top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 20, 2023



Sa virtual presscon via Zoom ng Vivamax para sa pelikulang Tayuan ay natanong ni yours truly si Angeli Khang kung okay lang ba sa kanya na matawag na “The New Rosanna Roces” sa panahon ngayon ng mga Gen Z.


Ngiting-ngiti naman siyang sumagot, “Why not? Nakakataba po ng puso na ikumpara ako sa kanya dahil isa na pong buhay na alamat ang isang Rosanna Roces sa ating showbiz world, lalo na noong kasagsagan ng mga bold films.


And wala naman pong masama doon and honestly, flattered po ako. At saka, doing sexy or bold films ay hindi madali para sa amin. It takes a lot of guts and courage para magampanan mo nang husto ang ipinapagawa ng mga direktor sa amin.


“Lalo na rito sa aming latest Vivamax film na Tayuan. Magaling pong mag-execute ng mga sexy scenes ang aming director na si Direk Topel Lee. At saka po, doing sexy or bold scenes ay trabaho lang para sa akin, as in, walang kinalaman sa personal naming buhay,” ang mahabang paliwanag nitong si Angeli na in pernes ay super sexy at sa fezlak pa lang niya ay winner na!


Boooom! ‘Yun na!


Papatunayan na naman ni Angeli kung bakit isa siya sa mga pinakanakakahumaling na artista sa Vivamax, lalo na sa dami ng sexy scenes nila ni Chester Grecia na malamang ay umani na naman ng tagumpay sa kanilang streaming platform sa abot-kayang halaga, sa true lang.


Bukod kina Angeli at Chester, pasok din sa cast ng Vivamax film na Tayuan sina Stephanie Raz, Rash Flores, Francine Garcia, PJ Rosario, Anthony Dabao at Dianne Moldez.


Ang play date nito ay this coming June 23, 2023 na.


Ang tema ng nasabing latest Vivamax sexy film ay tungkol sa mga "heavenly" bodies rubbing against each other. Huuwwowww! Kabayong bundat! Insert smiley, ☺!


At wish lang namin ay makasama nitong si Angeli si Rosanna sa kanyang susunod na movie project sa Vivamax sooner than soon na tipong noon at ngayon.


Kaya lang, may ilang bashers itong si Angeli na ang tawag sa kanya ay “Angeli Pakang-Khang.”


At ewan nga namin kung nakarating ito sa kaalaman ng sexy actress, pati na rin sa mga mahal niya sa buhay.


Hay naku, ‘wag na lang pansinin ang mga kanegahan na ‘yan, ‘coz inggit lang naman ang mga bashers sa byuti ni Angeli, ‘noh!


‘Niwey, kung gusto ninyong mapanood ang Vivamax film na Tayuan ay bisitahin na ang web.vivamax.net. Maaari ring i-download ang nasabing streaming platform at mag-subscribe sa pamamagitan ng mga apps tulad ng Google Play Store, App Store, at Huawei AppGallery.


‘Yun lang and I thank you.


 
 

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | May 28, 2023



Si Robi Domingo ang nagsilbing host ng Unbreak My Heart mediacon na ginanap just recently lang.


Bago ang Q&A portion sa mga lead stars ng UMH ay pinuntahan ni yours truly sa gilid ng stage si Robi para magpa-photo op with matching kulitan on the side.


Tipong pumayat siya, ha? Effect ba 'yun ng marriage proposal niya and wedding bells soon sa kanyang labs na si Maiqui Pineda?


Tumawa lang siya and as always na nagkikita kami, super-yakap, halik at lambing niya sa inyong lingkod, in pernes.


Muntik na sanang maging doctor itong si Robi para sumunod sa yapak ng kanyang mga magulang pero destiny is destiny talaga at ngayon nga ay isa na siyang mahusay na host sa mga shows ng ABS-CBN like the The Voice Kids at iba pa, sa true lang.


No regrets naman daw siya sa hindi pagiging doctor in real life.


"I regretted it before kasi it was a dream na gusto kong ma-fulfill for a score of my life.


Imagine mo, I was grinding it all grade school, high school, even college while I was doing this thing, to end up wearing a pink coat right in front of you. I regret it? Yes. But I regret regretting it.


"Because kahit ano'ng mangyari simula't sapul, I have that MD from the beginning. Si Marion Domingo, that's my name, I am that MD. Ang batchmates ko, they get to wear a white coat all the time seal of their profession, pero ako, I get to wear a black one, a blue one, it doesn't matter, a pink one tonight," katwiran niya sa interview sa kanya ng ilang press people.


So, kaya pala siya naka-all pink na attire sa mediacon ng Unbreak My Heart, boom, ganern!


'Niwey, kinunan ang Unbreak My Heart sa Switzerland, Italy at Pilipinas sa ilalim ng direksiyon nina Emmanuel Q. Palo at Dolly Dulu at sa produksiyon ng Dreamscape Entertainment.


