys Reyes (Apag) lang ang pumasok na nominado at nalaglag din sina Alex Gonzaga at Angeline Quinto (ng Singlebells).


Kaya naman nagtatanong ang mga Marites at Mosang ng "Anyaaaaare?!!!"


Well, habang binabasa n'yo 'to, may winners na sa First Summer Metro Manila Film Festival kaya sa mga gustong umapela… umapela na lang kayo sa barangay, boom! Tsuk! Ganern!!!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page