top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 5, 2023



For sure ay marami na namang maeelya sa Vivamax Sex Goddess na si Tiffany Grey sa latest film nitey titled Kamadora na exclusively streaming sa socmed this coming August 11, 2023.


Sa virtual Zoom preskon ng Kamadora ay natanong ni yours truly si Tiffany kung kinakamada ba niya ang pagiging sex goddess at showbiz career niya sa mga Vivamax Films at ang kanyang kasagutan ay, “Talaga pong pinagsusumikapan kong maging matagumpay ang pagpasok ko sa showbiz world natin, pero umaasa rin po ako sa tulong ng aking manager at sa mga taong alam kong makakatulong sa aking career. Kumbaga, sama-sama or tulung-tulong kami sa pagkamada kasi po ang katwiran ko ay the more, the merrier.”


Una siyang nakilala sa mga sexy films ng Vivamax like Putahe, Influencer at iba pa but ang parents niya ay very much against sa pagiging sexy actress niya.


“But, dream ko po talaga ever since ang mag-artista,” she said. “So sinuportahan na lang nila ako.


“But I told them not to watch Kamadora, kasi ito ang pinakamatapang na nagawa ko. Sabi ko, trailer na lang ang panoorin nila para huwag silang ma-shock.”


Well, kunsabagay, trailer pa lang ng Kamadora ay super-nakakaelya na, lalo na ang mga sexy scenes dito ni Tiffany with co-stars Victor Relosa at Junjun Quintana na idinirek naman ni Direk Roman Perez, Jr..


Talbog na niya ang ilang sexy actress noong dekada '70 at '80, sa true lang. Kasi tipong wala naman yatang censorship sa mga socmed streaming sa ngayon kaya marahil go lang nang go sa paggawa ng mga sexy films ang Vivamax, devah naman, mga tribu ni Marites diyan at tribu ni Mosang?


Now just asking... ito na kayang si Tiffany Grey ang bagong Rosanna Roces ng millennial generation? Pakihulaan na lang po, Madam Damin. Boom, ‘yun na!


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 3, 2023



May rebelasyon si Coleen Garcia tungkol sa pagsasama nila ng mister na TV host na si Billy Crawford sa preskon ng latest Viva Films movie titled Kung Hindi Lang Tayo Sumuko, na showing this coming August 21, 2023 in theaters nationwide.


Isa si Coleen sa mga bida ng movie at ang mga co-stars niya rito ay sina Carlo Aquino, Ryza Cenon, Jerome Ponce, Rhen Escaño, Kiko Estrada, Andrea Del Rosario, Jeric Raval, Maricel Morales, Jojo Abellana, Andrew Muhlach at Jourdaine Castillo sa direction ni Carlo Catu.


Tipong nagbalik-tanaw itong si Coleen sa pagsasama nila ni Billy bilang mag-asawa.


Muntik na raw siyang sumuko noon.


“We almost called off the wedding at that time. I didn’t know if I wanted to push through with it or not. Sobrang magulo ang utak ko noon,” lahad niya.


“I think that was also the time, pumasok lahat ng challenges. I got overwhelmed with doubts and the thought of marriage coming with various challenges then. You ask yourself, ‘Ano ba ‘tong papasukan ko? Tama ba ‘tong decision that we’re making?’ Doon pumasok lahat ng duda kapag naging reality na siya,” she explained.


Kahit halos isang dekada na silang kasal ni Billy, inamin ni Coleen na may mga pinagdaanan daw silang problema at may mga times din daw na naiisip na lang niya na sumuko na lang sa relasyon nila.


“When you’re married and living together for so long, it’s inevitable that you will clash at some point, especially when you have a baby. There are times when you just want to be alone and you just want to give up,” pag-amin niya.


Si Billy naman ay never naisipang makipaghiwalay sa misis kahit na naging mahirap ang kanilang sitwasyon.


“Not even one time walking away became an option for Billy. That was what got me also to value commitment after we got married,” dagdag ni Coleen.


“Billy is my rock. At times when I really want to give up, he grounds me,” pagtatapos na pahayag ni Coleen na tipong may konek sa latest movie niya sa Viva Films na Kung Hindi Lang Tayo Sumuko.


At least, in real life ay hindi sila sumuko ni Billy as husband and wife, boom, ‘yun na!


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 26, 2023



Nangangamoy-Best Actress sa mga susunod na award-giving bodies si Cristine Reyes dahil super emote ang acting niya sa hapon serye ng TV5 na Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan with Cesar Montano and real-life sweetheart Marco Gumabao.


Lutang na lutang ang acting niya rito kahit walang makeup, tulad din ng naging husay niya sa Viva Films movie na Martyr or Murderer na ang role na kanyang ginampanan ay si Imee Marcos.


In pernes, kung sakali ngang manalo as Best Actress si Cristine ay deserve naman niya talaga ‘coz ibinigay naman niya ang lahat-lahat, lalo na sa kanyang mga crying scenes at pagsigaw-sigaw sa big screen with or without makeup.


Natural ang ipinamalas niyang acting sa dalawang nabanggit na projects ng Viva, sa true lang.


Kaya nga kahit si Cesar Montano na gumanap na tatay niya sa Maid in Malacañang at Martyr or Murderer, at ngayon ay lover niya sa Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan, ay bilib na bilib sa galing umarte ni Cristine.


Napa-dialogue pa nga si Cesar na "Si Cristine, very professional siya. Mabilis siyang mag-switch, magaling. Ako, nakikita ko kay Cristine, magiging isa siya sa mga importanteng actresses dito sa Pilipinas."


Huwooow, kalabaw!!! Did you hear that, babaeng bundat?!


Naging inspirasyon kaya ni Cristine ang dyowa niya ngayon na si Marco sa pag-e-emote sa harap ng kamera?


Well... malamang alamang!


Sa true lang ay talagang gaganahan ka sa iyong trabaho lalo na kung meron kang inspirasyon na kasingpogi ni Marco, boom ganernnn! ‘Di ba naman, mga tribu nina Marites at Mosang?


‘Yun na!


‘Niwey, ngayon pa lang ay binabati na namin si Cristine ng isang matunog na “Congratulations!!!” win or not, ‘noh! At ‘pag 'di siya nanalong Best Actress, lalo na sa pelikulang Martyr or Murderer ay ewankulangot na lang!


Yow, what do you think, Senador Imee? Think and THINK BIG, ha! Insert smiley ☺!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page