Kabilang din sa serye sina Laurice Guillen, Eula Valdes, Sunshine Cruz, Nikki Valdez, Romnick Sarmenta, Victor Neri, Dionne Monsanto, PJ Endrinal, Maey Bautista, Marvin Yap at Mark Rivera, pati na ang up-and-coming young actors na sina Will Ashley, Jeremiah Lisbo, at Bianca de Vera.


Mapapakinggan din sa serye ang official soundtrack tampok ang mga awitin nina Christian Bautista, Bey at Moira dela Torre.


Huwag palampasin ang premiere episode ng Unbreak My Heart sa GMA Telebabad, Pinoy Hits at I Heart Movies ngayong Mayo 29, 9:35 PM, 11:25 PM sa GTV, at napanood din ito 48 oras bago ipalabas sa telebisyon sa GMANetwork.com, iWantTFC at Viu simula Mayo 27. Available rin ang serye sa GMA Pinoy TV at TFC.


 
 

ni Mercy Lejarde - @Talkies | May 16, 2023



Napahanga kami ni Maja Salvador sa pagiging host niya sa bagong game show ng TV5 titled Emojination, lalo na nu'ng maglaro ang ilang kasamahan naming writers.


Kung dati kasi ay nakilala namin siya na isang magaling na artista at dancer, ngayon, mahusay din pala siya bilang game show host.


Wala siyang binabasang script, impromptu ang mga spiels na kanyang binibitawan at kering-keri rin ni Maja na magbato ng mga nakakatawang punch lines.


Samantala, ang co-host niyang si Awra Briguela ay panay lang ang emote at pa-sexy, sa true lang.


Maraming artista ang nawalan ng TV or movie projects dahil sa nangyaring pandemic, pero isa si Maja sa mga artistang naka-survive rito at bukod nga sa Emojination ay siya rin ang napili ni Bossing Vic Sotto na makasama sa bagong sitcom na ipinalit sa Daddy's Gurl kung saan kasama si Maine Mendoza.


So, shall we say... move over, Maine Mendoza and enter Maja Salvador?!


What do you think, mga Marites, mga Mosang at mga Marisol? Think and think big, ha! Boom, 'yun na!


Before the game show ng ilan naming kasamahang writers ay nagkaroon muna ng Q&A portion na tipong mediacon at pinutakti nga ng mga katanungan si Maja.


Sabi ni Maja ay hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang bagong game show ng TV5 na Emojination na nagsimula nang umere noong mismong araw ng Mother's Day (May 14), 5 PM, dahil grabe raw ang pagmamahal na ipinaparamdam sa kanya ng APT Entertainment.


"Pandemic pa naman ay naramdaman ko na ang love sa akin ng APT family. So, marami akong first experience sa kanila. Sila rin ang unang nagbigay sa akin ng unang game show at para ibigay sa akin ito, sobrang laki ng pasasalamat ko dahil grabe ang tiwala nila sa akin.


"Kaya naman, yes na yes agad ako, lalo na 'yung title pa lang, interested na ako and then nu'ng sinabi kung paano tatakbo ang game show, du'n ako lalong na-excite. Nandu'n na naman 'yung mga butterflies sa stomach ko, kinilig na naman ako," ngiting-ngiting sey ni Maja sa madlang showbiz media.


"Dito kasi kailangan mong pag-aralan. Hindi lang sa script kailangan (dumepende), kailangan, mabilis din ang utak mo, kailangan, talagang pati ikaw, alam na alam mo ang mechanics ng laro, ng game show.


"With the help of our director, APT family at nakita n'yo naman nu'ng rehearsal namin, nagbigay sila ng comment kung ano ang kulang sa akin, kulang sa aming dalawa (Awra), kung ano ang mas dapat gawin pa. So, kaya masaya talaga. Sobrang saya lang namin kapag nagte-taping kami ng Emojination," sabi pa ni Maja, na ang makikita sa kanila ngayon ni Awra rito sa game show ay ang kanilang makulit na side.


Ang Emojination ay larong susubukin ang talas at galing ng invited celebrity contestants sa pag-solve ng mga emoji puzzles na magbibigay sa kanila ng chance na manalo ng big prizes.


Ang team na makakakuha ng pinakamaraming "emoticoins" ang makakarating sa jackpot round para sa chance na manalo ng mas malaking premyo.


"Emojination is a fun and exciting game show that brings the universal language of emojis to life," bahagi ni Guido R. Zaballero na president at CEO ng TV5. "We are thrilled to offer this innovative new show to our viewers and we look forward to the excitement and laughter it brings to every Filipino home every weekend."


Kaya sumali na sa kasiyahang hatid ng mga emojis at manalo ng malalaking papremyo sa Emojination na mapapanood tuwing Linggo, 5 PM sa TV5.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page