top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 5, 2023



First time uli naming nakita nang personal si Sarah Geronimo after ng kaguluhang naganap sa kanila ng kanyang mommy dearest na si Mommy Divine nang magtanan sila at magpakasal ni Matteo Guidicelli, and after the pandemic.


Up-close and personal namin siyang nakita sa presscon ng SunLife, kung saan si Sarah ang bagong endorser at kasama rin niya sa event ang kanyang husband na si Matteo, na nauna nang naging endorser ng naturang financial services company.


Dahil nga mga endorsers ang mag-asawa ng SunLife, siyempre ang focal point ng interview ay may kinalaman sa future at security ng madlang pipol.


Nakaka-amaze sina Sarah at Matteo dahil kahit marami na silang datung ay marunong pa rin silang mag-budget ng pera.


Malaki ang ipinagbago ni Sarah, lalo na sa pananalita na tuluy-tuloy without prenu-preno habang katabi si Matteo. Oh, ansaveeeeh n’yo?!


Ishinare rin ng dalawa na naghahati sila sa mga duties and responsibilities sa bahay as husband and wife. At ‘di lang ‘yun, malaki rin ang naging adjustment nila sa isa’t isa.


Nakakatuwa ring malaman na kahit isang Popstar Royalty si Sarah ay marunong siya sa mga gawaing-bahay. Talagang wife material na nga ito dahil marunong din siyang magluto at mag-bake. Tipong mapapakanta na lang si Matteo ng, “Nasa iyo na ang lahat….”


Very sweet din ang couple, ang matunog na matunog na palaging tawag ni Sarah kay Matteo ay “Love” and vice-versa.


Kitang-kita mo kay Sarah na super-inlabey siya sa kanyang mister at tipong love always radiates in her eyes, sa true lang, ‘noh! Yes na yes, Mommy Divine, weder you like it or not, boooom, ganernnnn!


‘Niwey, in pernes naman kay Sarah, magaling na rin siyang sumagot sa mga tanong sa kanya ng SunLife host, ah!


Ahhhh, ang nagagawa nga naman ng pag-ibig na tipong hahamakin ang lahat, masunod lamang ang itinitibok ng puso. Paaaaak, tumpaaaak!


Well, naikuwento naman ni Matteo na after nilang ikasal ni Sarah last February 2020 ay inililista raw nilang dalawa ang lahat ng kanilang ginagastos, lalo na nu’ng tumira sila sa isang condo during the pandemic and lockdown.


“Madaming learnings but you know, it was the first day na sabi ko sa kanya, 'Love, this is the first day' na adulting na kami, na ito na ‘yun... this is our life together, so let's start this off properly and nicely.


“So, the first thing I did was open the excel sheet and two days later on, February 22, 2020, the first lockdown para sa first expense, I try to be a responsible husband,” added na sey pa ni Matteo.

At tipong aprub lang nang aprub si Sarah sa mga naging pahayag ng kanyang lalong pumoging husband. Huwaaaaw!


Yeeees, Sarah G na ang tipong namesung ng Popstar Royalty now because pareho ang first initial ng kanilang apelyido ni Matteo na from Geronimo to Guidicelli. Sey mo, Mommy Divine?


Oh, siguro naman ay isasali rin ng mag-asawang Sarah at Matteo ang ermat at erpat ng Popstar Royalty sa kanilang insurance sa SunLife, devah mga, Ka-BULGAR?!


Yooow, what do you think, mga Madam Damin? Think and think BIG, ha!

‘Yun lang and I thank you.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 28, 2023



Huuuwwwowww, Cubao!!!


Shocked boogie naman kami sa laki ng boobs with matching malalim na cleavage at matambok na wetpu nitong si Alex Gonzaga sa ipinost niyang video sa kanyang Instagram reels recently.


Eh, parang kailan lang nu'ng nakita namin ang younger sister na ito ni Toni Gonzaga na flat-chested at 'di naman super-tambok ang puwet, kaya napatanong talaga kami ng…


"Anyareee?! Nagpa-salamat po, dok na ba siya?"


