top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 23, 2023



Sa red carpet screening and mediacon of TV5's newest afternoon TV series titled Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan ay natanong ni yours truly ang isa sa mga lead stars dito na si Cesar Montano at pati na rin sina Cristine Reyes at Marco Gumabao.


Ang tanong ni yours truly sa kanila ay ganitey.... "Naniniwala ba kayo sa kasabihang...


dumarating, nagdaraan ang nakaraan? Lalo na ngayong usung-uso sa Facebook ang throwback memories, ano'ng throwback memories ang naka-welding na sa utak n'yo na 'di n'yo malimot-limutan?"


Unahin natin si Cesar Montano, "Marami, pero I always dwell on happy, nice memories kasi feeling ko, ito 'yung nagpapasaya at nagpapabata sa iyo. You don't dwell in gloomy phases of your life. Ang kailangan, du'n ka sa mga SUNSHINE places... (tawanan tuloy 'coz siguro, naalala ang ex-wife ni Cesar na si Sunshine Cruz)."


"Para ba sa iyo, bagay ang kantang… 'Afraid and shy, I let my chance go by?'" asked ni yours truly kay Buboy (palayaw ni Cesar).


"Para sa akin... You are my SUNSHINE.... my only SUNSHINE (pakanta niyang isinagot na tuloy, ikinakilig ng lahat na present sa mediacon)... Alam mo, for everyday, laging may SUNSHINE and for everyone."


Hmmm.... malamang, hindi pa nakakalimutan nitong si Cesar ang nakaraan nila ng kanyang ex-wife na si Sunshine Cruz kahit pa sabihing may bago na siyang pamilya ngayon.


Boom, 'yun na!


'Niwey.... muling isasabuhay ng TV5 ang '80's classic love story na Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan na pinagbidahan noon ng mga tinitingalang artista sa industriya na sina Vilma Santos, Christopher de Leon at Eddie Garcia.


Ang pinakaaabangang remake na ito ng TV5, na produced by Sari Sari Network, Inc. in collaboration with VIVA Entertainment, ay pinangungunahan ng real-life couple na sina Cristine Reyes at Marco Gumabao, na hindi na bago sa mga Kapatid audience dahil sa mga nakaraang proyekto nila sa TV5 na Encounter at 'Di Na Muli.


Sasamahan sila ng beteranong aktor na si Cesar Montano na mas magdaragdag pa ng lalim at kulay sa kanilang “love triangle.”


Paniguradong tututukan ng Kapatid viewers ang kuwento ni Helen (Cristine Reyes) at ang pagkahati ng kanyang puso sa dalawa niyang mahal — si Rod (Marco Gumabao), ang dati niyang kasintahan na iniwan siyang lito at sawi; at si Cenon (Cesar Montano), isang nakatatandang arkitekto na paiibigin siyang muli.


Ang kuwento ay iikot sa pag-ibig at paghihiganti na mag-iiwan ng katanungan sa mga manonood — kaninong pag-ibig ang magtatagumpay sa huli?


Ang revival ng classic drama na ito ay nagpapatunay ng dedikasyon ng TV5 sa paghahatid ng mga de-kalidad na entertainment content na magpapatibay sa kanilang afternoon program lineup.


Mapapanood ang Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan simula Hulyo 25, Lunes hanggang Biyernes, 4:40 PM sa TV5 at 8 PM sa SARI SARI Channel, available sa Cignal TV, SatLite Ch. 3, at Cignal Play.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 18, 2023



“Well, I started as a solo actor naman talaga, eh. I mean nag-King of the Gil (concert) na ako, nag-Araneta na ako, wala pa naman akong love team. I’m used to it. There’s nothing new about it. I started out, nag-take-off lang talaga nu’ng nag-love team kami ni Liza (Soberano), but even before Liza, I was the King of the Gil, right?”


Ito ang naging sagot sa amin ni Enrique Gil nang tanungin namin siya kung hindi ba siya nakakaramdam ng takot o pangamba na ngayong buwag na ang tambalang LizQuen ay ipu-push na siya bilang isang solo actor.


Marami ang nasaktan at nainis para sa aktor sa mga nakaraang interviews kay Liza kung saan sinabi nito na itinali siya sa konsepto ng love team at ‘di siya nabigyan ng freedom na makipagtambal sa iba at mag-grow bilang aktres.


