top of page
Search

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | May 9, 2023



Happy to the max ang mga Noranians sa mga sagot ng actor-politician na si Alfred Vargas sa interview nito kay Kuya Boy Abunda regarding sa nag-iisang Superstar ng Philippine showbiz na walang iba kundi si Nora Aunor.


Makakasama kasi ni Alfred si Ate Guy sa isang pelikulang may pamagat na Pieta. Isang malaking karangalan daw para sa aktor na makatrabaho ang nag-iisang Superstar.


“With the help of Direk Adolf, I went to Ate Guy’s house at umakyat ako ng ligaw. In short, I was very honored at napabalik ko si Ate Guy to work again in front of the cameras. I felt that Ate Guy also trusted me and it was my first time to work with her.


“The other National Artist I worked with was Ricky Lee as a writer. But when Ate Guy gave her nod, then kasama pa sa cast sina Gina Alajar and Jaclyn Jose, those names were several items in my acting bucket list. All checked! I just gave it my all when Ate Guy and I started working,” paglalahad ng aktor.


Aminado si Alfred na talagang napahanga siya dahil sa pagiging mahusay na aktres ni Ate Guy. Kakaibang karanasan daw para sa aktor na makasama sa eksena ang Superstar.



“Doon ko lang na-experience ang sinasabi nilang Nora Aunor magic. Iba talaga siya. She may be the Superstar and National Artist but when we’re together on-cam and even off-cam, she never made me feel that I’m a smaller actor. She just made me feel comfortable all throughout.


“After filming, mahal na mahal ko na talaga si Ate Guy. When you are together in one scene, you are in front of each other, you can feel her 100 percent but when you watch the preview, napaganda pa niya ang scene on her own, parang naging 200 percent. Ang galing niya while you’re working together but when you see the preview, it was a lot better. She is a master of it. That was the Nora magic,” pagdedetalye ni Alfred.


And take note, nalalapit na ang May 21 na siyang ika-70th birthday ni Ate. Kasama ni Ate Guy na ise-celebrate ang kanyang birthday ang mga Noranians, relatives and friends na ang mga suot daw dapat ay ‘yung mga damit na nauso noong dekada ‘70 tulad ng bell bottom at mini-skirt with matching boots.


Oh, siya... let’s all wish a healthy, happy wonderful 70th birthday sa nag-iisang Superstar ng ating showbiz industry, none other than Nora Aunor, okidoki?!


 
 

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | May 5, 2023



Kahit matagal nang hiwalay sa ex-partner na si John Lloyd Cruz ay hiling pa rin ni Ellen Adarna ang kaligayahan nito sa bagong girlfriend na si Isabel Santos.


Mas gusto pa nga ni Ellen na magkaroon sila nang maayos na relasyon sa isa't isa para naman daw maging magandang halimbawa ito para sa kanilang anak na si Elias.


Ito ang sinabi niya sa showbiz media na present sa ribbon-cutting at inauguration ng clinic na kanyang ineendorso, ang Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center na matatagpuan sa 9th Avenue, Ore Central Tower, BGC, Taguig.


"Sana naman, maging happy and harmonious din ang relationship nila kasi makikita 'yan ni Elias.


Magiging standard 'yan na this is what a loving family or a loving couple or mother and father should be like," ang sey pa ni Ellen na Mrs. Derek Ramsay na ngayon.


Dagdag pa nito, binibigyan daw niya si John Lloyd ng 12 days sa isang buwan para makapiling ang kanilang anak na si Elias nang sa ganu'n ay maging fair daw ang kanilang setup.


"I make sure (Elias) has a good relationship with John Lloyd. He needs his dad as much as he needs me. Our co-parenting is okay."


Well, magandang setup naman talaga 'yun para sa dating magkasintahan na hindi nagkatuluyan pero nagkaroon ng bunga ang kanilang pagmamahalan. Ano'ng sey ninyo rito, mga Marites?


Ibinahagi rin ni Ellen na ilang beses na niyang na-meet ang bagong GF ni John Lloyd na si Isabel.


Nagkikita raw sila sa tuwing kinukuha ng aktor ang anak sa kanya at very civil naman daw ang pakikitungo nila sa isa't isa.


"Kapag sinusundo ni John Lloyd, I bring him (Elias) to the car and we just say hi-hello. Acknowledge lang with one another, ganu'n," aniya.


Wish din ni Ellen na sana raw ay dumating 'yung araw na makapag-celebrate ng birthday si Elias kasama ang tunay na ama niya na si John Lloyd, ang partner nito, at pati na rin ang stepfather niyang si Derek. Kumbaga, one big, happy family sila.


Sa ngayon, masaya ang aktres that Elias is turning 5 years old this coming July. Bukod doon ay proud din si Ellen na lumalaking matalino ang anak nila ni John Lloyd, mature raw kasi itong mag-isip para sa kanyang murang edad.


"Very well-exposed kasi, eh. Kahit hindi pa siya nag-start ng school, John Lloyd and I have very different lives. So, he's exposed to my life and he's exposed to John Lloyd's world, it merges and I think it's good for him. That's what the kid needs. A lot of exposure," sambit pa nito.


Ibinunyag din ni Ellen ang sikreto sa likod ng "strong and happy" relationship nila ng asawang aktor na si Derek kahit na halos walang naganap na ligawan sa pagitan nila, pero ngayon nga ay magda-dalawang taon na silang kasal.


"Of course, we had conflicts to get to know each other, tinitimpla n'yo pa. But the boundaries were already set, like, no, you cannot do that... No, you cannot say that to me. You do this and this will be the downfall of the marriage. So, the boundaries were set and it is being respected and honored by both parties. We have arguments but it's very chill," she bared.


