top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 26, 2023



Yes, sir! Isa nga sa mga naging topics nu’ng presscon ng TV5 series titled Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan na pinagbibidahan ng real-life couple na sina Cristine Reyes at Marco Gumabao ang pagiging tulay ni Jake Cuenca sa dalawa.


Kuwento ng magdyowa, si Jake ang nagsilbing bridge of the river or tulay sa kanila noong mga panahong nagliligawan pa lang sila.


Sey ni Cristine, ni hindi na nga niya namalayan na panliligaw na pala ang ginagawa ni Marco that time.


Dalawang beses silang nagkatrabaho sa isang teleserye at isang pelikula, pero na-rekindle ang koneksiyon nila sa birthday ng pamangkin ni Marco na anak ng best friend ni Cristine, si Nadine Samonte.


Mula noon, naging regular workout buddies na sila kasama ang ilang kaibigan at isa na nga roon si Jake. Kaso, na-lock-in si Jake sa Cebu City kaya naiwan sina Cristine at Marco sa regular workout sessions.


“So, every morning, akala ko, morning person siya, pumupunta siya sa BGC nang 8 AM. Tapos magdyi-gym na kami, mag-i-script reading na kami. Ligaw na pala ‘yun,” pagbabalik-tanaw ni Cristine.


“Tawag du’n, effort,” bawi naman ni Marco. “Naging morning person ako dahil sa kanya. Akalain mo ‘yun, kaya ko palang maging morning person?” patuloy ng aktor.


Well, ‘yan din ang tinatawag na “if it’s meant to be… meant to be”, boom ganernnn, with matching background music pa na may lyrics that goes... “Kapalaran… kung hanapin ‘di matagpuan… at kung minsan, lumalapit nang ‘di mo alam....” pakkk, tumpak!


Eh, harinawa, wish lang namin ay magkatuluyan na in real life itong sina Marco at Cristine ‘coz bagay naman sila bilang husband and wife. At wala namang tutol sa kani-kanilang pamilya sa pagmamahalan nilang dalawa, in pernes.


Incidentally, sina Marco at Cristine ang gumaganap na Rod at Helen sa TV remake ng

Viva Films classic na Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan na napapanood weekdays at 4:40 PM sa TV5.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 18, 2023



Sa talk show ng GMA-7 na Sarap ‘Di Ba? ay natanong ni Madam Annette Gozon si Carmina Villaroel sa harap ng husband niyang si Zoren Legaspi if there was someone before who can be considered as "muntik na", meaning maging karibal ni Zoren, at agad itong sinagot ni Carmina ng "Wala."


Pero biglang sumagot si Zoren ng "Meron. Taga-ibang channel."


"Since matagal na matagal ka nang nasa showbiz, I’m sure maraming nagparamdam sa ‘yo na baka muntik na, pero hindi natuloy. Meron bang ganu’n? Puwede mong ibulong lang sa akin,” asked uli ni Madam Annette Gozon.


“Wala po talaga,” ang sagot pa rin nitong si Carmina pero ang mister niyang si Zoren ay tipong ‘di mapigilan sa pagsasabing “Meron! Meron! Meron! Taga-ibang channel nga, eh."


And Zoren even added "Muntik na."


Natawa si Carmina sabay sabing "Ay, oo nga pala," at pinasalamatan pa niya si Zoren for reminding her. Pero hindi na niya ini-reveal kung sinetch kaya pahulaan na lang natin kay Madam Damin kung sino ang guy na pinagselosan ni Zoren.


And in pernes naman dito kay Carmina, sa taglay niyang ganda at talent, imposible ngang walang magkagusto sa kanyang mga co-actors niya maliban kay Zoren Legaspi, ‘noh!


Carmina and Zoren are blessed with 2 kids namely Mavy at Cassy Legaspi na pareho na ring pinasok ang mundo ng ating showbiz world.


Well, let's all wish Carmina at Zoren na tumagal pa ang kanilang pagsasama bilang husband and wife together with their two kids.


And kung sinuman ang kani-kanilang naging past loves is already in the past and considered throwback memories na lang, boom! ‘Yun na!


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 10, 2023



Naging madamdamin si Robi Domingo sa muli niyang pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN, ang kanyang home network sa loob ng 15 taon, sa naganap na “Keep Shining: The Robi Domingo Network Contract Signing” event.


“My heart is just filled with gratitude. I have regarded this place to be my home and it will continue to be my home. I am with family. I am and will be a Kapamilya forever,” ani Robi.


“It’s really a badge of honor when people say you are a Kapamilya kasi ang daming responsibilidad and commitment na kasama nu’n. But whenever I wear that badge of honor, I feel proud to say that I will be in the service of the Filipino worldwide,” dagdag niya.


Kasama sa nasabing contract signing event sina ABS-CBN Chairman Mark Lopez, ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak, ABS-CBN COO of Broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN Head of TV Production and Star Magic Head Laurenti Dyogi, at Star Magic handler na si Lulu Romero.


Pagkatapos niyang pumirma ng kontrata, inilahad naman ni Robi ang kanyang dream project.


Sabi niya, “I want to host a game show about knowledge naman. I think it’s high time for us the Philippines to bring back the golden age of game shows kung saan people would be rewarded because they know stuff.”


Nagwagi bilang 2nd Big Placer si Robi sa Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus taong 2008 at simula noon, nakilala na siya bilang isa sa mga pinakamagagaling na hosts sa bansa.


Bukod sa pagiging VJ sa MYX, pinangunahan din niya bilang host ang maraming Kapamilya programs tulad ng A.S.A.P. Natin ‘To, Dance Kids, Game KNB?, Idol Philippines, MathDali, at The Voice Kids.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page