Para rin sa iba ay walang utang na loob si Liza dahil kung anuman ang tagumpay na tinamasa nito ay malaking bahagi ang LizQuen love team nila ni Enrique, na naging boyfriend niya rin.


Nang tanungin naman namin si Enrique kung sino sa mga aktres natin ang napipisil niya na maging susunod na kapareha para sa mga upcoming projects na kanyang gagawin, agad kaming sinagot ni Enrique na kahit na sino ay wala namang problema sa kanya at ‘di siya namimili.


Ang mahalaga para kay Enrique ay babagay sa makakaparehang aktres ang ibibigay na role rito. Bukod doon, hindi rin niya gusto na isama ang isang artista sa cast dahil lang sikat o may pangalan na ito sa industriya.


Sa ngayon ay nakalinyang gawin ni Enrique ang comedy movie na I Am Not Big Bird na co-production ng ABS-CBN, Black Sheep at Anima Studios. Balita na sa daming inalok na mga pelikula sa aktor, ang I Am Not Big Bird ang napusuan nito kung saan sa istorya ay napagkamalan siyang sikat na porn star sa Thailand dahil sa laki ng kanilang pagkakahawig.


Sa nakikita namin ay mukhang gusto na ring kumawala ni Quen (Enrique) sa mga wholesome roles na kadalasang tema ng mga proyekto nila noon ni Liza at ngayon ay gusto na nitong sumubok ng mga kakaiba at ‘di nakakahong mga roles na nakasanayan niya.


Bukod sa pag-aartista ay may sarili na ring itinatag na production company si Enrique at siya ang tumatayong Chief Marketing Officer ng Ticket2Me. Ang naturang production company ay isang ticketing company at organizer ng mga events.


Ikinuwento ni Enrique na nu’ng manood siya ng concert ng BTS (K-Pop boy band) sa Hong Kong ay naranasan niya ang hirap mula sa pagbili ng tickets, hanggang sa pagpasok sa mismong venue.


Sa pamamagitan ng Ticket2Me na digital, pupunta ka lang sa website nito upang makabili ng tickets, ‘di mo na kailangang pick-up-in pa dahil pagdating ng mga viewers sa venue ay ii-scan na lang nila ito sa kani-kanilang smart phones.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 16, 2023



Isa si Jane Oineza na may daring role sa Nag-aapoy Na Damdamin at lahat daw ng mga daring scenes niya rito ay kanyang pinaghandaan.


Pero hindi niya pinaghandaan ang sagot sa tanong ni yours truly kung ang sex partner ba niya ang nakapagpaapoy ng kanyang super nag-aapoy na damdamin.


Ganunpaman, thankful din siya na after 22 years, bida na siya sa first-ever collab ng ABS-CBN and TV5.


“Sobrang saya, sobrang kilig, sobrang nakakatuwa dahil alam kong pinaghirapan ko ‘to.


Alam ko na inantay ko rin naman ‘to. So, grabe lang ‘yung pasasalamat ko sa buong produksiyon na binigyan ako ng chance na ipakita ‘yung motivation ko all these years,” ang sey niya sa back-to- back preskon ng ABS-CBN at TV5 collab TV series na Pira-Pirasong Paraiso at Nag-aapoy na Damdamin.


Kaya naman, hindi pa niya naiisip na magpakasal kay RK Bagatsing.


“Sa ngayon, mina-maximize namin ‘yung career ng isa’t isa dahil galing din sa pandemic na ang dami nating uncertainties, ‘di natin alam kung kailan ang next project, next na mga ganap or whatever, so ngayon na 'andito siya, focused muna kami at support namin ang isa’t isa,” Jane even added.


Ahhh, kaya pala hindi niya masagot ang tanong ni yours truly kasi mag-on pa lang sila ni RK Bagatsing at hindi pa kasal at hindi pa rin nagsasama as husband and wife. Boom, ganernnn!


Pero para sa kanya, sila na nga ni RK para sa isa't isa.


“Oo naman, we’ll get there, no pressure, kasi alam naman namin na papunta tayo doon,”

esplika pa nitong si Jane Oineza.


So there, brothers and sisters, plus mga Marites at mga Mosang. No sex, no nag-aapoy na damdamin, pak tumpak!


'Yun lang and I thank you.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page