Wow, sana naman lahat ng ex-showbiz couples ay gayahin din ang setup nina Ellen at John Lloyd, lalo na kung may mga anak sila, 'noh.


What a good example, Ellen and John Lloyd! May your tribe increase! Boom, ganern!


At siguro nga ay malaki ang naitulong ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Center sa ginawang laser procedure kay Ellen para sa kanyang mga mata dahil lalong naging "tantalizing" ang mga ito or shall we say, love always radiates in her eyes now?


Okidoki?!


 
 

ni Mercy Lejarde - @Talkies | April 29, 2023



Ibang level talaga ang summer heat ngayong 2023, sa true lang. Pero mas mainit at super-lagkit ang mga ibinabatong pagtitig ni Xian Lim kay Ryza Cenon na tipong "love radiates in his eyes" sa tuwing sumusulyap kay Ryza, ha!


Ooops! Don't get us wrong, Kim Chiu and mga KimXi fanatics, ah? Ang ibig ko lang sabihin dito ay ang mga eksena nina Xian at Ryza sa pelikula nilang Sa Muli na produced ng Viva Films na ngayon nga ay showing na in theaters nationwide.


Ang tema ng istorya ng pelikulang ito ay tila "love reincarnation" sa tatlong magkakaibang henerasyon magmula noong 1900 hanggang 1950, pati na rin sa kasalukuyang taon.


Ginampanan ni Xian ang papel ni Pep, samantalang si Ryza naman ay ginampanan ang papel ni Elly. Pero, since tatlong magkakaibang henerasyon nga ang timeline ng pelikula ay tatlong karakter din ang ginampanan nina Xian at Ryza.


Noong 1900s, ginampanan ni Ryza ang papel na Aurora, habang noong 1950s naman ay ginampanan niya ang karakter ni Belen at sa taong kasalukuyan, siya si Elly.


Malay natin kung posible pala itong mangyari sa tunay na buhay at baka nga totoo rin 'yung puwede kang bumalik sa nakaraan.


Ano'ng sey ninyo rito, mga Marites, Mosang at Marisol?


Parang ang galing naman kung nagkatagpo na pala kayo ng iyong soul mate noong past at ngayong present time. Bongga, 'di ba?!


"Yes, it's about reincarnation. Three years in the making ang movie na ito. We started shooting the film in 2020, then biglang nagka-lockdown, so we had to stop. Tapos, I got pregnant and nanganak ako. We were able to resume the shoot only last year and finally, ito na nga, natapos din at ipapalabas na," sey ni Ryza sa interview ng ilang members of the press people.


'Yun naman pala, eh. May anak na si Ryza kaya walang dapat ipagselos sa kanya ang real-life dyowa ni Xian na si Kim.


Pero, kung ang pelikulang Sa Muli ang pag-uusapan natin ay mukhang may dapat nga siyang ipagselos. Hehehe! Joke lang!


Ito nga ang unang pagkakataon na nagkasama sina Xian at Ryza sa isang pelikula. Kumusta naman kayang katrabaho si Ryza?


Ayon kay Xian, napa-research siya nang very slight tungkol sa aktres. First time kasi nilang magkakatrabaho sa isang project, kaya nag-effort daw siyang maghanap ng kaunting impormasyon kay Ryza para naman may pambungad siyang topic na puwede nilang pag-usapan kapag nag-meet na sila.


"Tiningnan ko muna 'yung Instagram niya siyempre, tapos 'yung YouTube niya. Nakita ko 'yung mga eksena niya sa mga palabas na ginawa niya sa GMA. 'Yun ang mga una kong parang ginawang "breaking the ice" sa amin.



"Pero nang magkausap na kami ni Ryza, nalaman kong matipid pala itong sumagot. 'Uy, Ryza. Napanood ko 'yung ganito. Kumusta?' Sabi naman niya, 'Okay lang.' Tapos, doon na natapos. Hahaha! Pero it helps. It really helps," sey pa ni Xian.


Napa-sorry naman si Ryza sa naging first impression sa kanya ni Xian.


"Sorry kasi introvert po ako. So, may sarili po talaga akong mundo, lalo na 'pag nasa work po ako. As in, naka-focus lang po ako sa work. Kaya 'yun ang palaging comment sa akin ng lahat ng nakakatrabaho ko po, na kapag tinanong, 'Kumusta working with Ryza?' 'Ano po siya, nandu'n lang sa dulo, tahimik lang,'" katwiran naman ni Ryza.


Eh, kumusta naman si Xian bilang leading man?


"As a co-actor, he is very supportive. When I was shooting a very important dramatic scene, nahihirapan ako kasi wala akong kaeksena. Eh, si Xian, nag-pack-up na. So, ipinatawag ko siya, pinabalik ko para mas maramdaman ko 'yung mabigat na eksena. At pinagbigyan naman niya ako, he returned at dahil doon, naitawid ko 'yung scene. Napakagaan niyang katrabaho. We're like old friends on the set. Ang feeling ko, baka in a previous life, naging magkaibigan talaga kami," say ni Ryza.


Weeehhh, 'di nga? Baka in previous life ay naging sila talaga, ano'ng sey mo, Kim? Char lang.

Please don't get jealous lang, ha! Trabaho lang, walang personalan. Hahaha!


Oh, siya, panoorin na ninyo ang pelikulang Sa Muli nina Xian at Ryza, showing na 'yan in theaters nationwide.


Dali na, baka ang mga love stories ninyo pala ay reincarnated from your past lives up to the present.


Who knows? Malay n'yo, puwede palang mangyari ang bagay na ito sa atin.


Boom ganern! 'Yun na nga!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page