top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | September 21, 2023



Bago gumawa ng kasaysayan bilang unang Filipina na naging nominado sa British Academy of Film and Television Arts o BAFTA at Golden Globe Awards, iba't ibang trabaho rin ang napasukan ng aktres na si Dolly de Leon.


Sa episode ng Magandang Buhay nitong Martes, naikuwento ni Dolly na naging mascot siya para sa mga malalaking events.


"Minascot ko, baka (cow). Pero dalawa kami, ako 'yung nasa likuran, tapos, 'yung kasama ko, siya ‘yung nasa harapan. So, nakakapit ako sa hips niya, tapos, 'yung likuran niya ay nakaharap sa akin, tapos, sumasayaw kami. Masaya 'yun, masaya," ani Dolly.


Bukod doon, naibahagi rin ng premyadong aktres na naging babysitter rin siya, “Pamangkin ko rin, bine-babysit ko pero may bayad ‘yun, trabaho siya."


Sa programa, nagbalik-tanaw si Dolly sa pagsisimula ng kanyang karera. Ayon sa premyadong aktres, nag-aaral pa lang siya sa University of the Philippines (UP) nang magsimula siyang umarte.


"Sophomore pa lang ako, lumalabas na ako sa mga sitcom, drama anthology at kasabayan ko sina Uge (Eugene Domingo) at sina Candy (Pangilinan). Doon ako nag-start sa mga sitcom," ani Dolly na inaming bata pa lang siya ay pinangarap na niya ang pag-arte.


"Acting talaga ang gusto ko nu’ng bata pa ako pero never ko talaga siyang pinursue nu’ng una, lalo na nu’ng pag-graduate ko ng college kasi matumal ang trabaho, konti lang ang pumapasok na trabaho. So gumawa ako ng iba't ibang bagay para maituloy ko pa rin ang passion ko which is acting. Kaya ako nag-cashier, kaya ako nag-mascot at lahat," paglalahad ni Dolly.


Ayon pa sa premyadong aktres, ang kauna-unahang pelikulang ginawa niya ay ang Shake, Rattle and Roll III na idinirehe ni Peque Gallaga.


"Ang big deal nu’n, si Manilyn Reynes ang bida. Tungkol 'yun sa undin. Isa ako roon sa boarders na barkada ni Ai Ai delas Alas dahil siya 'yung kontrabida roon, kami 'yung mean girls, inaapi-api namin si Mane. Isa kami sa pinatay ng undin," kuwento ni Dolly.


Ang proyektong hindi raw malilimutan ni Dolly na kanyang ginawa sa TV ay ang The Maricel Drama Special.


“Kasi kaeksena ko si Maria (Maricel Soriano), siyempre, intimidated na intimidated ako sa kanya.


Nakakatuwa doon, ‘di ba, usually kapag darating ka sa set, magri-reading muna sa iyo ang AD (assistant director), ‘di ba? Para itse-check nila kung alam mo ang lines, kung marunong kang umarte, parang 'yun na ang audition mo.


“So nu’ng ginawa namin 'yung lines, reporter ako roon, 'yun ang role ko, ini-interview ko siya (Maricel). Nu’ng ginawa ko ang lines, okay, ang ganda, ang linis, pulido. Tapos, nu’ng dumating na si Ms. Maria on set, tapos, action na, wala na, nadapa-dapa na ang lines ko, ang pangit, nakakahiya. Mabuti na lang at mabait siya, hindi naman niya ako pinagalitan or anything, patient naman siya," pagbabahagi pa ng premyadong aktres.


Hindi rin makakalimutan ni Dolly ang pagiging kontrabida sa programang Precious Hearts Romances: Pintada noong 2012.


"Parang feeling ko, 'Wow! Breakthrough ko na ito,’ kasi kontrabida. Kapag kontrabida ka, parang big deal ‘yun, eh. Ang kaeksena ko roon si Denise Laurel," aniya.


Kahit na malilit na karakter ang kanyang mga ginagampanan, hindi naisip ng premyadong aktres na iwanan ang pag-arte.


"Kasi tanggap ko na ganu’n ang destiny ko as an actor. Para sa akin, as long as kinukuha ako para magtrabaho, hindi na importante ang role na gagampanan ko. Basta may trabaho, go ako.


Saka 'di ko iniisip 'yun na walang linya. Para sa akin, hindi naman 'yun problema, para sa akin, okay nga 'yun, at least, nagtatrabaho pa rin at 'yun naman ang importante," pag-amin ni Dolly.


Bida sina Dolly at Kathryn Bernardo sa upcoming movie na A Very Good Girl na ipapalabas sa mga sinehan sa Setyembre 27.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | September 8, 2023



In pernes, ha, nakaisa ang komedyanteng si Empoy Marquez kay Cristine Reyes sa pelikulang Kidnap for Romance ng Viva Films.