Ang siste, na-"it's a prank!" lang pala kami nitong si Alex dahil nakasuot lang pala ito ng skintone na costume na may malaking padding kaya biglang-laki ng kanyang boobey at wetpaks!


Walanjoooo talaga, oh! Ang dami talagang kalokohan ng bunsong anak nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy.


But in pernes, bumagay naman kay Alex ang pagkakaroon ng malaking books at matambok na wetpaks. ‘Yung tipong pasok sa mga sexy or bold films, lalo na sa Vivamax, sa true lang.


Kasama nga pala ni Alex a.k.a. Cathy sa Instagram reels niya si Herlene Budol at pareho silang nagsasayaw na tipong sexy dancing at kapansin-pansin na tipong tinalbugan nitong si Alex or Cathy ang boobs, wetpu at wankatitat ni Herlene na payatola naman, ha!


Well, sayang nga lang at 'di pala totoong vavaboom na ang wankatitat ni Alex Gonzaga, akala pa naman namin ay mag-iiba na siya ng career at magpapa-sexy na, whether her husband Mikee Morada likes it or not, boom!


Pero teka, bakit nga ba hindi pa nagbubuntis si Alex at naunahan pa siya ng kanyang Ate Toni na magiging dalawa na ang dyunakis kay Direk Paul Soriano?


Hindi kaya dahil sa pagiging sobrang galawgaw nitong si Alex kaya hirap siyang magbuntis?


Kunsabagay, sa panahon ngayon, nothing is impossible na lalo't may pera naman sila, 'no!


At saka, damihan lang ni Alex ang prayers at novena, ibibigay din ni Lord God Jesus Christ ang inaasam-asam nilang baby ni Mikee.


Sabi nga, sa tamang panahon! 'Yun na!



 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 24, 2023



L-to-L to the max, as in lips-to-lips na wantusawa at super-kiskisan ng mga wankatitat.


Ito ang mga nakakaelyang sizzling love scenes nina Julia Barretto at Diego Loyzaga sa pelikulang Will You Be My Ex? ng Viva Films na now showing in theaters nationwide.


Hmmmm... hindi kaya magselos ang boyfriend in real life ni Julia na si Gerald Anderson kapag napanood nitey ang said latest movie ng labs of his life?


What do you think, mga Mosang? Think and think BIG, ha!


But in fairness naman dito kay Julia, ginawa lang naman niya ang kanyang mga sizzling love scenes kasama si Diego for the sake of art. At for sure, sinunod lang naman nila ang utos ng direktor sa kanila.


Mas maganda naman kasing maging realistic o makatotohanan sa mata ng madlang moviegoers ang mga eksena ng dalawa kasi part ‘yun sa istorya ng nasabing pelikula, period, walang comma, ah!


Sa red carpet premiere night ng Will You Be My Ex? ay walang Diego Loyzaga na dumating para maging escort ni Julia.


Ang kasama ni Julia ay ang kanyang mommy dearest na si Marjorie Barretto and her brother Leon,

na ewan lang kung na-shocked boogie sa mga sizzling hot love scenes ni Julia kay Diego.


Basta ang nabasa naming post ni Marjorie sa Instagram na tipong proud sa anak niyang si Julia ay "I have had the privilege of being present in all of Julia’s premier nights for her movies for several years now. Last night was different. Watching their new movie Will You Be My Ex?, I came not really knowing what to expect. But from the beginning I started to forget I was watching my daughter. You were amazing, raw and natural in this movie, Jul. Believe me when I say that I am Julia’s worst critic. Her anxiety from premiere nights is coming from what my feedback would be.


But you made me cry with this one, Jul. Big time! Your onscreen chemistry with @diegoloyzaga was a pleasant surprise for all of us watching.”


Boom, ganernnn!


Ewan nga lang kung ano’ng magiging feeling ng boyfriend ni Julia na si Gerald kapag napanood niya ang mga sizzling hot love scenes ng kanyang dyowa kay Diego.


‘Niwey, pahulaan na lang natin ‘yan kay ‘Madam Damin’, if ever. Tsuk, ganernnn!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page