Yes, naisahan ni Empoy ang boyfriend in real life ni Cristine na si Marco Gumabao ‘coz super lips-to-lips ang ginawa ni Empoy kay Cristine sa isa sa mga eksena nila sa nasabing pelikula.


Kaya bagay lang ang naging background music that goes like… “‘Di ko alam kung bakit type kita, ‘di ka naman guwapo kahit malabo ang pagpili ko... TL ako sa iyo,” sa lips-to-lips sizzling scenes nina Cristine at Empoy.


Sa premiere night ng Kidnap for Romance ay kasama ni Cristine ang kanyang boyfriend na si Marco at tipong hindi naman ito affected much sa lips-to-lips scene nina Cristine at Empoy, bagkus ay tipong tinawanan lang niya ‘coz siguro, sabi niya sa sarili… “Trabaho lang, walang personalan.”


Boom, ganernnn!


At in pernes, kahit papaano ay may chemistry din sa big screen ang tambalang Cristine Reyes at Empoy Marquez, sa true lang, ‘noh!



Nang ipa-describe ng ilang press pipol kay Empoy kung ano ang masasabi niya kay Cristine on and off-camera, ang sagot niya ay... “Slapstick siya sa totoong buhay, eh. Pero I feel much better kapag ganoon. Sa sobrang saya niya, akala niya, everyday ay birthday niya, hahaha! Na minsan, maitutulak ka niya at doon ako matatawa sa tawa niya, na para bang may kasama kang anak na makulit, ganoon siya.”


Tanong uli kay Empoy, ano kaya ang puwede niyang i-advise kay Cristine bilang isa siyang magaling na komedyante?


“Huwag siyang manood ng mga comedy o huwag siyang manood ng mga nakakatawa kasi ang buong pagkatao niya ay nakakatawa na, eh. Organic siya para sa akin kasi hindi niya kailangang gumaya sa iba, mayroon siyang sariling style in portraying roles,” katwiran ni Empoy da comedian.


Kasama rin nina Cristine at Empoy sa Kidnap for Romance sina Boboy Garrovillo, Yayo Aguila, Jeric Raval, Nikko Natividad, Debbie Garcia, Archie Adamos, TJ Valderrama, Kyo Quijano, Tyro Daylusan, at Marnie Lapus.


Nalungkot lang si yours truly nang makita sa isang eksena ng Kidnap for Romance ang anak ng aming best friend na si Tess Salvador (SLN) na si Ricky Salvador Rivero na gumanap na director sa nasabing pelikula.


‘Yun na pala ang kanyang huling pelikula bago siya sumakabilang-buhay.

R.I.P. Ricky Salvador Rivero.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | September 7, 2023



Ang Lord of Scents at Aficionado King na si Joel Cruz ang isa sa mga naging sponsors ng benefit concert ni Malu Barry nito lang nakaraang September 2 sa Teatrino Music Hall at malaking halaga rin naman ang kanyang nai-donate sa pagpapagamot ng cervical cancer ni Malu na umabot na sa Stage 3.


Nang tinawag siya sa stage ni Malu para magsalita at magbigay ng mensahe ay nasabi nito na gusto raw niya na ang isang anak niyang babae ay maging katulad ng isang Malu Barry na magaling na singer at performer sa stage.


Kilala ng maraming madlang press pipol ang pagiging generous ni Joel Cruz kaya hindi na kami magtataka na marami pala siyang cancer patients na tinutulungan bukod pa kay Malu.


Kaya rin naman pinagpapala siya ng ating Heavenly Father Lord God Savior Jesus Christ dahil he always shares his blessings, lalo na sa mga needy ones.


Bukod kay Joel Cruz ay isa rin ang actress-cum singer na si Patricia Javier sa mga gumastos nang malaki para sa benefit concert ni MB ‘coz siya ang naging producer para makalikom ng pera sa pagpapagamot ng Stage 3 cervical cancer ang kanyang best friend.


Walang hanggang pasasalamat naman ang ipinaaabot ni Malu sa mga kaibigan at mga taong tumutulong sa kanya. At dalangin namin na harinawa ay pagalingin na siya ni Lord God Savior Jesus Christ sa kanyang sakit at huwag nang lumala pa.


Nakakalungkot kasi lahat ng mga kinanta niya sa kanyang benefit concert na tipong namamaalam na ang ating Fiery Soul Torch Diva na harinawa, huwag naman sana, ‘coz kailangan pa siya ng kanyang mga anak, apo at mga kaibigan na kanyang tinutulungan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page